Kabanata 7

150 12 0
                                    

"MONET, pakihatid nga nito sa bahay at ibigay mo kay Jacob."saad ng amo niyang lalaki at ibinigay sa kanya ang may kakapalang envelope.

"Okay, thank you sir.."aniya at itinabi ang vacuum cleaner na dala.

"Thank you?"

"Opo, kasi binigyan mo ako ng chance na makita ang kapatid niyo. Wahaha!"

"Baliw! Hindi ka magugustuhan 'nun! Iiyak ka lang kasi wala kang pag-asa!"pang-aasar nito sa kanya.

Sumimangot siya at inis na hinablot ang envelope rito at tinalikuran ang amo.

"Magpapayat ka kaya muna, may pag-asa pa!"pahabol nitong saad sa kanya.

"Hanapin mo din kaya muna si ate Cass para hindi ka na magmukhang tanga diyan!"sigaw niya rito at mabilis na pumasok sa kanyang kwarto.

Takot lang niya na maabutan ni Ruperto dahil baka kung ano na naman ang ibato nito sa mukha niya. Favorite spot pa naman nito ang mukha niya.

Mabilis siyang nagbihis at excited na para pumuntang mansion.

See you my love Jake..

Pagkatapos niyang magbihis ay agad siyang lumabas ng kanyang kwarto upang mahilo dahil pinukpok lang naman ng walis tambo ang ulo niya ng kanyang amo.

"Anong tanga ha!"

"Ikaw TANGA, as in T-A-N-G-A, emphasize ko pa! Kapag ako napuno na talaga sayo sir, iiwan talaga kita rito! Pasalamat ka at naaawa pa ako sayo dahil nagmukha ka ng kapatid ni Sisa! Tss!" she hissed at tinalikuran na ang amo.

Ang sakit ng noo ko. Hays! Todo make up at concealer pa ako pero nagkakabukol pa yata ako!

Mabilis siyang lumabas ng condo building at pumara ng taxi para magpahatid sa mansion ng mga Samonte.

Tiningnan niya ang relo niya. It's seven thirty in the morning pa.

Mabilis namang huminto ang pinara niyang taxi.

Papasok na siya sa loob ng taxi nang bigla siyang na-stock up sa may pintuan. Pilit man niyang pumasok sa loob pero talagang naiipit na ang tiyan na sa pagpilit na makapasok sa loob ng taxi.

"Manong tulungan mo ako, mabilis!"aniya.

Mabilis din naman siyang sinaklolohan ng driver.

"Magpapayat ka kasi ma'am. Hindi po maganda sa kalusugan ang sobrang katabaan!"saad ng driver sabay hila sa kanya palabas.

"Ang sabihin mo manong, maliit lang talaga 'tong taxi mo!"

"Aba't kasalanan pa ng taxi?"

"Alangan nama't kasalanan ko!"

Napailing nalang ang driver at hindi na nakikipagtalo pa sa kanya. Tinulungan ulit siya nitong hilahin palabas.

At nang tuluyan na siyang mahila ng driver ay bigla siyang na-out of balance kaya natumba siya papuntang driver.

Ang kawawang driver ay nadaganan lang naman niya.

Buong lakas siyang itinulak ng driver na ngayon ay halos lumuwa na ang mata sa hingal dahil sa kabigatan niyang nakadagan rito.

"Pasensya na manong!"hingal din na saad niya.

Halos lahat ng dumadaan sa kalyeng iyon ay napapatingin na sa kanila.

Napapailing nalang ang driver habang nagpagpag ng kanyang uniform.

"Unahin mong ipasok ang ulo mo ma'am para itulak nalang kita papasok. Sana po, sundin niyo na ang advice ko na magpapayat po kayo. Hindi maganda sa kalusugan ang sobrang katabaan. Bata ka pa naman.."saad nito.

She pouted at ipinasok na ang ulo sa loob ng taxi.

"Wala na yatang pag-asa na papayat pa ako manong.."aniya at sinubukang ipasok ang katawan sa loob ng taxi.

Halos inabot sila ng kinse minutos bago tuluyang naipasok ang katawan niya sa loob.

"May pag-asa pa ineng. Kung gusto mo talagang pumayat, may paraan. Pero kung ayaw mo, marami ang mga dahilan. Ito.."saad nito at inabot sa kanya ang isang calling card.

Nagtatakang napatingin siya sa hawak na card. JAYHAN'S FITNESS.

"Anak ko ang may-ari niyan neng. Kapag nakapag-decide ka na, you are very much welcome there."saad nito at pinaandar na ang taxi.

"Wow! Business man ka rin manong ha."biro niya rito kaya napatawa ito ng mahina.

"Tingin mo manong, papayat pa ako?"

"Of course naman neng. Yun nga ay kung gusto mo talagang pumayat ka. Sabi nga sa kasabihan, if there's a will there's a way.."

Ngumiti siya rito.

Nakita niyang malapit na siya sa mansion.

"Dito nalang manong..salamat po.."at inabot niya rito ang kanyang pamasahe. Pero hindi ito nito tinanggap.

"Eh, manong. Tanggapin niyo na."

"Keep it neng.."

Sumimangot siyang ibinalik ang pera sa bag at sinubukan ulit niyang lumabas ng taxi.

Halos mabuhat pa niya ang taxi nang tuluyan na siyang makalabas dito.

Mabilis siyang naglakad naglakad sa gate ng mansion saka nag-doorbell.

"Sino yan.."

Tiningnan niya ang pinaka-camera nung doorbell na konektado sa loob ng mansion.

"Monet here.."

Mabilis namang bumukas ang pintuan pagkatapos niyang sabihin ang pangalan niya.

Kaagad siyang pumasok sa loob ng mansion at naabutan niya ang nanay ng amo niya na si Jeconiah sa sala na abala sa pag-spray ng kanyang mga indoor plants.

"Good morning madam..si sir Jacob po?"

"Oh, Monet you're here. Nasa taas si Jacob, bakit?"

"Ah may ipinapabigay po si sir Jim sa kanya.."aniya at ipinakita rito ang dalang envelope.

"Oh! That must be important. Puntahan mo nalang si Jacob sa kwarto niya iha. Naghahanda na yun sa pagpasok.."saad nito at ipinagpatuloy ang ginagawa.

She nodded at sumakay na naman sa escalator paakyat sa kwarto ni Jacob.

Pagkarating niyang taas ay nakita niyang papalabas na si Jacob sa kwarto nito at ngayon ay nakatingin sa kanya.

"Oh yeah, she's here. Please inform me nalang kapag nasa site ka na. Meron pa akong asikasuhin sa office. And by the way kuya, please inform Jecca na maghihintay ako sa kanya sa restaurant. Okay, sige.."saad nito at ibinaba na ang tawag.

Sobrang gwapo talaga ng mahal ko..

Kinikilig siya sa isiping yun.

Jacob crease and raised his brows, nagtataka yata kung bakit nagngingiti siyang nakatingin rito.

"Sir Jacob, ang gwapo niyo sa umaga."aniya at inabot rito ang envelope na dala.

"Pinapabigay po ni sir Jim sayo my darling.."dagdag niya.

Napailing na tinanggap ni Jacob ang envelope at iniwan siya nito.

"Sir Jacob.."tawag niya sa binata kaya napalingon ito bago pa man sumakay sa escalator pababa.

"Oh?"he raised his brows.

"Ang gwapo niyo sa umaga. Pwedeng pa-kiss?"ngiti niyang saad rito.

"Ang taba niyo sa umaga manang, at ang landi niyo pa.."saad nito at tuluyan ng sumakay sa escalator pababa.

Her smile disappeared. Napapalitan iyon ng kirot.

She sighed. Kahit nasasaktan siya sa sinabi ni Jacob ay tinanggap niya parin ng buong puso ang sinabi nito dahil, totoo naman talagang mataba siya.

Pero hindi ako malandi ha! Sa kanya lang naman ako naglalandi! Tss!

She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon