Today is her first day sa mag-asawang bagong kasal na Samonte.Whoa! Did I get to see Megan Fox in person?saad niya sa sarili ng mapagbuksan siya ng pintuan nito.
"Magandang araw po, ito na po ba ang unit ni sir Jim?"tanong niya rito.
Nakangiting tumango ito. "Halika, pasok ka."saad nito.
Kaagad naman siyang pumasok at ipinalibot ang paningin sa kabuuan ng unit. Hindi naman kalakihan ang unit pero pwede nang sabihin na elegante ang may-ari! Chorrr!
"Wala ka namang ibang gagawin dito, tulong-tulongan mo lang ako sa gawaing bahay.."sabi ng babae na kamukha ni Megan Fox.
She nodded.
"Halika, ilagay mo muna ang mga gamit mo. Sumunod ka sa akin.
Mabilis naman siyang sumunod sa babaeng amo.
Wow talaga! Pansamantalang cook tapos nagiging maid? Ano bang kasalanan ko sa universe? Hayyy!
Iginiya siya nito sa magiging kwarto niya. Pagkapasok niya sa loob ay humiga muna siya sandali.
Pagkarran ng ilang minuto ay tumayo siya at inayos ang mga gamit sa nakita niyang cabinet na naroon.
Pagkatapos niyang ayusin ang kanyang mga gamit ay lumabas na siya ng knayang kwarto at sinundan ang among babae.
Noon nama'y dumating ang kapatid ng kanyang kababata na si James Rupert o mas kilala sa tawag na Jim.
Napansin niya kaagad ang malamig na atmosphere sa dalawang amo.
But, looking Megan Fox infront of her, alam niyang mabait ang babae at kulang sa pitik sa bayag ang among lalaki.
Is their marriage, fake?
Napasapak siya sa ulo dahil sa mga maling conclusions niya. Pakialam ba niya kung fake nga ang kasal ng dalawa. She's here to work, at hindi niya forte ang makialam.sa buhay ng may buhay.
Tinawag siya ng kanyang among babae para magpatulong sa paghain.
"Alam ko ang sitwasyon niyo ni sir Rupert ma'am, kita ko ho kung paano niyo tratuhin ang isa't-isa. Malayo po sa tunay na kahulugan ng nagmamahalan na mag-asawa.."out of the blue na sambit niya.
Napahinto sa pagkuha ng mga pinggan ang among babae at masamang tumingin sa kanya.
"Sorry po ma'am. Sorry po talaga kung nakikisawsaw ako sa inyong mag-asawa. Naawa kasi ako sayo e, kasi idol kita.."
"Idol?"
"Opo! Hindi ba ikaw si Megan Fox?"
"Megan Fox? Nagpapatawa ka ba? Tss! Tawagin mo na ang bossing mo doon.."saad nito at nagsimula ng maghain sa mesa.
Mabilis naman niyang tinawag ang among lalaki.
Hayy! Raine, napakataklesa mo! Sabi ng ayaw kong makialam sa buhay ng may buhay e. Ke bago-bago mo palang e.."
Agad namang lumabas si Jim at sumunod sa kanya sa kusina.
Napansin niyang hindi nagpapansinan ang dalawa. Kumain lang sila ng tahimik. Walang nagkusa man lang na magsalita kaya bigla siyang kumanta na ikinagulat ng dalawa.
"Hoy! Pinoy ako!"sigaw niya sa harapan ng dalawang amo.
Biglang nahirinan ang among lalaki, kaya agad niya itong binigyan ng tubig sa baso.
"Dahan-dahan po kayong kumain sir, hindi naman po ito pabilisan ng kain e. Tsk tsk tsk!"asar niyang saad sa among lalaki.
At ikaw pa talaga ang naasar ha Raine Zynah?
Nakita niya sa peripheral view niya na napangiti ang among babae dahil siguro sa ginawa niya sa asawa nito.
"Damn you! May death wish ka ba?"
"Ah, opo. Meron po. Ikaw may death wish ka ba sir?"
Mabilis itong tumayo at hindi na tinapos ang pagkain.
"Naku ma'am, pasensya na po. Hindi ko lang talaga napipigilan ang bibig ko e."
"Naku! Ayos lang Monet. Saka huwag mo na akong tawaging ma'am. Ate Cassandra nalang ang itawag mo sa akin.."saad nito sa kanya kaya tumango siya bilang pagsang-ayon.
DAYS, weeks and months had past at nalaman niyang hindi nga tunay na mag-asawa si Cassandra at James Rupert dahil gusto lang ni Jim na makuha ang mana nito galing sa abuelo..
She heard it from Cassandra nang minsang mag-away ang dalawa at sa kwarto niya natulog ang among babae. Paano ba naman kasi, sinong matinong lalaki ang magdala ng kabet sa bahay? Siraulo lang ang kayang gumawa nun! At spell siraulo J-A-M-E-S R-U-P-E-R-T!
Kinabukasan, parang wala lang nangyari! Nagluto parin sila ng kanyang amo ng agahan para sa kabet at sa amo niyang lalaki.
Grabeng kamartiran naman 'tong amo ko! Hayys! Kapag sa akin nangyari 'to. Paliguan ko ng kumukulong tubig ang asawa ko kasama na ang kanyang kabit!
"Tawagin mo na sila doon Monet.."
Tumango siya at naglakad na papuntang kwarto ni Jim.
Narinig niya pang naghaharutan ang dalawa sa loob kaya sa asar niya pinukpok niya ng malakas ang pintuan sabay sigaw.
"Hoy! Kakain na tama ng harutan tangina!"sabi niya at umiinit ang ulo na bumalik sa kusina.
"Ayos ka lang Monet?"
"Ah, opo ate! Huwag kang mag-alala ate akong bahala sayo.."saad niya sabay kindat rito.
Noon nama'y lumabas ang dalawa at ang nakakabanas pa ay suot ng kabet na si Norraine ang t-shirt ng among lalaki.
Tiningnan niya ang ate Cass niya, alam niyang nasasaktan ito pero pinili nalang nito ang manahimik. Pero, siya ang hindi talaga matahimik dahil naaawa siya sa among babae.
Para tuloy ako ang asawa rito at ako ang nag-iinit ang ulo!
"Monet, pakikuha ng tubig.."utos nung Norraine sa kanya.
Seriously? Nasa likod lang niya ang dispenser, iuutos niya pa talaga sa akin? Lagoott ka ngayon sa akin.
Mabilis siyang kumuha ng baso at nilagyan ng tubig sa dispenser. Nang ibigay na niya sana ang tubig ay sinadya niya itong ibuhos sa harapan ni Noraine.
"Monet! Anong ginagawa mo?"sighal ng amo niyang lalaki.
"Naku sir, sorry po! Sinasadya ko po talaga yun!"sabi at nginitian ng nang-aasar si Norraine.
"Walang-hiya ka!"galit na saad ni Norraine at mabilis itong tumayo para saktan siya.
"Ikaw kaya ang walang hiya! Kabit ka na nga, ikaw pa ang siga dito?"
"Anong sinabi mo?"
"Sabi ko, makapal na nga ang singit mo, pero mas makapal pala talaga ang mukha mo!"she said and smiled evily at her.
Pilit siyang sinaway ni Cassandra pero, naiinis talaga siya kay Norraine. Ito na nga ang kabit, ito pa ang nag-feeling amo!
Asar siyang sinugod nito ngunit hindi natuloy ang pananakit nito sa kanya nang biglang bumukas ang pintuan at inuluwa ang mommy ni sir Jim..
Paktay kayong mga bata kayo!
BINABASA MO ANG
She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )
General FictionThey're childhood bestfriends, pero nagkahiwalay nang manirahan ang mga Samonte sa Amerika. Raine Zynah is very pretty during their childhood, pero habang nagdadalaga ay biglang nagbago ang anyo niya. She's not that old Raine anymore. She became ver...