Kabanata 8

157 12 1
                                    


KINABUKASAN, maaga palang aburido na ang amo niyang lalaki habang may kausap sa kanyang cellphone.

"Alam naman niyang puno ang schedule ko, bakit ngayon niya pa naisipang um-absent? Fire her! Now!"singhal nito sa kausap at itinapon ang cellphone pagkatapos.

"At ikaw Monet, tama na yang paglilinis. Madudulas na pati langaw diyan sa sahig. Magbihis ka, yung formal attire ha! From now on, ikaw na ang secretary ko!"

Secretary ko..

Secretary ko..

Ano raw? Gagawin na naman akong secretary? Nang walang requirements? Tss! From cook to housemaid to messenger to secretary. Edi ikaw na Raine Zynah ang maraming working experience!

She sighed at itinigil ang paglilinis. Nagmamadali siyang pumasok sa kanyang kwarto para maligo at maghanap ng formal na isusuot. Baka siya na naman ang mapagbuntungan ng galit ni Ruperto!

Naku! Namamaga na 'tong mukha ko kakabato ni Ruperto sa akin ng kung anu-ano.

Pagkatapos niyang maligo ay naghanap kaagad siya ng ipambihis. Pero wala siyang nakita. Ang isinuot niya ay ang leggings na itim at off shoulder na blouse. Wala naman kasi siyang ibang nakitang pwede niyang isuot na pang-opisina.

At saka, hindi na niya kasalanan kung wala siyang maisuot dahil hindi man lang siya inabisuhan ni Ruperto, bagkus ay nagpadalus-dalos itong sabihin sa kanya na siya na ang secretary nito.

Her phone rang. Isinuot niya muna ang kanyang flat shoes bago sinagot ang tawag.

"Oh Ali, good morning!"

"Kailan ang off mo bruha, hindi mo na ako nabisita ritong apartment.."

"Sorry cous. Sobrang busy ko talaga ngayon e. Kasi alam mo yun, diba temporary cook ang inaapplyan ko?"

"O, tapos?"

"Tapos bigla akong ginawang housemaid ng anak niya, tapos ginawa akong messenger ng anak niya at ngayon secretary na!"

"Edi wow! Ikaw na!"

"Tss! Ewan, mukhang mandedelikado buhay ko nito e."

"Arte mo! So how about your kababata? Nagkita na ba kayo?"

"Yeah.."tinatamad na sagot niya.

"Really? Yaayyy!"tili nito sa kabilang linya.

"Kalma...kalma ka lang pinsan. Nagkita nga kami, at nakita niya na ako. Pero, hindi niya alam na nakita niya na ako.."

"Ano? Teka.. teka lang naguguluhan ako pinsan.."

"Kapatid siya ng amo ko ngayon. At yung bahay na pinag-applyan ko bilang temporary cook, ay pagmamay-ari ng parents nila."

"W-what?"

"Yes. Kaya, yung bunganga mo, limitahan mo ang buka niyan!"saad niya.

Marami pa silang napag-uusapan bago ito nagpaalam dahil pumasok na rin ito sa trabaho. Manager ito sa isang kilalang call center agency.

"Monet, ready ka na?"katok ng amo niya.

Hindi siya sumagot at lumabas na ng kanyang kwarto.

"Wala akong pwedeng maisuot, maliban rito.."saad niya.

Napabuntong-hininga ito at hindi na nagkomento.

"Bilisan mo na riyan. Pagdating ng opisina, ibigay mo sa akin ang body sizes mo at papatahian kita ng uniform mo.."sabi nito at nagpatiunang naglakad palabas ng unit.

Alas otso na nang makarating silang hotel na pagmamay-ari ng amo niya.

Nakita niyang pinagtitinginan siya ng mga empleyadong naroon. Siguro nagtataka kung bakit kasama siya ni Rupert.

She even noticed some employee whispering and mumbled about her. At ano pa bang aasahan niyang pag-uusapan ng mga ito? It's her body size.

Sa totoo lang, nasasaktan din naman siya. She lives in her entire life full of derisions dahil sa kalakihan ng katawan niya.

Noong una, wala naman siyang pakialam sa mga ito, pero nagbago iyon mula nang marinig niya mismo sa bibig ni Jacob ang katabaan niya.

Kaya siguro hindi siya nito nakilala dahil sobrang laki na niya. Hindi na siya yung dating Raine na iiyak ang mga anghel sa langit dahil sa sobrang kagandahan niya.

She had an angelic face. Had, kasi noon iyon. Ngayon, nagmukha na siyang monster at hindi na anghel.

Hindi niya namalayang bumukas na ang pintuan ng elevator kung hindi pa siya tinawag ni Jim.

Iginiya siya nito sa magiging opisina niya at tinawag ang head secretary para turuan siya sa mga dapat niyang gawin.

Medyo mahirap nung una, pero kalaunay nasanay na rin siya sa bagong trabaho niya.

It's been a week na simula nang gawin siyang secretary ni Rupert.

It's kinda tiring pero ayos lang kasi, halos araw-araw naman niyang nakikita si Jacob.

Tulad ngayon.

"Monet, pumasok ka rito may ipapahatid ako sa baba.."saad ni Rupert saka ibinaba ang telepono na nakakonekta sa office ng amo niya.

Nagmamadali siyang tumayo. Inayos niya muna ang suot niyang suit at pencil skirt bago kumatok sa opisina ng amo.

"Come in.."

Agad niyang pinihit ang pintuan at pumasok.

"Pakibigay nito kay Jacob."sabi nito at ibinigay sa kanya ang isang folder ng mga papeles.

"Thank you sir.."

"Thank you na naman?"

"Eh kasi, makikita ko na naman si sir Jake.."

He hissed at napailing na ibinalik ang paningin sa binabasang mga papel.

"And oh, by the way, ito yung uniform mo.."sabi nito at inabot sa kanya ang isang supot.

Agad niya itong inabot at nagpapaalam na.

Inilagay niya muna ang supot sa desk niya bago siya bumaba sa opisina ni Jacob.

Pagdating niya roon ay wala ang secretary nitong si Jecca kaya naisipan niyang ibigay nalang ng personal ang folder na pinapabigay ng boss niya rito.

She knocked, pero walang sumagot. Kumatok siya ulit pero wala paring sumagot kaya sa pangatlong beses niyang pagkatok ay pumasok na siya.

Pero nagulat siya sa naabutan. Her eyes widen nang makita niyang nagtukaan si Jacob at ang secretary nitong si Jecca. Ni hindi siya napansin ng mga ito na pumasok.

She even heard their moans.

"Hoy! Punyeta, workplace po ito hindi motel!"sigaw niya.

Kahit nasasaktan siya sa nakita ay pinilit niyang maging mahinahon.

"Ipinapabigay po ni sir Jim.."aniya at ibinigay ang folder kay Jacob.

Nakita pa niyang pinamulahan ng mukha si Jake at ang secretary nitong nagmamadaling lumabas ng opisina ni Jacob.

She hissed at tinaasan ng kilay si Jacob na hindi nagsasalita.

"Pinutol ba ni Jecca ang dila mo? At saka ano yan?"saad niya at ibinaba ang paningin sa harapan ni Jacob.

"Fvck!"he scowled.

"Tss! Tayong-tayo ah!"

"Shut up!"

She laughed kahit ang totoo'y nasasaktan siya.

"Bulging, bulging.."asar pa niya rito at saka lumabas na ng opisina nito.

She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon