"BAKA mabigla ang mommy mo Jake kapag isinama mo ako at ipakilala sa kanila.."kinakabahang sabi niya kay Jacob nang sabihin nitong isama siya nito sa mansion para ipakilala.
Gusto nitong ipakilala siya sa mga magulang nito, hindi bilang si Monet, kundi bilang si Raine na kababata at ngayon ay girlfriend na nito.
Ngayong araw ay may gaganaping party sa mansion ng mga ito at lahat ng mga business elites ay dadalo sa party na iyon.
Kinakabahan siya dahil sa mismong araw din na ito siya ipapakilala ni Jacob sa mga magulang nito bilang girlfriend.
Hindi naman sa hindi siya confident, pero talagang kinakabahan siya sa aftermaths ng pagsisinungaling niya sa pangalan niya.
Though alam ng mommy ni Jacob na siya si Raine Zynah, hindi niya alam kung bakit kinakabahan parin siya.
"Don't worry mahal. Maiintindihan ka ni Mommy okay? Isa pa, I'm here, hindi kita pababayaan."pagbibigay nito ng assurance sa kanya.
She sighed at nakangiting sumunod kay Jacob na naglakad papunta sa sasakyan nito.
Sobrang gwapo sa paningin niya ang binata nang makita itong naglakad palapit sa sasakyan nito.
He's wearing a black tux at black na pants na pinaresan ng black leather shoes. Kita ang kakisigan nito dahil sa suot.
Medyo nanliit siya sa sarili niya. Kahit pa naka-gown siya–na si Jacob din ang bumili, ay hindi parin niya maiwasang manliit sa sarili niya.
Jacob held her hand at iginiya siya papasok sa passenger seat ng sasakyan nito.
Hinawakan pa nito ang ulo niya upang maiwasan niya ang mauntog.
"Thank you.."aniya.
"I love you.."sagot nito at ganun nalang ang kilig niya.
Mabilis itong umikot sa driver seat at pumasok. Pagkapasok nito at ikinabit naman nito ang seatbelt niya bago nito ikinabit ang sariling seatbelt.
Nahiling niya na sana hindi na matapos ang kilig na nararamdaman niya.
"Let's go?"nakangiting saad nito.
She nodded kasabay ng pagpaandar ng sasakyan nito paalis.
Saktong alas siyete ng gabi silang nakarating ng mansion. Medyo marami na ang mga bisita na naroon na mukhang galing sa mga mayayamang angkan.
Jacob held her hands at iginiya siya sa papasok.
"Relax.."bulong nito sa kanya.
He gave her a quick kiss on her lips bago nito ikinawit ang mga kamay niya sa bisig nito.
She smiled.
"Vaughn Jacob.."bati ng isang matandang lalaki na familiar sa kanya.
"Chairman Cheng!"natutuwang wika ni Jacob bago nakipagkamay rito.
"Oh, you're here with your date.."sabi nito at pasimple siyang tinapunan ng tingin.
"T–taxi driver?"gulat na bulalas niya.
Nakakunot-noong napatingin sa kanya ang matandang lalaki.
"Have we meet before Miss?.."
"Ah, hindi po. Nagkamali lang.."sabi niya.
May ibinulong si Jacob sa kanya kaya tumango siya.
Nagpaalam din muna ito kay Mr. Cheng bago tumalikod..
Kailangan muna nitong makipag-halubilo sa ibang mga bisita dahil isa itong director sa Samonte Group.
"You seemed familiar too iha. Hindi ko lang matandaan kung saan. Pero magkamukha kayo e. Medyo mataba lang yun sayo.."
Napasimangot siya.
"Ikaw ba yun sir? Yung taxi driver na nadaganan ko dahil halos hindi na ako makalabas ng taxi mo?"
Nanlalaki ang mga matang napatingin ito sa kanya.
"So, ikaw nga yun?"natutuwang sambit nito.
She nodded.
"Pero, bakit kayo nandito? Diba taxi driver ka?"
"Ah, ano..sideline lang yun ineng.."nakangiting saad nito kaya napangiti na rin siya.
"Mabuti naman at sinunod mo ang payo ko sayo."
"Kailangan e, dahil katawan ko din naman ang nahihirapan."
"Yeah. You loose so much weight na. So, sa JAYHAN'S ka ba nagpunta?"
She nodded.
"Then, you met my son?"
"Si Jayhan? Ah, opo."
"That's good. Siguro naman ay natuturuan ka na niya ng mga health care techniques.."
She nodded. Marami pa silang napag-usapan nang magpaalam ito sa kanya dahil may kakausapin pa itong mga business associates.
"Good evening ladies and gentlemen. We gathered you all tonight for an important announcement." sabi ng isang MC na sa tingin niya ay ang mommy ni Jacob.
Dahan-dahan siyang lumapit sa may mga mesa ng pagkain at naghanap ng pwede niyang maupuan.
Hindi pa bumalik si Jacob kaya maupo nalang muna siya.
Someone grab her hand kaya napalingon siya.
"A–ali? A–anong ginagawa mo rito?"
Alicia smirked.
"Ikaw ang ano ang ginagawa rito Monet? This party is mine kaya umalis ka na bago ka pa masaktan."sabi nito at mabilis siyang iniwan.
She sighed dahil hindi niya alam kung ano ang pinagsasabi ni Alicia sa kanya.
"As we all know.."saad ulit ng mommy ni Jacob.
Nakita niyang may naglalakad na namimigay ng glass of wine. Mabilis siyang humingi rito at pasimpleng uminom habang nakikinig sa announcement ng mommy ni Jacob.
"Kailangang pagtibayin ang relasyon ng Samonte Group of Companies at Arevalo's. We decided na ipakasal ang anak kong si Vaughn Jacob Samonte sa nag-iisang anak ng mga Arevalo na si Raine Zynah Arevalo.."
Arevalo? Raine Zynah Arevalo? That's me!
"Ladies and gentlemen, let's all welcome our newly engaged couple, Vaughn Jacob Samonte and Raine Zynah Arevalo. Let's all give them a warm of applause."
She was about to walked infront ngunit agad ding napaatras nang makita si Jacob kasama si Alicia sa stage.
Her tears fell.
Nakita niya kung gaano katuwa si Alicia habang nakakapit ang mga kamay nito sa mga bisig ni Jacob.
Jacob coldly looking at her kaya napayuko siya sabay pahid ng kanyang mga luha.
She composed herself first bago tumalikod, ngunit may humawak sa mga braso niya.
"Sinabi ko na sayo na sa akin ang party na ito e. Sinabi ko na sayo na umalis ka na. Ayan tuloy umiiyak ka.."nakangising wika ng pinsan niya.
"Ano bang ginawa ko sayo Ali? Itatapon mo nalang ba ang pinagsamahan natin?"
Alicia smirked.
"You're my cousin Monet, but sorry ka dahil sa akin na ngayon si Jacob. Hindi ko siya bibitawan para lang ibigay sayo!"
"You're nuts! Sa tingin mo maitago mo sa mga parents ni Jacob ang katotohanan?"
Nakita niya si Jacob na palapit sa kanila, pero malamig lang itong nakatingin sa kanya.
"Jake..."maarteng sambit ni Alicia sabay takbo at lapit rito.
Nakita niyang ikinawit nito ang mga kamay sa braso ni Jacob at nakataas ang kilay na tumingin sa kanya.
Nakita pa niya kung paano alisin ni Jacob ang mga kamay ni Ali sa mga bisig nito sabay padabog na umalis.
BINABASA MO ANG
She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )
General FictionThey're childhood bestfriends, pero nagkahiwalay nang manirahan ang mga Samonte sa Amerika. Raine Zynah is very pretty during their childhood, pero habang nagdadalaga ay biglang nagbago ang anyo niya. She's not that old Raine anymore. She became ver...