Lately, I haven't been feeling myself. It feels like something is going on but I can't quite lay a finger on it. Or maybe this is existential crisis that I'm going through?
I know myself better than anyone could. I'm the sunny type, I'm wild, aggressive, adventurous, risk-taker, and I like challenges. But this past few days, it seems like each of the trait I have, fades one by one.
To the point that I'm starting to feel that I'm losing my identity.
Or maybe I'm just overreacting, maybe I'm just overthinking.
"What's wrong with you?"
Isang umaga, binisita ako ni Kuya Evan sa aking kwarto. Nakadapa ako sa kama habang nag-bi-browse ng kung anu-ano sa aking social media accounts. Marahan kong hinihilot ang aking ulo upang maibsan ang aking pagkahilo.
"Nothing's wrong with me, kuya." tamad kong sagot.
Lumundo ang gilid ng kama nang maupo siya roon. Hindi niya pinalampas na hipuin ang aking noo ng kanyang kamay. I lazily gazed at him.
"Wala ka namang lagnat, bakit ang tamlay mo?"
Kahit sarili ko ay hindi kayang bigyan ng sagot ang katanungang iyon. At hindi naman ako matamlay, it's just that I have these days when I don't feel like doing anything.
Nang hindi ako sumagot ay inagaw niya ang aking cellphone.
"Kuya, akin na 'yan!"
Inilayo niya ang aking cellphone kung saan hindi ko maaabot. And since sinapian ako ng katamaran ngayon, hinayaan ko lang siya dahil wala akong ganang makipagbuno sa kanya ngayon.
"What happened to you? Sinaktan ka ba ng gagong 'yon? Sinasabi ko na nga b—"
"Walang nanakit sakin. Tinatamad lang talaga ako ngayong araw!" napipilitan kong katwiran sa kanya.
Humaba ang nguso niya at tinitigan ako nang mariin. Once again, his obsession about everything is driving me insane. I know how to deal with him but right now I don't have the capacity to do that.
"E bakit hinihilot mo 'yang ulo mo kanina? Masakit ba ang ulo mo?" may pag-aalala sa tono ng boses niya, ang marahas niyang ekspresyon kanina ay naglaho at naging mas maamo.
"It's just a stupid headache, kuya."
Bagot na bagot ako dahil walang magawa. I layed down on the bed and not even caring if he has my phone.
Saglit na lumabas ng silid si kuya, hindi ko alam kung saan pumunta. Pero alam kong babalik pa siya dahil hindi niya isinarado ang pintuan.
It's been three days since the pageant at the school. Binigyan din ng mahaba-habang off ang mga estudyante upang makapagpahinga at para na rin makapaghanda sa kanilang nalalapit na final examinations.
Professors aren't required to attend, pero madalas ay pumapasok pa rin dahil sa mga gawaing hindi pa natatapos. And in my case, natapos ko nang lahat iyon kaya heto ako at walang balak na pumunta sa school ngayon. I don't even feel like going to the shop. I don't know what to do with my life, seriously.
At sa mga lumipas na araw, pinag-isipan kong mabuti ang pagreretong gagawin kay Blade para sa aking kaibigan. O kung gagawin ko nga ba talaga. I've had the confidence to do it days ago but now I don't even know where to start.
"Alam mo para kang sira, hinabol-habol mo 'yung tao tapos ngayon ipapamigay mo? Bobo lang ang gumagawa no'n!" iyon ang naging opinyon ni Parker nang isang beses siyang bumisita sa shop, the day after the pageant.
Hindi naman ako nasaktan sa sinabi niya dahil totoo naman. I'm so stupid to agree to it just for the sake of 'friendship'. I love my friends but I don't think it's my place to risk something like that.
YOU ARE READING
The Other Side of Dominance (BxB) ✔
RomanceHarper's impulsive nature leads him to pursue Blade with unwavering determination. Intrigued by Blade's allure and charisma, Harper embarks on a tempestuous journey to capture the heart of the hot governor. Along the way, he encounters numerous obst...