BAGSAK ang balikat na napatingin si Jacob sa kanya nang makaalis ang mga bisita at si Alicia. Umalis na rin si Jim dahil kailangan ito ni Cassandra.
"I will file an annulment. Wala akong idea na maisipang gawin yun ni Alicia. Buong akala ko, Raine Zynah ang inilagay niya since nagpanggap naman siyang ikaw."saad ni Jacob sa kanya.
"Paano yan kuya, eh kay Alicia ka naman pala naikasal.."si Axl at busy ito kado-dotdot ng cellphone. Pabago-bago pa ito ng expression na mukhang may kaaway sa text.
"Kasalanan mo 'to e. Kung hindi ka sana na-late, edi sana hindi aabot sa ganito!"
"Eh, bakit ako lang ang sisisihin mo? Si kuya Jim kaya ang nag-drive! Tss!"
"Tama na yan. Kahit buong taon kayong magsisihan diyan, eh wala parin namang mangyari dahil tapos na! Kasal na si Alicia sa kuya mo!"saad niya.
Noon nama'y nakita niyang papalapit ang parents ni Jacob sa kanila kasama ang kanyang Dada.
"Raine, iha.."sabi ng mommy ni Jacob sabay yakap sa kanya.
"Sorry at hindi ka namin nakilala. Kung hindi pa sa pangyayaring ito ay hindi pa namin malalaman na ikaw pala ang kababata ni Jacob."nakangiting saad naman ng daddy ni Jacob na si Jonas Samonte.
Bumitaw ang mommy nito sa pagkayakap sa kanya at hinaplos-haplos ang buhok niya.
"Ayos lang po sir. Eh, hindi niyo naman talaga ako makilala dahil sa laki na ng ipinagbago ng katawan ko, lalong-lalo na ang mukha ko."nakangiting saad niya rito.
"Cut the 'sir' thing. Call me tito Jonas, just like the old times."
Ngumiti siya at tumango.
"Sabi ko na e. You're familiar kasi talaga iha. Nung nag-apply kang temporary cook sa bahay naalala kong Raine Zynah ang pakilala mo sa akin, ngunit nung dumating si Jacob galing trabaho at nakita mo, biglang Monet ang pangalan na pakilala mo sa akin!"
Napangiwi siya nang maalala ang kasinungalingang ginawa niya.
"Eh, S-sorry po ma'am—"
"Tita.."putol nito sa anumang sabihin niya.
"Sorry po T—tita. Natatakot kasi akong malaman ni Jacob na ako yun. Yung araw din kasing iyon ay gusto ni Jacob na magkita kami pero natakot akong magpakita dahil sa katawan ko.."
"Ah, ganun! Kaya pala hindi ka nagpakita sa akin noon at nagsinungaling ka pang sumakit ang tiyan mo!"si Jacob.
She pouted.
"Eh, baka kasi nag-expect ka na mas gumanda pa ako e. Grade three pa tayo nung magkahiwalay tayo ng landas, eh ilang taon na tayo ngayon. Kita mo naman ang mukha ko, na kung hindi pa ako nagpa-derma eh puno na naman ng tagiyawat. Saka, look at my figure, malayo sa Raine Zynah na nakilala mo noon."aniya.
Natatawa ang mommy nito sa sinasabi niya.
"Iha, your looks and figure isn't important. Ang mas importante ay ang katotohanang ikaw si Raine at ang kababata ng anak ko. Kahit magbago man ang hitsura mo, ikaw parin yan."mommy niya.
She pouted again.
"Oh, paano anak, mauuna na ako sa inyo. Marami pa akong asikasuhin sa opisina since wala na ang tita Ybeth mo.."paalam ng ama niya.
Tumango siya at niyakap ito.
"Paano kumare at kumpadre, mauna na ako at marami pa akong asikasuhin.."paalam nito sa mag-asawang Samonte.
"Sige kumpadre, mag-iingat ka. Bumisita ka minsan sa bahay ha.."si Jonas.
Kumaway ito at tumalikod na.
BINABASA MO ANG
She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )
General FictionThey're childhood bestfriends, pero nagkahiwalay nang manirahan ang mga Samonte sa Amerika. Raine Zynah is very pretty during their childhood, pero habang nagdadalaga ay biglang nagbago ang anyo niya. She's not that old Raine anymore. She became ver...