Nakapangalumbaba ako habang sinisilip si Kuya Atom na naglalaro ng isang RPG sa computer. Abalang-abala siya roon, hindi maalis ang mata sa monitor. Hindi ko maintindihan iyong nilalaro niya pero dahil may pakay ako ay kunwaring nanonood ako.
"Anong kailangan mo, Harp?" napalingon ako sa kanya nang magsalita siya.
"H-Huh? Ako, may kailangan sa'yo? What are you talking about, kuya?" pagkakaila ko upang hindi ako mahalata.
Nasa kandungan ko si Dutch at kunwaring nilaro siya, titingin-tingin sa akin si Kuya Atom habang naglalaro siya. Nakasando lang siya kaya malaya kong nakikita ang magandang hubog ng kanyang mga braso bunga ng pagiging trainer.
"Cut the crap, alam kong may kailangan ka kaya ka nandito.." aniya habang nakatutok sa screen.
Hindi ako madalas pumasok sa kwarto niya at tumambay, kaya siguro naiisip niyang may pakay ako.
Umikot ang paningin ko sa loob ng kanyang kwarto. Malinis at organisado ang kagamitan niya 'di gaya ng kwarto nila Kuya Evan at Kuya Joko na akala mo'y lungga ng ahas.
"Kailan ulit tatambay ang mga tropa mo rito sa bahay?" tanong ko, sadyang hindi ko nilagyan ng interesanteng tono para hindi niya lagyan ng malisya.
Malinaw na malinaw pa rin kasi sa alaala nila ang ginawa kong kalokohan noong huling gabing pagtambay ng mga kaibigan niya sa bahay. Nagpanggap akong nalunod, pero masaya ako na ginawa ko 'yun at nagtagumpay sa plano.
Namatay ang character ni Kuya at saka tumingin ng masama sa akin.
"Bukas. Ano na namang kalokohan ang gagawin mo? Hindi ka man lang nahiya. Kung gusto mo talaga si Lance ay umamin ka na sa kanya hindi 'yung pinapahamak mo pa ang sarili mo." pangaral niya kahit nasa maling akala siya.
Anyway, who told them that I like Lance? Sure, gwapo at anak mayaman siya pero hindi siya ang tipo ko. Masyado siyang mabait at inosente. Gusto ko iyong mukhang marami ng karanasan sa buhay. Hindi lang sa buhay, kundi pati sa kama.
"Anong oras bukas? Para makapaghanda ako." kinagat ko ang aking labi nang makaramdam ng excitement na muli ko na namang makikita ang crush ko.
Kuya Atom shook his head in disagreement. Bandang huli ay sinabi rin niya sakin kung anong oras darating ang mga kaibigan niya bukas. I need to prepare and to impress someone again. I already did it and I know I can take it to the next level.
Kinahapunan ay nagpunta ako ng clinic. Isa ito sa mga bagong tayo ng may-ari na si Kean Leandro Villaruiz, naging matalik ko na rin siyang kaibigan dahil sa tagal ng pagsasama namin sa trabaho. Mas matanda nga lang siya sa akin. Gwapo ito ngunit may girlfriend na yata dahil sa babaeng madalas na bumisita sa clinic.
"Hi Kean!" bati ko sa kanya nang maabutan ko siyang sinusuri ang isang x-ray film. Tiningala niya ako saka niya binigay sa akin ang hawak niya.
"What do you see?" tanong niya, pinagmasdan ko ang film.
"It's a fractured bone, tsk tsk.." sagot ko.
He told me all the information about the injured dog. Bumalik siya sa kanyang opisina upang mas pag-aralan ang proseso ng operasyon. He also told me to assist him. Tumango ako, binisita ko ang labrador na nasa ibabaw ng table, dinilaan nito ang aking kamay.
That's my usual daily routine. Kean's the head of the department and he's the one training me. Alas sais akong nakauwi sa bahay. Naabutan ko si Kuya Joko na nakahilata sa couch sa living room habang nanonood ng paborito niyang series sa telebisyon.
"Kuya!"
Humiga ako nang pabagsak sa ibabaw niya gaya ng dati kong ginagawang paglalambing. And like the usual, itutulak niya ako ng buong lakas.
YOU ARE READING
The Other Side of Dominance (BxB) ✔
RomanceHarper's impulsive nature leads him to pursue Blade with unwavering determination. Intrigued by Blade's allure and charisma, Harper embarks on a tempestuous journey to capture the heart of the hot governor. Along the way, he encounters numerous obst...