Tok! Tok! Tok!
Napatayo siya bigla buhat sa kama nang marinig ang katok ni Jacob..
"Babe.."tawag nito.
Naku! Raine, ayan na..baka mahiwaan ka at matahian ka ng fifty stitches.
Mabilis siyang bumalik siya sa paghiga ng kama at agad na nagtalukbong ng kumot.
Nagkunwari siyang natutulog kasi, panigurado namang mabubuksan ni Jacob ang kwartong iyon kasi, ang parents naman nito ang may-ari.
Ilang saglit pa ay narinig niya ang pagbukas ng pintuan ng kwarto.
Napa-sign of the cross tuloy siya dahil sa kaba.
Bakit mo ba kasi kinapa yun Moneta ka! Ayan tuloy at madidingwat ka na ngayon. Huhuhu.
Nararamdaman niyang lumubog ang kabilang side ng kama at narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Jacob.
Mas domoble pa ang naging kaba niya nang haplusin ni Jacob ang buhok niya.
Naku, ayan na ang pampagana ni Jacob! Pero, teka nga, ano bang inarte mo? Nakita mo na at nahawakan yun ah. Isa pa, ano bang ikinatatakot mo?
Bumalikwas siya ng bangon at todo hanap siya kay Jacob nang hindi niya ito makita.
"Jacob!"tawag niya.
"Araykupo!"narinig niyang boses nito.
Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng kwarto at nagtakang nakatingin kay Jacob na nakadapa sa sahig.
"Hoy, anong ginagawa mo diyan?"
"Ginulat mo ako e."
"Gulat? Tapos nakadapa ka na diyan?"
"Tinadyakan mo kaya ako.."
"Tsss! Tumayo ka na diyan.."
Ngunit hindi parin tumayo si Jacob.
"Ano pang hinihintay mo diyan? Tumayo ka na at umpisahan na natin!"
"Huh? Ang alin?"
"Sus! Kunwari pa 'to. Eh, alam ko namang kanina ka pa naglalaway diyan e."
"Ano?"
Asar siyang tumayo at nagdemo pa sa ibabaw kama.
Kunwari sinakyan niya yung unan.
"Ganito Jacob oh, ahhh, ohhh, ahhh sige pa, ohhh yeah baby!"aniya at itinirik pa ang mga mata.
Biglang nabilaukan si Jacob ng sariling laway kaya ganun nalang ang tawa niya.
"Bakit babe? Ayaw mong tikman ang alindog ni Raine Zynah?"sabi pa niya sabay kindat sa binata.
"Eh, kanina lang eh takot na takot ka. Bakit ngayon—"
Hindi na natuloy ang sasabihin ni Jacob nang buhat sa kama ay tinalon niya ito at derechong hinalikan sa labi.
"Huwag ka ng magpatumpik-tumpik pa! Kahit mahiwaan ako, at matahian ng fifty stiches ay buong puso akong magpatahi, matikman ko lang ang tinatago mong footlong. Oh my love! Rawwwrr!"
"Sandali! Sandali..umalis ka muna diyan sa ibabaw ko, napipisa ako e. Ang bigat mo kaya.."reklamo ni Jacob.
Bigla siyang natauhan kaya tumambling siya at kinindatan ulit si Jacob. Napatawa nalang ang huli dahil sa ginagawa niya.
"Paano tayo makapag-umpisa kung pinapatawa mo naman ako?"natatawang sabi ni Jacob.
"Katawa-tawa na ba talaga ang hitsura ko?"
BINABASA MO ANG
She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )
General FictionThey're childhood bestfriends, pero nagkahiwalay nang manirahan ang mga Samonte sa Amerika. Raine Zynah is very pretty during their childhood, pero habang nagdadalaga ay biglang nagbago ang anyo niya. She's not that old Raine anymore. She became ver...