Mas nauna pang salubungin ni Kuya Atom ang bagong dating na si Blade Torralba kaysa sakin. Ako naman, inugat na ang mga paa sa lupa at 'di na nagawang lumapit. At bakit ako lalapit? Parang masyado naman akong 'pamigay' kung gagawin ko 'yon.
Medyo pamigay siguro, pwede pa?
Nakipag-usap ito kay Kuya at sa mga kaibigang nakapansin na rin nang pagdating niya. Miminsang sumusulyap sa gawi ko si Blade, natitigil lamang kapag sasagot sa mga tanong nila Kuya.
Dahil abala si Kuya Atom sa mga kaibigan, 'di niya napansing naiwan na niya ang iniihaw na karne kaya ako ang pumalit sa kanya, pansamantala. Kahit mag-amoy usok na ako ay hinayaan ko nalang basta matanaw ko lang si Blade.
Habang binabantayan ang iniihaw ay sumusulyap ako sa kinaroroonan nila. Blade is still standing with his hands hidden inside his pockets. But look at the shape of his arm, the biceps! Kahit mula sa distansya ko ay kita ko ang nakapaligid na ugat na kasing-taba yata ng straw, doon sa braso niya.
Hindi pa man nagtagal ay natuliro ako nang matanaw ang papalapit na si Blade sa aking kinaroroonan. He's so good looking, lalo na at naka-porma siya ngayon. Banat ang tela ng suot dahil sa angking kakisigang taglay, not the usual hunky type of body but his is exaggeratedly 'big'.
Too much for my twinkish body, if ever.
"S-Saan ka?" tanong ko sa kanya nang nasa harapan ko na siya. Saglit pa akong sumilip sa likuran niya, nagkakatuwaan sa lilim ng pergola sina Kuya Atom at ang mga naiwang kaibigan doon.
He stopped in front of me, looking at me from head to toe. Kahit hindi dapat, na-conscious akong bigla sa kasuotan ko at sa katawan ko. He's the only person who could make me feel like this. With his spectacular massivity, he could easily make me feel so tiny, so small.
He's like a blue whale in the ocean while I'm just a tiny... clam.
Kabibeng handang bumuka kapag siya ang kakain. Holy sht!
"Banyo lang.." tugon naman niya, bahagyang nakanguso, pahapyaw na dumaan ang paningin niya sa mga hita ko. "Do you really dress like that?"
Hindi ko inaasahang itatanong niya rin iyon. Just like Kuya Evan and Kuya Atom's judging question, the only difference with him is his question is more of... curious.
"H-Ha? Anong problema sa suot ko?" hinawakan ko pa ang laylayan ng aking damit na umabot na sa aking mga hita, halos matakpan na ang suot kong short-shorts.
Sige lang Blade, paglawayan mo ang katawan ko. Alam ko namang uhaw ka na.
Isang lingon ang ginawa niya kina Kuya bago ako balikan ng tingin at sagutin, "You're showing a lot of skin."
Sus, ito namang si Blade parang hindi nagugustuhan kung anong nakikita niya. Kaya nga ako nagganito ay para ma-impress siya. And now, he's questioning the way I show some of my skin? I didn't know he's a bit conservative, wala kasi sa hitsura niya.
Judging by how he looks, para sakin mukha siyang agresibo at aktibo. Para rin siyang iyong mga napapanood ko sa twitter, alter ba ang tawag doon? Kunwari nalang hindi ko alam.
"A-Ayaw mo ba?" pero dahil sa mas umiigting na relasyon namin, ayos lang din naman sakin kung iko-konsidera ko ang opinyon niya. Baka ayaw niya nang nagsusuot ako ng maikli?
His head moved in an inclined position, glancing back on my exposed thighs, then he heaved a sigh. "Come with me." utos niya.
Nauna siya saking maglakad hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay habang nakabuntot ako sa kanya. Anong ibig niyang sabihin? Bakit niya ako gustong sumama sa kanya? Bibinyagan na ba niya ako?
YOU ARE READING
The Other Side of Dominance (BxB) ✔
RomanceHarper's impulsive nature leads him to pursue Blade with unwavering determination. Intrigued by Blade's allure and charisma, Harper embarks on a tempestuous journey to capture the heart of the hot governor. Along the way, he encounters numerous obst...