Kabanata 34

113 4 1
                                    


After they had their meal ay napag-desisyonan nilang manood muna ng movie bago umalis ng tree house.

Pero nang matapos silang manood ng movie at palabas na sila ng tree house ay biglang bumuhos ang malakas na ulan.

"Sh*t! Ambon lang naman yun kanina.."maktol ni Jacob at hinila siya pabalik sa loob.

"Paano na? Alis na tayo bago pa mas lumakas ang ulan.."

"Delikado kapag bumaba tayo.."

"Delikado? Paano ang kabayo na dinala mo roon.."

"Wala namang problema doon sa kabayo. Pero kasi kapag bumaba tayo na ganito kalakas ang ulan, delikado dahil madulas pababa. Nasa labas ng sanctuary naman ang kabayo kaya hindi maaano yun."

She sighed at bumalik sa pag-upo sa sofa na naroon.

"Paano kapag hindi titila ang ulan?"tanong niya kay Jacob.

"Edi, dito tayo matutulog."

"Okay ka lang? Hindi ako matutulog rito!"

"Why not?"

Baka aswangin mo ako!

Pero hindi na niya isinatinig yun.

Dahil hindi pa tumila ang ulan, kaya naman ay nanood ulit sila ng movie.

Pinanood nila ang Dawn ng twilight kung saan ikakasal na si Bella kay Edward.

Okay naman ang simula ng movie. Sinindihan muna ni Jacob ang fireplace bago ito tumabi sa kanya. Ngunit, nang nasa honeymoon stage na si Bella at Edward, ay biglang naging awkward ang paligid nila.

Walang ni isa man na nagsalita sa kanila.

Nakita niyang napalunok si Jacob kaya ganun nalang ang kaba niya.

Jusko!

Napatikhim ito.

Kinakabahan naman siya.

Hoy manang biday, huwag muna ngayon! Dami ko pang problema. Huhuhu.

Bakit kasi iyon pa ang naisipan niyang panoorin, eh dapat sana yung kinuha niyang cd tape ay barilan. Hindi sana awkward ang paligid nila.

"I....."

"I....."

Sabay pa nilang sabi.

Napatikhim ulit si Jacob. "Ah, ikaw na mauna.."

"Hindi, ikaw na.."nakangiting tugon niya na nahihiyang tumingin sa binata.

"Ikaw na.."

"Hindi, ikaw na. May sasabihin ka ba?"

"Ah kasi..."

*BINK*

Biglang nag-brown out.

"Jake.. J—jake.."aniya habang nangangapa sa dilim.

Takot pa naman siya sa dilim. At lalong-lalo na si Jacob.

Malakas parin ang ulan kasabay ng naglalakasang kulog at kidlat sa labas.

"Jake..."

"I'm here.."

"Saan?"tanong niya habang nangangapa parin.

May nahawakan siyang isang matigas na bagay sa tabi niya.

"Ano 'to?"tanong niya sa sarili.

Hindi niya alam kung ano ang nahahawakan niya, pero pakiramdam niya ay mas lalo pa itong tumigas nang hinimas-himas niya pa ito.

She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon