Kabanata 22

145 6 4
                                    

IT'S her day off, kaya naisipan niyang magpunta sa JAYHAN'S para mag-exercise.

Jayhan, surprisingly looking at her nang nakangiti siyang pumasok sa loob ng fitness center nito.

"Yahh! How are you Betty? It's been awhile since our last meet.."

"Okay na ako Jayhan. Ikaw ba? Kumusta buhay natin ngayon?"tanong niya rito habang inilapag ang backpack na dala.

"I've been busy these past few days din e. Remember Tagaytay? Sinimulan na kasi namin ang trabaho doon.."

She nodded.

"So, what brings you here? Akala ko, ayaw mo na magiging fit. Buti nalang at naabutan kita ngayon kasi bukas aalis din ako pabalik ng Tagaytay."

"Day off ko ngayon kaya naisipan kong magpunta rito.."

"Naisipan lang talaga? Mukhang napipilitan ka lang Betty!"biro nito sa kanya.

She smiled.

"Well, mas masarap na nga lang sana ang matulog at kumain nalang e. Pero,  naisip ko..sayang yung effort ko kung titigil ako.."

"That's good. Buti natauhan ka rin Betty.."

"I heard from your cousin.."dagdag nito.

"Hmm? Anong sinabi niya? Hayaan mo siya."sabi niya at binaliwala ang sinabi ni Jayhan.

"So, the person you like was Jacob all this time?"tanong nito sa kanya.

Gulat siyang napatingin rito.

"P-paanong—"

"I heard Alicia nga diba?"

She didn't answered.

"Alam ba ni Jacob na gusto mo siya?"

She nodded.

"And he likes me too.."sagot niya.

Nakita niya sa mukha ni Jayhan ang gulat.

"R-really?"

She nodded again. Kita niya ang sakit sa mga mata nito.

Alam niyang may gusto si Jayhan sa kanya pero alam naman nitong hanggang kaibigan lang ang kaya niyang maibigay rito.

"Sorry Jayhan.."

"Don't be. You don't have to apologize Betty. I'm wishing you happiness. Basta kapag may problema, call me up okay?"

She nodded. "Thanks Jayhan."aniya sabay yakap rito.

Jayhan hugged her back at nakangiti itong bumitaw sa kanya. Pero kita niyang hindi abot sa mga mata ang mga ngiti nito.

She felt sorry for him.

"N-nakalimutan ko palang sabihin na may pupuntahan pa ako Betty. Sorry, hindi kita masamahan rito. Alam mo naman ang mga exercises mo, diba?"

She nodded at nagpaalam na ito sa kanya.

She's looking at his back habang naglalakad ito palabas ng fitness center.

She sighed.

Sorry Jayhan. Pero nauna kasi si Jacob sa puso ko. He has my heart already bago ka pa man dumating.

Kinuha niya ang cellphone niya nang narinig niya itong mag-ring. It's Jacob.

"Oh?"

"Wala ka man lang katamis-tamis diyan. Biglang 'oh' lang agad ang isasagot mo?"reklamo nito sa kabilang linya.

Napatawa siya.

"Bakit, ano ba dapat?"

"Dapat ganito 'good morning mahal, musta ang tulog mo?'"

She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon