Prologue

26K 812 100
                                    

Hirap na hirap akong maglagay ng contact lens habang nakaharap sa salamin. Malabo na kasi ang mga mata ko kung kaya't kinakailangan ko nang magsuot nito. Nang matapos ay pinagmasdan ko lamang ang repleksyon ko sa salamin. Binasa ko ang aking kamay at saka sinuklay ang aking buhok. I have this naturally tousled hair with a dramatic widow's peak. Mahina kong sinampal ang aking pisngi upang pumula ito ng bahagya.

I've always heard from other people how I always look good but I actually think of the opposite way.

Sa aming apat na magkakapatid ay ako lamang ang walang jowa. I have three older brothers and I'm the youngest. I have a stable job and a good behavior, I think. But I always get turned down by the people I tried to like.

That's when I decided that it is hard to like me, or even love me.

Hindi ko maintindihan. I'm getting desperate thinking about all of it, actually. Hindi maganda ang resulta nito sa akin. Minsan, bumababa ang tingin ko sa aking sarili. And they'll always try to lift my spirit up, most especially my brothers.

"Your friends are here, hinahanap ka na sa baba." pumasok ng kwarto si Kuya Evan, ang panganay naming kapatid.

Tumigil sa pangingialam ng gamit ko si Kuya Atom at saka tumayo mula sa aking higaan. Lumapit ito sa kinaroroonan ko at mabilis na kinurot ang aking pisngi. Lumabas siya upang babain ang mga dumating na kaibigan kung kaya't nawalan ako ng pag-asa na makaganti sa kanya.

Nilapitan ako ni Kuya Evan habang ako'y nakaharap sa salamin.

"Why are you wearing lenses? You can wear eyeglasses instead of that.." suggestion niya na hindi ko naman hiningi.

I frowned at him from the mirror.

"This is better, kuya.. And Kuya Atom's friends are here, so I need to look good." tugon ko sa kanya.

I was born to impress people. I know it shouldn't be, but I need to.

Pinalitan niya si Kuya Atom sa pangingialam ng mga gamit ko. Umalis ako sa harapan ng salamin nang matapos sa ginagawa at saka pinuntahan si Kuya Evan upang sawayin ito.

"Kuya, gamit ko 'yan. Ano bang hinahanap mo diyan?" hinablot ko ang personal bag ko na hawak niya.

Malaking bulas itong si Kuya Evan, hindi ko nga maintindihan kung anong nagustuhan nung asawa niya sa kanya. He's so clingy and obsessive about everything.

"Making sure that you have condoms. Sa rupok mong 'yan, kailangan may proteksyon lagi." seryoso pa ang mukha niya habang sinasabi iyon.

Mas lalo akong sumimangot. Hindi lang pakialamero ng gamit, nakikialam din siya sa buhay ko at sa sex life ko. And I don't even need condoms, what the fudge?

"Mandiri ka nga sa sinasabi mo, kuya. Ikaw dapat itong may condom dahil ikaw 'tong may asawa diyan!"

Inagaw ko ang bag sa galamay niya. Presko siyang humilata sa aking kama. King size talaga itong kama ko pero nagmukhang maliit dahil sa kanya.

"We don't use condoms, tsk. Gusto mong bugbugin ako ni Jacky kapag nakitaan niya ako nun? Ikaw, baka kung sinu-sinong lalaki ang pinapatulan mo ha? Siguraduhin mong wala kang makukuhang sakit dyan!" aniya saka ako dinuduro ng daliri niya, inismiran ko lang siya. As if naman wala siyang ibang babae, kung alam lang ng asawa niya.

Ganito na talaga ang uri ng aming pag-uusap. Normal na ito sa amin. Araw-araw kami kung mag-usap ng ganito.

Si Kuya Evan ang panganay, nagtatrabaho ito sa isang construction firm at engineer siya roon. Ang sumunod ay si Kuya Atom na isang fitness trainer. Ang sumunod ay si Kuya Joko na wala ngayon dito dahil isa itong bartender sa isang bar at madalas na gabi ang oras ng trabaho.

The Other Side of Dominance (BxB) ✔Where stories live. Discover now