Chapter 57 [Happiness]

7.2K 565 260
                                    

Savannah couldn't hide her smirk after what she did to Danica's dress. It seemed like it gave her a self-satisfaction knowing she just ruined someone else's dress, I know it was wrong but with the state of mind I have right now, I can't even disagree to it.

"Have you seen the horrible look on her face? Pathetic!" Savannah kept on bad-mouthing Danica on our table. Kaming tatlo ang naiwan sa mesa dahil lumabas saglit sina David at Carson upang mag-smoke.

"You're such a bitch. Nakahanap ng katapat kaya ganoon. Hindi na yata lumabas ng banyo?" puna pa ni Parker dahil totoong hindi pa lumalabas mula sa rest room si Danica.

"Pinapatuyo siguro ang dress niya." komento ko at saka sumimsim sa aking lemonade.

We've been talking about what happened for the past ten minutes. Napakinggan pala ni Savannah ang mga akusasyong ibinibintang sa akin ni Danica kanina kaya niya nagawa ang bagay na 'yon. She didn't mean to harm her but the situation has escalated so she did what was necessary.

"Ang kapal naman kasi ng mukha, 'di na nga imbitado ang lakas pa ng loob na magkalat ng katangahan dito." patuloy si Sav sa paglalabas ng inis niya habang tahimik lang akong kumakain, pinipirmi sa ibaba ang aking tingin dahil hindi ko magawang lingunin ang table nina Blade at Ate Catalina. I don't know if he's still looking at me, but after the conversation we had inside the rest room, I believe he's more aware now that I wasn't okay with his presence around me.

"So ano na ang balita Harper, sinagot mo na ba si Carson?" biglaang nag-iba ang paksa ng usapan at naibaling sa akin ang atensyon ng dalawa.

I gave them a frown. "We're still getting to know each other. And I want to take it slow this time." base sa naging reaksyon nila sa aking huling sinabi ay nagkaroon ako ng ideya na alam nila kung ano ang pinaghuhugutan ko.

It's not so wrong to take things slow. Hindi ko 'yon alam noon kaya minadali ko ang lahat. I was desperate and look where desperation brought me. In life, we have to be more cautious because every single step we take is one step closer to where we are supposed to end up.

Eventually we all realize we can't force "it". You can't force a connection, or love. You can't force them to be something they're not. And the sooner we all realize it, the better off we are. So it's best to let it happen naturally. We have to embrace the truth that there is a difference between who we love, who we settle for, and who we're meant for.

"What is to know about each other? Matagal naman na kayong magkakilala, 'di ba? Baka 'pag pinatagal mo 'yan, baka mas lalo pa 'yang makawala. 'Di ba, Park?" sabay binalingan ni Savannah ng isang makahulugang tingin si Parker kaya nakatanggap ito ng irap sa kanya.

"Nagkausap na kayo ni kuya?" nakuryoso ako kaya tinanong ko si Parker. Kanina pa nakaalis si Kuya Joko dahil abala na siya sa kanyang training kaya 'di siya pwedeng magtagal dito. Parker shrugged his shoulders.

"Yeah. Pero saglit lang." tipid niyang tugon. Kinunutan ko siya ng noo, ibig bang sabihin nito ay hindi pa rin sila nagkakaayos ni kuya?

"So anong status niyo? Kayo na ba? O pending pa?" siniko ko si Savannah dahil sa mapang-asar niyang tono kay Parker. Ngunit imbes na maasar ay tinitigan niya lang kami nang mariin, animo'y may katanungang gumugulo sa kanyang isipan.

"How do you guys know if it's true love?" Parker asked all of a sudden, spilling the question that has been bothering him since I noticed it. Nagpalitan kami ng tingin ni Savannah dahil siya ang inaasahan kong makakasagot nito dahil siya itong may lovelife.

"Kapag sinubo mo tapos nasarapan siya, that's true love." walang hiyang sagot ni Savannah kaya hinampas siya ni Parker sa braso. "Ano pala?! Ang hirap naman kasi ng tanungan mo. Itong si Harper nalang, tutal mas madaming experience 'yan." biglang inilipat sa akin ni Savannah ang spotlight kaya sakin na itinuon ni Parker ang kanyang pansin.

The Other Side of Dominance (BxB) ✔Where stories live. Discover now