Kabanata 15

143 10 0
                                    


PAGKARATING niyang JAYHAN'S ay napaatras siya nang makitang masayang nagbibiruan si Ali at Jacob sa loob. Nakita pa niya kung paano alalayan ni Jacob si Ali sa ginagawa nitong sit-ups

"Betty! Pumasok ka na.."si Jayhan na halatang kagagaling lang kung saan at ngayon at papasok na sa loob ng gym.

Natataranta siyang sumunod rito.

Nagulat pa si Ali nang makita siya nitong  kasama ni Jayhan.

"So guys, tuloy ba ang double date? Nandito na si Betty.."

"Double date?"nagtatakang tanong niya.

"Yes, Betty. Your cousin Alicia, is Jacob's girlfriend. Hindi ba nasabi ni Alicia sayo? Since, tayo ang walang partner kaya tayong dalawa na rin ang magde-date."

Walang emosyon na tiningnan niya si Ali, pero yumuko ito at hindi siya tinapunan ng tingin.

She smirked.

"Nah, hindi na Jayhan. Istorbo lang tayo sa kanila kaya hayaan natin sila sa kanilang date. Tulungan mo nalang ako rito. Hindi ko pa reach ang goal ko na timbang."pekeng ngiti niya at agad na lumayo sa mga virus sa paligid niya.

Nakita niyang sinundan siya ni Ali.

"Zy, I mean Monet. Pwede ba tayong mag-usap.."

"May dapat ba tayong pag-uusapan Alicia?"

"Eh, kasi, sorry cous—"

She cutted her off with a hard slap on her face.

"Sorry—"

She slapped her hard again. Nakita pa niya ang paglapit ni Jacob at Jayhan sa kanila.

"Alam mo ang lahat Alicia, paano mo nagawa sa akin 'to? Hindi kita mapapatawad!"

"S-sorry cous—"

And she slapped her once more.

"Monet!" Jacob exclaimed nang marinig nito ang hikbi ni Alicia.

"Betty.."si Jayhan.

She smiled at him kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha.

Mabilis niyang pinulot ang mga gamit at nagmamadaling lumabas ng gym.

"Betty!"tawag sa kanya ni Jayhan pero hindi niya ito pinansin at mabilis na pumara ng taxi.

Pagkarating niyang condo ay naabutan niya si Jim at ang asawa nitong masayang naglalambingan kasama ang anak na si Jeco.

"Monet! Pwedeng pakisamahan ang ate Cass mong bibili ng mga furnitures?"

"H-ho?"

Bakit ngayon pa?

Nakangiting tumingin sa kanya si Cassandra kaya imbes na ayaw niya ay pumayag nalang siya.

"Sandali po sir, magbibihis lang po ako.."saad niya at mabilis na pumasok ng kanyang kwarto.

Inilapag niya muna ang mga gamit niya sa kama bago naghubad at kinuha ang tuwalya para maligo.

Pagkatapos niyang maligo ay pinagmasdan niya ang sarili sa salamin.

Kunting kembot nalang ay makukuha na niya ang inaasam-asam na timbang.

She worked hard para pumayat at umasang magugustuhan na siya ni Jacob. Pero mukhang huli na siya. Kahit sinabi niyang hindi siya nagpapapayat para sa ibang tao, hindi parin niya maiwasang isipin na ginawa niya iyon para kay Jacob.

She sighed at nagpalit na ng damit. Isinuot niya ang isang fitted blouse at pinarisan ng fitted din na jeans. Kahit nasa sixty eight pa lang ang timbang niya ay makikita na ang kurba ng kanyang katawan.

Pinilit niyang ngumiti sa salamin, pero makikita parin sa mga mata niya kung gaano siya kalungkot.

She heave a sigh bago isinuot ang flat shoes saka lumabas ng kanyang kwarto.

"Whoa! Monet, hindi ko ini-expect na papayat ka ng ganyan. Ang seksi-seksi mo pala, diba hon?" si Cassandra saka ito bumaling sa asawa.

"Right. Sa tingin ko magugustuhan na siya ni Jacob niyan.."biro ni Jim sa kanya.

She tsk-ed.

"Ready ka na ba ate Cass?"tanong niya kay Cassandra at hindi na pinansin si Jim.

Nakita niyang tumango ang among babae at tumayo na ito saka hinalikan si Jeco na abala sa paglalaro.

"Kiss ko hon!"

"Yuck!"nandidiring saad niya kay Jim kaya masama itong tumingin sa kanya.

Nagmamadali na siyang lumabas ng unit baka kung ano na naman ang maisipang ibato nito sa kanya. Mahirao na, baka mabukulan siya ng wala sa oras.

Unti-unti ng gumaling ang mga pimples niya sa mukha simula nung nagpa-derma siya. Kaya iniiwasan niya na talaga ang mabato pa ni Rupert sa mukha.

PAGKARATING nilang SM ay nagpunta kaagad sila sa bentahan ng mga furnitures.

"Ate, anong bibilhin natin?"tanong niya.

"Bibili sana ako ng mini sofa para doon sa kwarto namin. At maliit na table para kahit papano, kung gusto ni Rupert sa bahay mag-trabaho eh, dun nalang siya sa kwarto namin."

"Wow ate ha! May library naman, bakit kailangang sa kwarto niyo pa?"

"Sa gusto ko e. Tssk!"nakasimangot nitong saad sa kanya kanya napatawa siya.

Paliko na sila sa may mag furnitures nang makasalubong nila ang dating kabit ni Jim na si Norraine.

"Long time no see Monet!"nakangising-aso na saad nito sa kanya saka tiningnan ang asawa.

"Oh! Magkasama pala kayo ng haliparot mong amo?"

"Teka lang po. Tinutukoy mo ba ang sarili mo? Hehehe." pang-aasar niya rito kaya nanlaki ang mga matang napatingin ito sa kanya.

"Monet.."saway sa kanya ni Cassandra.

"Ay! Sorry po ate Cass. Naalala ko pala na masama ang pumatol sa mga hayop kasi it's a crime."

She flipped her hair at tinalikuran na si Norraine.

"Anong sabi mong baboy ka?"sabi nito sabay hila ng kanyang buhok.

"Sandali lang. Ang hot mo namang linta ka! Ang sabi ko, bawal pumatol sa mga hayop kasi crime yun. At saka, kung baboy ako, ikaw naman kulungan ng mga baboy, amoy tae ka kasi. Hehehe."nakangising saad niya rito.

"Ah, ganun! Matapang ka palang baboy ka?"

"Bakit? Lalaban ka? Sige umpisahan mo na! Let's get ready to rumble! Sa pula, sa puti? Pili ka ate Cass!"sigaw niya kay Cassandra, peri ngumiwi lang ito.

"At saka, alam mo linta na mukhang Doberman, huwag kang hahara-hara sa dinadaanan namin. Lumabas kang mall, bawal aso dito.."nakangising hirit pa niya.

Bwisit na bwisit si Norraine habang hinihila nito ang buhok niya.

"Araayy! Teka lang, hindi mo naman sinabing sasabunutan mo na ako para makapaghanda man lang sana ako. Hindi ako naghahanap ng gulo ganda ha, kailangan lang kasi namin mamili ng gamit sa bahay nila ate Cassandra kasi kasal na nila next week, magbusy-busyhan na siya.."

"Kasal? Huh! Bwisit kayong dalawa! Walang kasal na mangyayari kasi kami ni Jim ang magpapakasal!"wika nito.

"Wow ha! Determined na determined kang pakakasalan ka nga ni sir Jim? Wahahaha bwisit sakit ng tiyan ko kakatawa sayo my dear!"

Norraine smirked at nakita niyang sinenyasan nito ang mga kasamang men in black.

"Ano 'to shooting ng action movie, bakit may mga men in black?"

"Takbo Monet!"sigaw ni Cassandra kaya mabilis pa sa alas kwatro ang pagtakbo niya.

Pero naabutan sila ng mga ito at mabilis na hinuli. Nagising nalang sila sa isang madilim na silid.

She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon