Blade Collins Torralba, searching...
Sinubukan kong hanapin ang mga social media accounts niya onlline pero kahit isa ay wala akong nakita. Facebook, instagram, twitter, snapchat, tiktok, tumblr, linkedin, wala akong nakita kahit isang account niya sa mga nabanggit. Maging sa tinder, grindr, at blued ay wala rin. Wala rin siya sa mga pornsites!
He doesn't have any social life!
Bumuga ako ng hininga at saka tinupi ang laptop. Hinubad ko sandali ang suot na eyeglasses upang mapahinga ang aking mga mata. Nang makaramdam ng gutom ay lumabas ako ng aking kwarto at bumaba sa sala.
I found Kuya Atom slouching on the sofa. Napansin ko ang bukas na television, nalaman kong kickboxing ang pinapanood niya roon. Dalawang lalaki ang magka-tunggali, saglit akong nanood habang nakatayo. I love seeing ripped boys on tv, hindi naman talaga ako interesado sa sports nila. Ang interes ko ay ang panoorin ang pawisan nilang katawan.
My indecent brain cells took over once again.
"Wala ka bang pasok sa university ngayon?" napahinto ako nang magtanong si Kuya.
Since he's slouching, ang maluwag niyang salawal ay umurong na sa itaas ng kanyang hita kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na bigyang pansin ang mabalahibo niyang hita.
"Wala, kuya. Bukas pa." sagot ko sa katanungan niya.
Malapad ang kanyang mga hita. Siguro mas malapad pa iyong kay Blade, hindi ako mahuhulog sakaling sumampa ako sa kanya.
Naalala ko ang tunay na pakay ng aking pagbaba. Ginugutom ako, pero mas lalo akong ginutom nang maalala ang halikang naganap sa pagitan namin ni Blade kagabi. Hindi ako nagkaroon ng tiyansang paglaruan ang dila niya dahil sa bilis ng pangyayari. I will definitely remind myself to do it once I get the opportunity again.
Naghanap ako ng makakain sa fridge. Ang tagal kong nakatunganga roon. I'm craving for something. Parang may gusto akong kainin pero hindi ko ma-figure out kung sino.
Sino?
Damn. I should refrain from thinking nasty ideas. Iba kasi ang epekto ng lalaking iyon sa akin, e. Siya iyong tipo ng lalaki na kapag natikman mo sa unang pagkakataon, hindi maaaring walang kasunod. Kailangan kong matikman ang kabuuan niya.
Once again, I should refrain from objectifying him. Sa linggo nga ay magsisimba ako upang malinis ang marumi kong pag-iisip. My mind has been corrupted since he took something from me. He took my lip's virginity. Ako ay lubos na makasalanan at baka hindi na ako tanggapin sa langit.
Sa huli ay nagpasya akong kainin ang natirang lasagna na niluto ni Kuya Joko kahapon. Binuksan ko at inamoy kung hindi pa napanis, baka kasi nag-iwan ng laway si kuya rito. Luckily, ito'y hindi pa naman.
Bumalik ako sa sala at saka tumabi kay Kuya Atom habang dala-dala ko ang tupperware na may lamang lasagna.
"Kuya, anong pupulutanin niyo mamaya?" tanong ko sa kanya, mamayang gabi kasi ay muling tatambay dito ang mga kaibigan niya upang mag-inom.
"Mag-iihaw ulit ako ng barbecue, dadagdagan ko nalang ng sisig. May gusto ka bang ipaluto?" aniya, nilipat niya ang channel nang matapos ang pinapanood niya.
Puwede bang ako nalang ang pulutanin ng isa mong kaibigan, kuya? Natawa ako sa kahibangang naiisip, kung maaari ko lang sanang itanong sa kanya iyon e.
"Wala naman. Alas siyete sila darating 'di ba?" nag-iinit na ang aking puwitan sa muli naming pagkikita.
Lumingon sa akin si kuya. Sinubo ko ang huling piraso ng lasagna. Kung makatingin siya sakin ay para na namang nang-aakusa sa posibleng kalokohang pina-plano ko.
YOU ARE READING
The Other Side of Dominance (BxB) ✔
RomanceHarper's impulsive nature leads him to pursue Blade with unwavering determination. Intrigued by Blade's allure and charisma, Harper embarks on a tempestuous journey to capture the heart of the hot governor. Along the way, he encounters numerous obst...