ONE month, two months, three months, at six months na siya ngayong nagpupunta sa JAYHAN'S FITNESS.
She lose weight. Kung ang timbang niya dati ay one hundred fifty five kilos, ngayon nasa seventy nalang ang timbang niya.
Nung una, sobrang nahihirapan talaga siya lalo na sa ginawa niyang diet. Sa first week ng cardio exercises niya ay nilagnat pa siya sa sobrang pananakit ng katawan. Pero, she never give up. Kailangan niyang makuha ang goal na timbang na sixty kilos. Kunti nalang at makukuha na niya iyon.
She became close to Jayhan. Si Jacob naman ay palagi ring nagpupuntang gym para asarin siya. Si Alicia naman ay nahahawaan na rin niya dahil madalas narin itong pumupuntang fitness gym ni Jayhan.
Tapos na siya sa cardio exercise niya kaya naisipan na niyang umuwi.
Nakangiting nagpaalam siya kay Jayhan.
"Ihahatid na kita Betty.."
"Nah! Hindi na Engineer."nakangiting saad niya.
"Baka gusto mong sumabay sa akin Monet, pupunta din naman ako sa condo ni Kuya dahil nakauwi sa raw si ate Cassandra.."singit ni Jacob na ngayon at naglalakad palapit sa kanila habang nagpupunas ng pawis.
"T-talaga?"
Nakita niyang tumango ito. Nahihiya siyang napatingin kay Jayhan.
"I'll treat you dinner nalang next time Engineer Jayhan.."nahihiyang saad niya.
Ayaw man niyang sumabay kay Jacob, pero dahil bumalik na si Cassandra ay sasabay nalang siya rito.
"Sure Betty, promise mo yan ha. And please, cut the engineer thing.."nakangiting saad nito kaya napangiti siyang tumango.
She heard Jacob hissed nang maglakad na palayo si Jayhan sa kanila.
"Hintayin mo ako rito, Monet. Kukunin ko lang ang mga gamit ko.."saad nito at tinalikuran siya.
Pagbalik nito ay dala na nito ang mga gamit at naglakad na palabas ng gym kaya mabilis siyang sumunod rito.
Pagkarating nilang parking lot ay hinablot nito ang dala niyang bag sa kanya at inilagay sa compartment ng kotse nito.
Anong problema ng lalaking 'to?
"Hindi mo na ako kailangang isabay sir Jake, kung ayaw mo naman palang isabay ako. Mamasahe nalang po ako.."sabi niya.
"Sumakay ka na!"sabi nito.
She hissed pero hindi sumakay.
"Ano, gusto mong buhatin pa kita?"asar na wika nito.
Nakasimangot siyang sumakay sa passenger seat ng sasakyan nito. Agad naman itong sumakay sa driver seat at mabilis na pinaharurot ang sasakyan paalis.
Walang nagsalita man ni isa sa kanila kaya umayos siya ng upo at akmang iidlip nang magsalita si Jacob.
"Ikaw talaga ang mag-treat ng dinner ha.."sabi nito.
Nagtatakang napatingin siya rito pero hindi na nagsalita. Umayos siya ng upo at ipinikit ang kanyang mga mata.
"Ilang bese na ba kayong nag-dinner na treat mo?"dagdag pa nito.
Kaya hindi na siya nakapag-pigil. Umayos siya ng upo at hinarap ang binata.
"May problema ka sir Jake kung mag-dinner kami ni Jayhan sa labas?"tanong niya rito.
And it caught him off-guard.
"H-huh? Wala namang problema. Pero kailangan bang ikaw ang mag-treat ng dinner sa isang lalaki?"
"Kaya nga sir Jake tinatanong kita kung may problema ka ba doon?"
"S-siyempre wala!"
"Yun naman pala e. Huwag mo ng problemahin kung i-treat ko man ng dinner si Engineer Jayhan kasi pasasalamat ko yun sa kanya dahil sa pagtulong niya sa akin."
She heard him heaved a sigh at hindi na nagsalita pa.
Pagkarating nilang condo building ay mabilis na naglakad papuntang elevator si Jacob na hindi siya pinapansin.
She shrugged her shoulders at sumunod na sa pagpasok rito nang bumukas ang elevator.
Wala paring nagsalita sa kanila. Malapit na sila sa condo unit ni Jim nang biglang namatay ang ilaw sa loob at huminto ang elevator.
Kinuha niya ang kanyang cellphone at binuksan ang flash light para magsilbing ilaw sa loob.
Nakita niyang sapo-sapo ni Jacob ang dibdib habang pumipikit kaya mabilis niyang kinuha ang bag nito at kinuha ang gamot nito sa panic, dahil kapag nagpa-panic ito ay bigla itong atakihin ng hika at mahihirapan na itong huminga.
"Inumin mo 'to.."saad niya at agad na ibinigay rito ang gamot.
"P-paanong..?"nagtatakang tanong nito ngunit agad din namang uminom ng gamot.
She called Jim para sabihing nasa loob sila ng elevator at para masabihan ang maintenance ng condominium.
"Okay ka na?"tanong niya kay Jacob pero hindi ito nagsalita at nanatiling nakapikit parin.
Napabuntong-hininga siyang lumapit dito at niyakap ang binata.
"Okay lang yan.."aniya at tinapik-tapik ang likod ng binata.
Hindi naman nagtagal ay bumali na ang ilaw ng elavator kaya mabilis siyang bumitaw kay Jacob.
"Salamat.."mahinang sambit nito.
"You're welcome.."tugon niya.
"Paano mo nalaman?"
"H-huh? Ang alin?"
"Aside sa pamilya ko, isang tao lang ang nakakaalam sa sakit kong ito.."sabi nito.
Napalunok siya ng laway.
"Uhmm. M-my instict tells lang. May kaibigan kasi akong ganyan din.."palusot niya.
"Really? Kapag nalaman kong may itinago ka sa akin, I will hate you."sabi nito at naunang lumabas ng elevator pagkabukas nito.
She sighed deep bago sumunod rito.
Pagkapasok nilang unit ni Jim ay may pag-alala itong lumapit kay Jacob.
"You alright Jake?"tanong ni Jim rito.
"Yeah, thanks to someone.."sabi nito at tiningnan siya nito.
She gulped hard at kunwari'y hinahanap si Cassandra.
Matapos ang insidente sa elevator ay hindi na siya pinapansin ni Jacob.
Kahit pa may ipapabigay si Jim na mga papeles dito ay hindi man lang siya nito tinitingnan.
Nagtataka man kung bakit biglang naging ganoon ang pakikitungo ni Jacob sa kanya, ay hindi na siya nagsalita pa. He fired Jecca at minsan pa siyang ipinalit rito bilang panibagong secretary ng binata.
TODAY is her day-off, kaya sa JAYHAN'S na naman siya magpapalipas ng oras.
Bago siya pumuntang JAYHAN'S ay binuksan niya muna ang email niya na halos isang taon na niyang hindi nabubuksan.
Nang buksan niya ito ay halos lahat ng emails ay galing kay Jacob. At ito ang mga email sa kanya.
1. May plano ka pa bang magpakita sa akin?
2. I miss you Raine. Hope you're doing just fine.
3. You know what? There's someone I know na allergy din sa manok gaya mo. I almost died in panic, kasi naalala kita sa kanya.
4.That someone I know, helped me nang minsan ay may nangyari sa elevator at halos atakihin na naman ako ng hika ko kung hindi niya ako tinulungan.
5. Hindi ba ikaw yun Raine? I know, sobrang layo ng pangalan niyo, imposibleng ikaw yun, pero the way she acts, parang ikaw lang din.
6. Naguguluhan na ako, please magpakita ka na sa akin.
Marami pang emails si Jacob sa kanya pero hindi niya na ito binuksan pa.
Mabilis niyang pinatay ang laptop at nagpunta na sa JAYHAN'S.
BINABASA MO ANG
She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )
Ficção GeralThey're childhood bestfriends, pero nagkahiwalay nang manirahan ang mga Samonte sa Amerika. Raine Zynah is very pretty during their childhood, pero habang nagdadalaga ay biglang nagbago ang anyo niya. She's not that old Raine anymore. She became ver...