Chapter 35 [Visitor]

7.1K 449 78
                                    

Warning: Please read at your own risk!

Naiwan ako sa tatlong kaibigan ko pagkatapos kong paunahin sa labas si Blade. Nakaabang ang mga mata nila at parang naghihintay ng explanation tungkol sa kanilang nasaksihan.

"What was that?" pinasimulan ni Parker ang panggigisa ng tanong. He already has an idea about what's going on between me and the mayor kaya hindi ko lubos na maintindihan ang overreaction niya.

"Seriously? Huling-huli na kayo!" Savannah blurted out, 'di ko sigurado kung masaya ba siya o hindi.

Tahimik lamang na nakamasid sa amin si Diego. Maybe there is a conclusion already on his mind that's why he wasn't making it a big deal. Tanging ang dalawa lang ang OA makapag-react.

"Sinundo niya ako. Dinalhan lang niya ako ng pagkain dito." pangangatwiran ko na totoo naman.

And besides, I've got nothing to hide. At wala dapat akong ikahiya. Pero sa ipinapakitang ekspresyon ni Savannah ay parang hindi niya tanggap.

"Bakit may pagsundo? Don't tell me kayo na? Sinagot mo na siya?" excited ang tono ni Parker at hinatak pa ang aking braso.

Tinulungan ako ni Diego sa pagliligpit ng aking mga gamit dahil nahihirapan akong gumalaw mula sa panghahatak ni Parker. Humalukipkip naman sa isang tabi si Savannah pero napanganga sa kanyang huling narinig.

"Parker, what are you saying? Niligawan siya ni mayor? Nagpapatawa ka ba?" obviously, Sav doesn't know about it because she was so busy hating me and being so insecure about it.

Lumingon si Parker sa kanya at nerbyosong ngumiti. Nagpapanting na naman ang pandinig ko sa pananalita niya.

"Yes, we were dating Sav. And now he's my boyfriend." ako na ang naglakas-loob na sumagot sa katanungan niya baka sakaling matahimik ang kaluluwa niya.

Nasinop ko na lahat ang gamit ko kaya nagpasya akong lumabas na ng faculty room. Nakasunod naman silang tatlo sa akin.

"Boyfriend?! That's ridiculous. Pinatulan ka talaga niya?" Sav murmured from the back.

Napatigil ako sa paglalakad at gustuhin ko mang manahimik at maging payapa ay sinusubukan niya talaga ang pasensya ko.

"Savannah, watch your words." Diego warned her but she seems unwilling to listen.

"What? I was just asking." panangga niya.

Napailing-iling ako. I want to pull out her tongue and make her apologize but doing that won't give me peace of mind. Ayaw ko nang makipagtalo sa mga taong walang kaalam-alam sa totoong istorya.

Before, I believe in revenge. But now I've realized that the best revenge is not giving a shit. The best revenge is being so unbothered that the person who did me wrong becomes irrelevant.

Binilisan ko nalang ang paglalakad ko upang hindi na ako makarinig pa ng masasakit na salita. I bid my goodbye to Parker and Diego before I hop in my boyfriend— yeah let's emphasize that, my boyfriend's car.

"What did you tell them?" sinalubong ako ng halik ni Blade pagsampa ko sa shotgun seat.

He took my bag and put it on the passenger seat. Nakapahinga ang isang kamay niya sa manibela habang ang isa ay nakadantay sa ibabaw ng aking upuan.

"The truth." bigkas ko.

I looked up to meet his eyes filled with yearning. Palipat-lipat ang mga mata niya sa aking labi at mata, hindi mapakali at nararamdaman kong uhaw pa siya sa halik. He licked his lower lip shallowly then shifted his eyes at me.

The Other Side of Dominance (BxB) ✔Where stories live. Discover now