Kabanata 1

430 14 5
                                    


"Anong nangyari sa mukha mo Zynah?"tanong ng pinsan niyang si Ali nang makita siyang nakaharap sa laptop niya na nakabusangot.

"Hindi ka pa ba nasanay sa mukha ko? Tsk!"sagot niya.

Paano naman kasing hindi bubusangot ang mukha niya gayong nag-chat sa kanya ang childhood bestfriend niyang si Jacob na magkita daw sila.

Twelve years na ang nakalipas mula nung umalis ang pamilya nito papuntang Amerika. Jacob was her classmate during her elementary days. They became best of friends na hindi nya maalala kung ano ang dahilan. Hanggang sa matapos nila ang third grade sa elementary, nagpaalam ito sa kanya na pupuntang Amerika kasama ang pamilya.

Tapos ngayon, nag-chat ito na nakabalik na sila ng Pilipinas at gusto nitong magkita sila.

"Ano ba kasing ginagawa mo diyan sa harapan ng laptop mo?"

"Umeebak! Tsk! Obvious na obvious Ali, itinatanong mo pa? Kaya pa dzai? Kaya pa?"asar niyang saad sa pinsan.

"Oh, eh makipagkita lang naman pala yang childhood bestfriend mo sayo, anong inarte mo diyan?"saad ng pinsan niya nang makita nito ang ginagawa niya sa harap ng kanyang laptop.

"Ayos ka lang Ali?"

"Oh eh, ayos na ayos insan."

"Paano ako makipagkita sa hitsura kong ito, aber?"

"Bakit, ano bang problema diyan sa hitsura mo?"

"Kita mong ang taba-taba ko na, anong mukhang ihaharap ko kung inaasahan niyang mas gumanda pa ako?"

"Hay naku! Tumaba ka lang Zynah at may pimples, pero ikaw parin yan! Tsk."saad nito sa kanya sabay tabig sa kanya at ito ang humarap sa laptop niya.

Nakita niya itong nag-reply sa chat ni Jacob. Nang lubusan niyang makita ang chat nito kay Jacob, nanlaki ang mga mata niya nang i-send nito bigla ang reply.

Okay let's meet, see you nalang bukas sa may parke kaharap ng ABC hotel at 7pm. Here's my number 09971234567.

"Hoy! Alicia! Anong ginagawa mo?"nahihitakutang tanong niya rito sabay hablot ng laptop dito.

"Nag-reply.."

"Bakit mo sinabi yun! Hays!"

"Huwag ka ngang duwag. Ikaw parin ang bestfriend niya, anong ikinatakot mo?"

Oo nga, ano bang ikinatakot niya?

Eight years na silang magkasama sa apartment ng pinsan niyang si Alicia. Takas kasi sa mental esti sa mommy nito si Ali, dahil gusto ng mommy nito na ipagkasundo siya sa anak ng kumpare nito.

Kinabukasan, napagpasyahan na rin niyang makipagkita kay Jacob.

Todo effort siya sa pagsuot ng denim pants kahit sobrang laki ng hita niya. Pinaresan niya ito ng off-shoulder floral blouse.

"Hindi ka ba sasabog diyan sa suot mong pantalon Zynah?"puna ng pinsan niya.

Asar siyang napalingon dito.

"Anong gusto mong suotin ko, daster?"

"Mag-leggings ka nalang kaya. Ako ang hindi makahinga diyan sa suot mo e."

Asar niyang hinubad ang pantalon niya na halos hindi na niya mahubad sa sobrang sikip na nito sa kanya. Pinagpawisan pa siyang hinubad ang pantalon niya. Nagpalit nga siya ng leggings.

She weighed one hundred fifty five kilos and she's obese. Bakit nga ba? Food is life daw ika nga, kaya ang laki ng nilubo niya.

Pilit niyang takpan ng concealer ang pimples niya pero hindi talaga ito natatakpan kaya tinanggal nalang niya.

Alas sais y medya pa lang ay nasa meeting place na siya. Four minutes to seven ay tumawag ito sa kanya na paparating na ito.

Kinakabahan siya na hindi niya maintindihan ang sarili niya. May halong takot at excitement. Takot na baka ma-dissappoint si Jacob kapag nakita siya, at excitement dahil sa loob ng labin-dalawang taon ay sa wakas ay magkikita na ulit sila.

Alas siyete, tumawag ito sa kanya na dumating na ito.

"Saan ka na Raine?"tanong nito sa kabilang linya.

"Malapit ako sa may fountain.."saad niya.

Nakita niyang may dumaan sa harapan niya na isang matipuno, matangkad at gwapong lalaki habang may hawak na cellphone na nasa may bandang tenga nito halatang may katawag.

Jake?

"Raine.."saad nito sa isang sexy at magandang babae na nasa harapan din ng fountain.

Tama nga ang hinala niya na ang matipuno, matangkad at gwapo na dumaan sa harapan niya ay si Jacob. Pero hindi siya nakilala nito.

Nakita niyang umiling ang babae. Pero dahil sa takot siyang makita ni Jacob, ay mabilis siyang nagkubli sa may mga kumpulan ng mga tao na nandoon.

"Ah, Jacob, sa susunod nalang tayo magkita, bigla kasing sumakit ang tiyan ko kaya uuwi na muna ako. Pasensya ka na ha. Napagod ka pa tuloy sa pagpunta diyan.."aniya.

"Ayos lang ako Raine. Ikaw? Masakit pa ba tiyan mo?"may pag-alalang tanong nito sa kanya.

"Oo, sandali lang ha. Tawagan kita mamaya, eebak lang.."pagsisinungaling niya.

She sighed nang maibaba niya ang tawag ni Jacob. Dumaan muna siyang Ice cream parlor. Gusto niyang palamigin ang nag-iinit niyang damdamin para kay Jacob. Charoot!

Halos malalaglag ang panga niya nang ma-realize kung gaano na ka-gwapo ang kababata niya. Kung gwapo ito noon, mas gumwapo ito ngayon.

Padabog siyang pumasok sa Ice cream parlor, ngunit may nakabangga siya.

"Betty?"saad ng isang lalaki na sa tantiya niya ay kaedad lang niya.

"Anong Betty?"tanong niya rito.

"Sino pa nga bang Betty na nakilala mo?"nakataas-labing tanong nito.

Betty? Si Betty La Fea ba ang tinutukoy niya?

"Hoy, mister! Mataba lang ako, pero mas maganda ako dun sa sinasabi mo!"asar niyang saad rito. Binunggo niya pa ito nang malakas sa balikat bago padabog na kumuha ng isang gallon na icecream.

Mukhang nagtataka ang lalaki na napatingin sa kanya.

"Mauubos mo yan?" tanong nito pero tinaasan niya lang ito ng kilay at dumerecho na sa counter para magbayad.

Pagkatapos niyang magbayad ay lumabas na siya ng Ice cream parlor at bumalik sa park na kalapit ng fountain.

Mabilis siyang umupo sa may bench doon at kaagad na nilantakan ang biniling icecream.

May napansin siyang tumikhim sa katabi niyang bench. Nang tingnan niya ito, nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto kung sino ang nakita.

Vaughn Jacob..

Halos lunukin niya ang isang gallon na icecream dahil sa kaba niya. Mabilis ang naging pagsubo niya dahil sa kabang nararamdaman. Kaya ganun nalang ang pukpok niya sa batok niya nang bigla siyang nabilaukan.

She heard him tsk-ed at mabilis na tumayo at inabot sa kanya ang hawak na mineral water.

Ang takaw kasi, halos wala ng bukas kung kumain kaya ang laki..narinig niyang bulong ng lalaki.

"Wow ha! Ang lakas ng bulong mo. Yung tipong, sound of silence pero bomba ang dating. Pero salamat dito.."aniya. Pero hindi sumagot ang lalaki at mabilis itong tumalikod sa kanya.

He never recognizes me..

She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon