That was probably the first time that I acted so irrational. I've been doing things and making decisions based purely on my principles... but now... my actions were unplanned... hindi ko nga rin alam kung bakit ako nagpunta roon..
Maybe gusto kong malaman kung totoo bang sumang-ayon siya sa date na tinutukoy ni Sav? Or maybe I wanted to see if he's... serious about it.
"Her father was there, it would be so rude kung tatanggihan ko siya." that was Blade's excuse.
I have to accept that there are some things that I can't control. Just like this one. And Blade is a wild beast, I can't tame him just because I don't want others to claim him.
"Excited na ako, nakuha ko ang number niya galing kay Dad. At nagkasundo na kami sa oras at lugar kung saan niya ako dadalhin!" ito ang bungad sa amin ni Savannah nang matagpuan niya kami ni Parker sa library.
She's obviously talking about the date with the mayor.
Gumagala ang mga mata ng librarian na nakapansin sa boses ni Savannah. She put down her books and occupied the seat beside me. Nagkatinginan kami ni Park ngunit wala akong ipinakitang reaksyon.
"Talaga? Ang haba ng hair!" panunuya ni Park sa kanya.
Tuwid na tuwid ngayon ang buhok ni Sav dahil ayon sa kanya ay bagong rebond pa siya dahil nga... para sa nalalapit na 'date' nila ni mayor. As much as I want to support her on this, 'di ko magawang i-cheer siya kaya tanging ngiti lang ang nagagawa ko.
"Do you think he likes me? Sa tingin niyo ba babae ang tingin niya sakin?" saglit namang bumaba ang tono ng boses niya.
Kasalukuyan akong nag-pi-prepara para sa magiging coverage ng finals pero hindi ako maka-focus dahil sa aming topic.
"Bakit mo naman natanong?" I asked.
Ngumuso siya kaya napatingin ako sa mapula niyang labi. Savannah really is gorgeous, actually mas maganda pa nga siya sa tunay na babae. And I have never been this jealous before pero kuntento naman ako sa appearance ko. Everybody has their own beauty, each one just needs to learn how to appreciate theirs.
Pero may mga tao pa rin talaga na maganda man sa panlabas na anyo ay lamang pa rin ang basurang pag-uugali. I don't wanna mention Melanie and Steffy, idagdag pa 'yung mapapel na sekretarya ni Blade sa munisipyo, pero nangunguna sila sa listahan ko.
Savannah always has this fear whenever she's dating someone, na baka magbago ang tingin sa kanya kapag nalaman ang kanyang tunay na kasarian. Ganoon na rin kasi ang nangyari sa mga nagdaan niyang relasyon na laging nauudlot. Dumating pa nga siya sa punto na nagsinunghaling siya tungkol doon.
"You're beautiful, Sav. Bulag nalang ang hindi magkakagusto sa'yo.." pagpapalakas ko ng loob niya, hinaplos ko pa ang kamay niya para mas gumaan ang kanyang pakiramdam at mabawasan ang mga pangamba.
Well, I'm not really lying about it. Kung hindi bulag ang hindi magkakagusto sa kanya, maaaring may iba na itong gusto.
"Thanks, Harp.."
I was still thinking about it until I got home. Eksaktong mag-se-seven na akong makauwi kaya madilim na ang paligid. Bago pa man ako makapasok sa loob ay napansin ko si Mom na kagaya kong papasok din sa loob.
"Mom, galing ka sa labas?" tanong ko sa kanya.
Hindi naman siya nagulat sa biglang pagsulpot ko pero naroon pa rin ang kakaibang emosyon sa kanyang mukha. Parang may itinatago. And to think that this is the second time na nahuli ko siya rito sa labas, something is fishy.
"Nagpahangin lang. Halika na nga sa loob! Mahahamugan ka pa rito, e!" hinatak niya ako hanggang sa makapasok kami sa loob.
Bothered a bit but I chose to ignore it. Wala lang naman siguro iyon.

YOU ARE READING
The Other Side of Dominance (BxB) ✔
RomanceHarper's impulsive nature leads him to pursue Blade with unwavering determination. Intrigued by Blade's allure and charisma, Harper embarks on a tempestuous journey to capture the heart of the hot governor. Along the way, he encounters numerous obst...