The most important relationship in our life is with ourselves, iyon ang pinanghahawakan ko ngayon. Self-love is so underrated. Kung maniniwala nga ako sa salitang commitment, kailangan ko munang matutunan kung paano mahalin ang aking sarili.
Well, paano ko nga ba sisimulan iyon?
Unang-una sa lahat, mahalin ang mga bagay na kaya mong gawin. Your talents, your set of skills, what are you capable of doing and what can you offer to people.
"Anong meron at nagbake ka ngayon?" dinungaw ni Kuya Evan ang gawa kong muffins sa loob ng oven.
Well, I know how to bake muffins and cookies. Bukod sa masarap ako, masarap din akong magbake nito. Proven and tested ko na ito.
"Wala, gusto ko lang." nagkibit-balikat ako.
Nang tumunog ang timer ay isinuot ko ang mittens upang kuhain ang luto nang muffins. Umalingasaw ang nakakatakam na amoy nito nang buksan ko ang oven.
"Masarap ba 'yan?" tanong naman nang kadarating na si Kuya Atom. Kuya Evan and I are in the kitchen, sabay naming nilingon si Kuya Atom na nagsalin ng tubig sa isang baso habang nakatingin sa amin.
"Syempre masarap! Ako ang gumawa, e!" tugon ko, may bahid ng iritasyon sa boses ko habang inilalapag ang tray sa counter. Kailangan pa ba kasing itanong 'yon?
Nagtabi silang dalawa at sabay akong pinanood na isalin ang mga lutong muffins sa isang malaking serving plate.
Dahil magkatabi sila ay mabilis kong napansin ang pagkakaiba nilang dalawa. Kuya Evan is taller and has fair complexion while Kuya Atom's built is more massive and has tan skin. Si Kuya Atom ay brusko samantalang si Kuya Evan ay mukhang basagulero.
Tinitigan nilang dalawa ang bi-nake kong muffins na animo'y gumagalaw ang mga iyon. Pero malakas ang pakiramdam kong natatakam lang sila kaya ganoon.
"I believe that's delicious." komento ni Kuya Atom, kunwari pa pero gusto lang naman manghingi.
"Kahit hindi ka sigurado kanina kung masarap ang mga 'yan?" sabat naman ni Kuya Evan na humalukipkip, tinatalo ang komento ni Kuya Atom.
"I was just asking, pero mukha namang masarap."
"Masarap nga raw 'di ba? Kasasabi lang e."
"Bakit, natikman mo na??"
I can't believe they are fighting over these muffins. They are both older than me but right now they sound like kids.
"Tahimik! Parehas naman kayong makakatikim nito, ayos na? Huwag na kayong magtalo." sarkastiko kong awat sa kanila para lamang matigil na sila sa kahibangan nilang dalawa.
Pero pagkasabi ko no'n ay nag-unahan pa sila sa pagkuha. Hinubad ko ang mittens at umirap na lamang sa kawalan habang pailing-iling.
It's still seven in the morning. Maganda ang mood ko ngayon dahil wala si Mom, ibig sabihin walang magmamando ng mga dapat kong gawin at walang mag-uungkat ng buhay ko. Malayang-malaya ako!
As a routine, lagi namin siyang kasabay sa breakfast. Pero ngayon ay maaga siyang nagtungo sa kompanya dahil may importanteng aasikasuhin doon. Kaming magkakapatid lamang ang naiwan. Ang mga anak naman ni Kuya Evan ay nasa pamilya ni Ate Jacky kaya wala rin sila rito ngayon.
Naabutan ko naman si Kuya Joko nang magtungo ako sa sala. Mukhang kararating lang niya galing trabaho, lagi kasi itong panggabi. Hinubad niya ang suot na blazer at saka pagod na humilata sa sofa.
I tiptoed behind him so he won't notice me. Nang makarating ako sa tuktok ng sofa ay saka ako tumalon at bumagsak sa kanya.
"Putangina, Harper!"
![](https://img.wattpad.com/cover/220342365-288-k854155.jpg)
YOU ARE READING
The Other Side of Dominance (BxB) ✔
RomanceHarper's impulsive nature leads him to pursue Blade with unwavering determination. Intrigued by Blade's allure and charisma, Harper embarks on a tempestuous journey to capture the heart of the hot governor. Along the way, he encounters numerous obst...