Chapter 24 [Drunk]

7.8K 513 53
                                    

Mabilis kong naramdaman ang pagguhit ng alak sa aking lalamunan nang ibaba ko ang shot glass. It was my third shot of the whiskey they are drinking. Hindi ako sanay sa ganitong inumin kaya pakiramdam ko'y umaalon na ang paligid ko.

Maingay sila. Kung anu-ano ang topic nila, minsan tungkol sa trabaho, tapos malilipat sa mga babae, at kung anu-ano pang paksang hindi ako maka-relate.

Pinagdikit ko ang aking dalawang hita. Kahit gustong manginig dala ng lamig ay pinigilan ko. Ginusto ko 'to, eh. Ako ang nagpumilit na magsuot ng ganito, sobrang ikli ng shorts kong butas-butas kaya halos pasukin din ito ng lamig.

"Eh alam niyo naman 'yung kumpare ko, matulin magpatakbo kaya ayun ka-muntik nang maaksidente!"

They were talking about one of their friends and I have no any interest about it. Napapagitnaan ako ni Blade at Damian, pareho silang maskulado at dambuhala kaya kaunting usog lang nila ay masisiksik na ako.

Nagkakatuwaan sila. Si Kuya Atom ay nakikinig sa kwento ng katabi niyang si Lester. Si Lance naman ay nag-aasikaso ng mga inumin. Ang usok mula sa sigarilyo ni Pancho ay dumaan sa aking ilong. Si Damian ang bida ng grupo dahil siya ang pinaka-maraming kwento. Habang si mayor naman ay tahimik lang sa hindi ko maintindihang dahilan. Paminsan-minsan siyang sumasali sa usapan kapag tungkol sa trabaho na ang topic.

"It's your turn again, baby boy!" halos maubo ako sa sariling laway dahil sa bulyaw ni Damian. Siya pa ang nagsalin ng alak sa aking baso.

I'm not used to other people calling me 'baby boy' because it reminds me a lot of memories. At kung makabanggit din naman ako ng 'memories' ay akala mo'y taon na ang lumipas. Huwag ka nga, Harper!

"Dame, tangina nito! Huwag mong punuin 'yung baso, baka malasing 'yan!" puna ni Kuya nang mapansin ang halos umapaw na baso ng alak sa aking harapan gawa ni Damian na may nakakalokong ngiti lang sa kanyang labi.

"Di 'yan! Ano ka ba Atom, malaki na 'tong si Harper. 'Di mo na siya kailangang pagbawalan sa mga ganito!" depensa naman ni Damian.

Observing their unsteady eyes and reckless voices, I can tell that they are already drunk. Hindi gaya ko, malalakas silang uminom kaya hanggang ngayon ay nasa wisyo pa rin sila.

"Hayaan mo na, pare!"

"Harper, don't mind him. Kung nag-eenjoy kami, dapat ikaw din!"

Puro sulsol na ang sunod kong narinig kaya wala rin akong nagawa kundi ang tunggain ang baso ng alak. The glass is half full and I tried to guzzle it as much as I can.

Palakpakan ang narinig ko pagkatapos. I bit my lip as I started to feel the spirit of the alcohol once more. They cheered me after what I did. Inakbayan pa ako ng lokong si Damian at ginulo ang aking buhok. Somehow, nakaramdam ako ng kakaibang saya.

"Last na niya 'yan, mga sulsol kayo!" hirit pa ni Kuya na lasing na dahil natabig pa niya ang isang empty bottle.

They laughed at him. Hindi ko lang alam kung kasali si Blade roon dahil hindi naman ako tumitingin sa kanya. Seriously, he's the least of my priority right now. I just want to de-stress and forget all of my problems tonight even if it's just temporary.

I need to breathe.

Maikli lang ang buhay kaya hangga't kaya ko, hindi ko na muna po-problemahin ang mga bagay na hindi ko pa kayang solusyunan. I've realized that it's always important to take your time, don't rush things, and enjoy the ride. Hindi kailangang magmadali, wala naman akong hinahabol na deadline.

Nang tingalain ko ang langit ay natuwa ako sa pagkislap ng mga bituin doon. It led me into thinking how could those stars look so tiny from my distance yet I still see their sparkles. And the seemingly long stretch of darkness filled the whole vacuum of the sky, thinking how  the moon was able to light everything under him.

The Other Side of Dominance (BxB) ✔Where stories live. Discover now