"SERVES you right Jake!" tawa ng kuya Jim niya sa kanya.Asar niyang binato ng unan ang kapatid. Kanina pa sila umuwi matapos nagkagulo sa announcement ng successor ng Arevalo's dahil sa batang biglaang pumasok.
Tumayo siya at kumuha ng beer sa ref.
"May kambal pala akong pamangkin.."narinig pa niyang saad ng kapatid.
Napabuntong-hininga siya at bumalik sa sala dala ang kinuhang beer.
"Seems like our situation were the same Jake. Ay mali! Kambal pala ang nabuo mo, samantalang isa lang si Jeco." tawang-tawa na inaasar siya nito. Ngunit hindi na siya kumibo pa. Wala siyang ganang makipag-asaran dito dahil gulong-gulo ang utak niya ngayon.
"Pero hindi ko naisip na magbabago si ate Raine physically. Looking at her today, parang sinabi niya sayo kuya Jake na 'hey it's me, ako yung sinayang mo!" si Axl.
Sinamaan niya ito ng tingin saka tumungga sa hawak niyang beer pero tawang-tawa lang ang dalawa niyang kapatid.
"Who you ka nalang kay Raine, Jake!" asar ulit ni Jim.
Napabuntong-hininga siya sabay iling saka tumayo at umakyat sa kwarto dala ang hawak na beer.
Tama naman kasi ang kanyang mga kapatid. Simula nang mawala si Raine sa kanya, saka niya lang na-realize ang halaga nito. Lalo na ngayong nagbalik na ito at may bunos pa, ang kanilang mga anak.
Humiga siya sa kanyang kama hawak parin ang beer.
Hindi niya alam kung maaayos niya pa ba ang kanyang relasyon sa mag-ina. Obvious naman kanina na ayaw ipakilala sa kanya ang dalawang bata. Pero nagpasalamat pa rin siya dahil sinabi ni Raine na siya nga ang ama.
Alam niyang hindi niya deserve ang second chance kung iisipin. Pero, gusto niyang mabuo ang kanyang napabayaang pamilya.
Sising-sisi siya ngayon at hindi alam ang gagawin.
Naalala niya pa ang nangyari kanina kung paano siya tinuturo ng bata na siya ang ama nito, na hindi maitanggi dahil kamukha niya talaga ang mga ito. Kopyang-kopya sa mukha niya.
He heard a knock on his door. Pero hindi niya ito binubuksan. He need to think, ayaw niya ng istorbo.
"Kuya, pwede pakibuksan ang pinto?" si Axl.
Napabuntong-hininga siyang bumuhat mula sa pagkahiga at pagod na binuksan ang pintuan.
"Kailangan mo?"tanong niya.
"Gusto mo bang makipag-balikan kay ate Raine, kuya Jacob?"
"Sino b'ang ayaw makipag-balikan?"buntong-hininga niyang saad sabay balik higa sa kama at itinabi ang beer sa may bedside table
"May anak kami, at inaamin kong may kasalanan ako. Pero hindi ko alam Axl kung paano ko pa 'to aayusin."dagdag na saad niya.
Napabuntong-hiningang tumingin si Axl sa kanya.
"Hindi ko rin alam Kuya. Kasi sa totoo lang, mahirap ng balikan ang taong labis mo ng sinaktan."
"Subok mo na?"
"Of course not! Tss! Kasi, ganyan na ganyan din si Kuya Jim dati kay ate Cassandra diba? Pero, dahil mahal talaga nila ang isa't-isa kaya ayun, nabuo parin sila."
Hindi siya nakapag-salita.
"Pero alam mo Kuya Jacob, mukhang hindi ka na talaga babalikan ni ate Raine, kasi may engineer na siya sabi ni kuya Ji--"
Hindi natapos ang gustong sabihin ni Axl nang batuhin niya ito ng kanyang cellphone.
"What the fvck, Kuya?"
BINABASA MO ANG
She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )
General FictionThey're childhood bestfriends, pero nagkahiwalay nang manirahan ang mga Samonte sa Amerika. Raine Zynah is very pretty during their childhood, pero habang nagdadalaga ay biglang nagbago ang anyo niya. She's not that old Raine anymore. She became ver...