Kabanata 38

115 8 1
                                    

MAAGA pa lang ay umalis na siya sa kanyang apartment para pumasok sa trabaho.

Nasa biyahe palang siya ay kinakabahan na siya na hindi niya mawari ang dahilan.

Sigurado kasi siyang magiging issue sa department nila ang nangyari sa kasal ni Jacob at Alicia, at ang ending ay mukhang siya pa ang dahilan sa naudlot nitong kasalan.

Ipinarada niya ang sasakyan sa parking area ng SGC nang makarating siya. Agad naman siyang lumabas ng sasakyan at dumerecho ng pumasok sa loob ng SGC.

Pasakay na siya ng elevator nang mahagip ng paningin niya si Jayhan na papunta sa kinaroroonan niya. Nakangiti pa ito sa kanya,pero wala siya sa mood ngayon.

Mabilis niyang pinindot ang open button ng elevator nang tawagin siya nito.

"Monet, sandali!"tawag nito sa kanya.

She sighed.

Walang ganang lumingon siya rito. Mukhang nakasanayan na talaga ng mga tao na tawagin siyang Monet.

"Uy, Jayhan!"

"Okay ka lang? Uhmm, you know about yesterday's—"agad nitong tanong sa kanya, pero pinutol niya ang anumang sasabihin nito.

"Ok lang ako Jayhan, don't worry. Ano pala ang ginagawa mo rito?"

"Ah, may dinaanan lang akong blueprint kay James Rupert.."

She nodded.

"I see. So, paano mauna na ako baka male-late na ako. Let's talk some other time nalang."

"Uhmm okay...next time. But, are you really okay? We can talk about it later. Uhmm, just wanna invite you for dinner sana."

She sighed.

"Jayhan, ayos lang talaga ako. I'll call you nalang, at ako na ang mag-treat sayo ng dinner. Not now please."

"Oh, okay I'm sorry. So paano, mauna na ako.."nakangiting saad nito.

She smiled back saka tumango.

"Bye, ingat ka!"sabi niya saka tumalikod at sumakay sa elevator.

Pagkarating niyang opisina ay naging bulong-bulongan nga ang nangyari sa kasal kahapon.

"Good morning Miss Arevalo.."bati ni Gianna sa kanya na nakangiti.

"Good morning.."nakangiting tugon niya.

Pero naaamoy niya na medyo awkward sa loob ng opisina kaya pagkalagay niya ng mga gamit sa desk niya ay agad siyang pumuntang pantry at nagtempla ng kape ni Jacob.

Pagkatapos niyang mag-templa ay dumerecho na siya sa opisina ni Jacob.

Kumatok muna siya bago pumasok.

Naabutan niya itong busy sa mga hinahawakan at binabasang papeles.

"Good morning sir, here's your coffee." bati niya rito.

"Sir ka diyan. Good morning babe! How was your sleep? Sorry hindi na kita tinawagan, ayaw kong maistorbo ang pahinga mo. Alam ko kasing pagod ka sa nangyari kahapon."sabi nito habang ang mga mata ay nasa ginagawa parin.

Ngumiti siya.

"Hindi naman ako napagod d'on. Uhm, by the way Jake, paano si Alicia?"

Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito.

"Mag-file ako today ng annulment, and I'm just hoping na pipirma siya."

Siya naman ang bumuntong-hininga.

"So, kapag hindi siya pipirma ay kabit ang magiging papel ko sa buhay mo, ganun?"

"Babe naman! Siyempre hindi! Bakit ka naman magiging kabit, kung alam naman nating pareho na ikaw ang mahal ko at hindi ang pinsan mo.."

"Kasal ka sa kanya Jake...pangalan niya ang nandoon sa marriage contract niyo.."

"Don't worry babe. Gagawin ko ang lahat para pumirma ang pinsan mo sa annulment, okay?"

She sighed deep.

"Mag-uusap nalang tayo mamaya, baka kung ano na naman ang iisipin ng mga ka-opisina ko.."

"Okay, how about my kiss babe?"

"Tss! Malaki pa ang problema natin saka na ang halik!"simangot niya sabay tayo at naglakad palabas ng opisina nito.

"I love you babe!"pahabol pa nito, then he chuckled.

Kiligin na sana siya, pero hindi parin mawala sa isipan niya ang katotohanang 'kabet' siya!

Kabet na ba akong matatawag? Siyempre kahit ako ang mahal niya, aksidente parin siyang nakasal sa pinsan ko.

Bumuntong-hininga siya habang naglakad pabalik sa kanyang opisina.

Mga mata ng ka-opisina niya pagkapasok niya para bang nag-aalangan ang mga ito na tingnan siya.

Pero wala siyang pakialam!

Kung tingnan siya ng mga ito na parang may ginagawa siyang masama, wala siyang pake! As in wala siyang pake!

Ano bang masamang ginawa niya? Kasalanan ba niya na hindi natuloy ang kasal ni Jacob at Alicia?

Kung tutuusin ay siya naman talaga ang tunay na Raine Zynah!

Tss! Bakit kung sino pa yung inosente siya pa yung nagmukhang may kasalanan?

"May problema ba kayo sa akin?"mahinahon na medyo may kalakasan na tanong niya sa mga ka-opisina.

Hindi na niya kasi matiis ang klase ng tingin ng mga ito sa kanya. Hindi niya alam kung, iiwas o kakausapin siya ng mga ito.

Nakita niyang napatikhim ang isa sa kanyang mga ka-opisina.

"W—wala Miss Arevalo.."sabi ng mga ito.

Bumuntong-hininga siyang ipinagpatuloy ang ginagawa nang marinig ang sinabi ng ka-opisina.

Marami pa siyang kailangang ihandang papeles upang mapirmahan ni Jacob.

Lunch time.

Dala ang mga papeles ay dumerecho na siya sa pagpasok sa opisina ni Jacob.

"Whoa! Andami naman niyan. Wala ba akong meetings bukas?"sabi nito pagkapasok niya.

"Wala naman. Pipirmahan mo lang naman ang mga ito.."

"Buti naman.."sabi nito at saka tumayo at hinubad ang suot na coat.

"Sabay ba tayong mag-lunch?"tanong niya rito.

"Of course! May iba pa ba dapat akong isabay sa lunch?" He winked.

She hissed.

"Baka mamaya biglang dadating yung asawa mo!"

"Hayy naku babe! She's not my wife! Saka, ano naman ang pupuntahan niya rito? Tayo na nga, baka ano na naman ang papasok diyan sa isip mo. Hayy naku, gutom lang yan, kakain na tayo!"sabi nito at lunapit sa kanya sabay hawak sa kanyang braso at hinila siya palabas ng opisina nito.

Pagkalabas nila ng opisina, lahat ng mata ng mga empleyado ay nasa kanilang dalawa ni Jacob.

Mabilis niyang hinablot ang mga kamay na hawak ni Jacob pero hindi ito pinayagan ni Jacob.

"Hayaan mo sila!"bulong ni Jacob sa kanya.

She heaved a sigh.

"Nakakahiya Jake. Pwede naman tayong maglakad na hindi ka nakahawak sa akin e."sabi niya.

Ito naman ang bumuntong-hininga at binitawan ang kamay niya.

"Oookkaaayyy.."saad nito at sumabay na sa kanyang naglalakad.

Pero kahit hindi siya hawak ni Jacob, nasa kanya parin ang mga mata ng mga empleyado.

"Kailangan na talaga ang annulment.." himutok nito.

Pero, isang buwan, dalawang buwan, tatlong buwan, hanggang sa umabot na ng pitong buwan ang paghihintay niya ay wala paring annulment na nangyari.

She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon