I was never smiling even until we got to our destination. Hindi ko na muling kinausap ang katabi kong si Blade dahil medyo iritado ako sa kanya. He has the audacity to tell these people that I'm his freaking babysitter just because I couldn't give him the label he wanted.
Kahit friends man lang sana, 'di ba? Why does he need to introduce me as someone less than that?
Sa bungad pa lang ng kanilang bahay ay makikita na ang mga dekorasyon para sa okasyon. I overheard his older brother Troy and his boyfriend Symon talking about it in the car a while ago. According to them, today is someone's birthday. Anak yata ng isa pa nilang kapatid, I'm not sure.
"Hey.." hinabol ako ni Blade nang magmartsa ako papasok sa loob. Naiwan ang dalawa sa loob ng sasakyan dahil nakatulog iyong Symon.
Hindi ko siya nilingon. Mahal ang atensyon ko, eh. Babysitter lang naman ako kaya hindi na namin kailangang magkaroon ng masyadong interaction.
I only stopped from marching when he pulled my arm. My eyes met his. Walang bahid ng tuwa roon.
"Do we have a problem? I mean, do you have a problem with me?" mapanghamon ang mga tinging ipinukol niya. At mahigpit ang kapit ng kamay niya sa aking braso, walang pag-asang makapiglas ako kung sakali.
"Why would I have a problem with you? I'm just the babysitter, right? Iyon naman ang role ko kaya mo ako dinala rito, 'di ba?" matapang kong paratang sa kanya.
Malinaw naman na sa akin ang lahat. Hindi na niya kailangang ipaintindi pa. I know my role in his life, and it was my fault why it has to be this way.
"Dinala kita rito dahil gusto kitang makasama. Anong pinagsasabi mo?" kumunot ang kanyang noo. Wala yata siyang kaide-ideya kung bakit nag-iinarte ako ngayon.
"Your brother and his boyfriend know that I'm babysitting Bullet. Really, Blade? Hindi mo man lang ako naipakilalang kaibigan o kakilala? Babysitter talaga? Seriously?" naibulalas ko ang lahat ng gumugulo sa aking utak.
I also know that it was my idea before to help him with the babysitting. But I wasn't a freaking regular! Minsan lang. Hindi palagi. Kaya bakit ganoon lang ang tingin niya sa akin?
"I didn't introduce you to them like that. Troy could tell what's going on between us so he was teasing me. It wasn't like what you were thinking." depensa niya.
Kahit mukhang kapani-paniwala ang paliwanag niya ay hindi ko alam kung bakit hindi pa rin ako mapalagay. It's all about the 'babysitter' thingy. Parang hindi ko matanggap na hanggang ganoon lang ang parte ko sa buhay niya.
"You're pissed because of that?" dagdag na tanong niya, kinukumpirma sa akin ang mga nahihinuha niya.
Nag-angat ako ng tingin. He sounded sarcastic to my ears.
"Yes. I was pissed because of that!"
May dumaang multo ng ngiti sa mga labi niya pero mabilis din itong naglaho. He pressed his lips together and played with it using his fingers. Mas nag-alab ang inaalagaan kong galit sa kanya.
"You think this is funny?" nangliit ang mga mata ko sa kanya.
"Well... you didn't want me to be your boyfriend so I think it's not my problem. You have all the power to get the label you want, Harper. And I'm just here... waiting.." lakas-loob niyang pahayag saka ako tinalikuran. There was even a playful smirk on his face before he walked ahead of me.
Mas lalo lang akong nagpuyos sa inis. As if it's that easy? Nakakalimutan na ba niya ang sikretong relasyon ng mga magulang namin? What about it? Nakapag-usap na ba sila ng daddy niya tungkol doon?
Nagmartsa ulit ako papasok sa pinakaloob ng kanilang bahay. May mga kumpol ng lobo sa bawat bahagi. May nakasabit ding banderitas sa kisame. It's a kid's party after all. Sa living room ko naabutan ang lapastangang si Blade kaharap ang isang matangkad at morenong lalaki.
YOU ARE READING
The Other Side of Dominance (BxB) ✔
RomanceHarper's impulsive nature leads him to pursue Blade with unwavering determination. Intrigued by Blade's allure and charisma, Harper embarks on a tempestuous journey to capture the heart of the hot governor. Along the way, he encounters numerous obst...