DAHIL wala naman siyang choice, kaya nakapagdesisyon siyang papasok bilang secretary ulit ni Jacob.Ayaw naman niya kasing mag-apply sa iba, kasi wala namang tumatanggap sa kanya. Baka i-discriminate na naman siya pag nagkataon.
Isa pa, kailangan niyang malaman ang lahat ng lakad ni Jacob. Dahil kailangan niyang malaman kung ano ang motibo nito at pumayag itong magpakasal kay Alicia sa kabila ng katotohanang siya naman talaga ang tunay na Raine Zynah.
At hindi lang yun, kailangan niya ring malaman kung bakit nangyari iyon sa kanyang ama. Ayaw man niyang maghinala, pero, baka may alam si Jacob sa nangyari sa kanyang Dada Samuel.
Bukas pa naman siya papasok, kaya uuwi muna siyang apartment. Sana lang ay hindi na niya maabutan doon si Alicia.
Paminsan-minsan Raine, maging mean ka naman para hindi ka abusuhin.
She sighed bago sumakay sa kanyang sports car pauwing apartment, ngunit napalingon siya nang tawagin siya ni Jim.
"Hoy Monet, ito yung contract mo. Pirmahan mo at ipasa mo sa akin bukas ng umaga.."sabi nito at saka iniabot sa kanya ito.
Kaagad naman niyang tinanggap ang ilang pirasong coupon bond kung saan nakasulat ang contract kuno ni Jim sa kanya.
"Kailangan pa ba ng contract kuya Jim?"
"Siyempre! Para wala kang takas!"sabi nito sabay ngisi at iwan sa kanya. Pero bumalik ito at lumapit sa sports car niya.
"Sayo?"
"Hindi, kay Erap yan!"
"Baliw, bakit lolo mo si Erap?"
"Hindi, si Gloria ang lola ko."
"Ewan ko sayo! Diyan ka na nga!"inis na saad nito dahil sa pamimilosopo niya.
Napatawa siyang sinundan ito nang tingin habang naglalakad papasok ng SGC Building.
Nakangiti siyang sumakay sa sports car niya ngunit napawi ang ngiti niya nang makita si Jacob at Alicia na magkasama habang hila ni Alicia ang maleta.
Napalunok siya ng laway at mabilis na pinaandar ang sasakyan paalis sa lugar na iyon.
Nasasaktan parin siya sa nangyari sa kanilang dalawa ni Jacob. Siyempre, sino bang hindi masaktan kung kakaumpisa niyo palang ay may hadlang kaagad at hindi niya akalain na ang magiging hadlang sa kanila ay ang pinsan niyang si Alicia.
Pagkarating niya sa kanyang apartment ay naglinis siya. Lahat ng sulok ng apartment ay nilinis niya.
Pagkatapos niyang maglinis ay namalengke muna siya at nag-grocery. Nang nasa may necessity section na siya ay may nakabunggo siya.
"Betty!"bulalas nito.
"Oh, Jayhan?"
"The one and only. Long time no see ah. Saan ka ba nagsusuot at ngayon ka lang nagpakita? Ayos ka na ba?"
Tumango siya. "Ayos na ako Jayhan. Saka, umuwi kasi ako sa amin, binisita ko ang tatay ko."
"I see. So, ano sabay na tayo? Anong pinamili mo?"
"Wala naman masyado. Nag-stocks lang ako sa apartment para hindi na ako mahihirapan pag-uwi ko galing trabaho. Ikaw, anong pinamili mo? Wala ka bang kasama?"
"Grocery lang. At ikaw ang kasama ko."
"Huh?"
"Wala, tayo na nga.."sabi nito at naglakad na. Sinabayan naman niya ito sa paglalakad habang tulak ang push cart na hawak.
"Alam mo ba Betty ang kasabihan, na kapag magkasama daw ang magkaibigan na babae at lalaki ay nagkakatuluyan? So, may possibility pala na magkatuluyan tayo?"
"A—ano? Wahahaha. Sino namang nag-imbento ng kasabihang iyan at paniwalang-paniwala ka?"
"Tss! Hindi imbento yan, totoo yan! Makatawa ka e noh?"simangot nito.
She grinned, ngunit nawala ang ngiti niya nang makitang palapit si Jacob at Alicia sa banda nila.
"Engineer Cheng!"si Jacob.
Napalingon naman ang huli sa tumawag sa kanya.
"Uy! Pare!"sabi nito at saglit na binitawan ang tulak na push cart at nakipagkamay kay Jacob.
"Pauwi na kayo?"tanong nito kay Jayhan ngunit ang tingin nito ay nasa kanya.
Agad niyang ibinaba ang kanyang tingin at sinubukang kalamahin ang kanyang sarili dahil kanina pa siya kinakabahan.
"Yeah, pero magbabayad pa kami e. Kayo?"
"Ah, magbabayad na rin yata kami."
"Ano? Hindi pa tayo magbabayad Jacob. Kararating lang natin e. Hayaan mo na nga lang yan sila na umalis. Tss! At ikaw Monet, ilang araw pa lang na naghiwalay kayo ni Jacob, kasama mo na naman si Jayhan? Makati lang girl? Nahawaan ka na ng mga hitad?"
Nakita niyang namumula ang mukha ni Jacob na napalingon kay Alicia.
She smirked.
"Makati? Who—ako? Baka tinutukoy mo ang sarili mo Alicia. Sino bang nagpanggap sa atin? Ah---- oo nga pala, nakalimutan kong dati ka palang aso.."sabi niya at hinila si Jayhan paalis.
"Anong sinabi mo?"sabi nito at hinabol silang dalawa ni Jacob.
"Huwag mo na akong sundan Alicia, baka makalimutan kong aso ka. Alam mo namang krimen ang pagpatay ng mga hayop.."sabi niya at tinaasan niya ito ng kilay.
Akmang sasampalin siya nito pero mabilis niyang nahawakan ang braso nito.
"Don't you dare slap my pretty fatty face, dahil baka mabalian ka ng kamay girl!"sabi niya at ibinagsak ang mga kamay nito pababa.
Mabilis siyang naglakad papuntang counter kahit may gusto pa sana siyang bilhin.
"Whoa! That was intense Betty. Sa totoo lang, namangha ako sa ginawa mo doon sa pinsan mo. Akalain mong, palaban ka pala? Bakit di mo ginawa yun nung umpisa pa lang?"
"Ngayon ko lang na-realize e.."sagot niya at nag-umpisa ng inilagay sa may counter ang pinamili habang nakasunod namang pumila si Jayhan sa kanya.
"Ganun?"then he chuckled.
"Bakit? Eh, sa ngayon ko lang talaga na-realize na kailangan ko palang maging maldita e. Masama?"
"Siyempre hindi! That's a good thing dahil na-realize mo na ang mga ganyang bagay. So, ano, are you still living with your cousin?"
"Me? Of course not! I don't need a pet dog. Besides, that's my apartment and I have all the right to live there."
He hummed.
Iniabot niya sa cashier ang credit card niya para magbayad sa kanyang pinamili.
Sumunod namang nagbayad si Jayhan sa mga pinamili nito.
Pagkatapos nilang magbayad ay sabay na silang lumabas ng grocery store at nagpunta sa parking.
"Balik trabaho ka ba Betty sa company nila Engineer Samonte?"
She nodded.
"Yeah, kailangan e."
"Still Jacob's secretary?"
Tumango siya ulit.
"How will you handle the situation. You see—"
"I can manage Jayhan. Thanks for worrying."
"Alright. Just call me if you need someone to talk, okay?"
"Okay. Thanks Jayhan."
Ngumiti ito sa kanya at sumakay na ito sa kotse nito.
Sa totoo lang, hindi niya alam kung ano ang gagawin niya bukas.
BINABASA MO ANG
She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )
General FictionThey're childhood bestfriends, pero nagkahiwalay nang manirahan ang mga Samonte sa Amerika. Raine Zynah is very pretty during their childhood, pero habang nagdadalaga ay biglang nagbago ang anyo niya. She's not that old Raine anymore. She became ver...