Chapter 29 [Disrespect]

6.4K 440 72
                                    

The sunrays escaping from the windowpanes hit my eyes as soon as I opened it. Sinubukan ko pang takpan ito gamit ang aking isang kamay ngunit walang saysay iyon dahil nawala na ang antok ko.

Babangon na sana ako pero nakapagtatakang hindi ako makaahon mula sa pagkakahiga. I tried for the second time but still, nothing happened. Napagtanto ko kung bakit nang mapansin ang braso at binting nakalingkis sa aking katawan.

It wasn't hard to tell whose body part it belongs to. Sa mga ugat pa lang na nakapalibot dito at sa pinong balahibong nakalatag sa balat nito, alam ko na kaagad kung sino.

Binuhat ko ang mabigat na brasong nakadagan sa aking dibdib at saka bumangon. Pinagmasdan ko ang natutulog na si Blade sa aking tabi. He looks so peaceful and innocent. Pero ang hindi ko lang maintindihan ay kung paanong dito siya nakatulog sa aking kwarto.

As far as I could remember, nang makabalik ako sa guest room ay binihisan ko siya at saka hinayaan doon. I never transferred him to my room unless he sneaked out last night from the guest room.

But since it already happened, hinayaan ko nalang. Hinilot ko ang aking sintido nang unti-unting bumalik sa aking memorya ang nasaksihan ko kagabi.

Mom was kissing the mayor's father in the dark. It's something that I wasn't expecting at all and something that I can't probably accept. I mean, she could kiss men as much as she wants but not him. Not Tito Henry. I couldn't imagine him being my stepfather and Blade being my step-fucking-brother.

There is just no way I could digest that.

On the other hand, it was just a kiss. Maaaring wala naman silang malalim na relasyon, hindi ba? Ako lang itong nag-assume. Maaaring kissingbuddies lang silang dalawa sa dilim. I don't know. Honestly, I don't want to start my day stressing about it but I can't help but be reminded of it.

"Blade.." tinapik ko nang marahan ang kanyang pisngi upang gisingin siya.

Nakapagshower na ako at nakapagbihis na rin. Nakababa na ako kanina at didiskarte sana ng kape ngunit naalala kong hindi nga pala siya umiinom nun kaya dinalhan ko nalang siya ng fruit juice at ilang tabletas para sa maaaring hangover niya pagkagising.

He opened his eyes slowly and I was the first person he saw. Medyo pugto pa ang mga mata niya dahil sa mahabang pagkakatulog. Naupo siya at saka iginala ang paningin sa paligid.

"Am I inside your room? Again?" tanong niya saka tumitig ng seryoso sa akin.

Maluwag ang puting t-shirt na ipinalit ko sa damit niya kagabi ngunit kahit na ganoon ay hindi nabawasan ang pag-iisip ko ng maruruming bagay. Anumang suot, anumang anggulo, anumang bahagi, ang gwapo at ang sarap!

"You don't remember sneaking out last night?"

Naupo ako sa harap niya. Malaki at mabigat siya kaya nakalundo ang parte ng kamang kinauupuan niya. His eyes shifted back and forth, probably reliving his memories last night.

"Sa guest room kita dinala kagabi nang makatulog ka sa kalasingan. Paggising ko nandito ka na." I added.

Humikab siya saglit pero napansin ko ang pag-angat ng labi niya, may multo ng ngiti roon pero mabilis ding naglaho.

"Can't remember." hindi ako nakumbinsi sa sinagot niya. "You look good in the morning, by the way.." aniya saka hinaplos ang tuktok ng aking ilong.

Parang sira talaga 'to, 'di pwedeng I woke up like this? Well, wala namang sinusunod na oras ang kagandahan ko kaya alam ko na 'yon.

"Bolero. Ganyan ka pala pagkatapos malasing, nagiging bolero?" kunwari akong umiling-iling, hindi naniniwala na sinsero ang papuri niya.

I kinda miss his drunk version. Ang sweet niya kasi at makulit man ay nakakatuwa naman. Being back in his usual state is still okay, a bit authoritative but could be managed.

The Other Side of Dominance (BxB) ✔Where stories live. Discover now