AFTER what happened to her and Jacob, ay napagpasyahan niyang umuwi muna sa kanila.She misses her hometown, at nasasabik na rin siya sa kanyang ama.
Wala na ang mommy niya, tanging ang dada Samuel nalang niya ang kasa-kasama niya sa buhay. Nag-uuumpisa palang siya sa kolehiyo nang pumanaw ang kanyang ina sa sakit na breast cancer. Kaya sila nalang ng kanyang ama ngayon ang magkasangga sa lahat ng bagay.
Nakaramdam din siya ng guilt dahil kung hindi pa sa nangyari sa kanila ni Jacob ay hindi pa niya maisipang bisitahin ang ama.
Isa din ang kanyang ama sa may-ari ng Arevalo's. Dahil pagmamay-ari ito ng mga magulang nito na ipinamana sa magkakapatid na Samuel at Arthur Arevalo, na parehong ama nila ni Alicia.
Ang Arevalo's na pagmamay-ari ng kanilang pamilya ay isang Beach, Resort and Spa. Nagmamay-ari din ang Arevalo's ng chain of restaurants ditong Pilipinas. Hindi nga lang niya ipinahalata na may kaya din sila, kasi, hindi naman kailangang ipagyabang kung anong meron ka.
Hapon na nang makarating siya sa kanilang bahay.
Naaabutan niya ang kanyang ama na may kausap na sa tingin niya ay isang abogado sa sala.
Bakit may kausap si Dada na abogado?
Nagulat pa ito nang makita siya na nakatayo sa may pintuan. Pero mas nagulat siya nang humarap ang kausap ng kanyang ama sa kanya.
"Mr. Cheng?"
"Oh, Raine?"gulat din na bulalas nito.
"Magkakilala kayo ng anak ko attorney?"tanong ng kanyang ama.
"Yes! She's my son's friend— what a small world.."
"Small world talaga Mr. Cheng. Ang dami mo naman palang business.."sabi niya.
Napatawa ito sa sinabi niya.
"Dada.."aniya sa ama sabay lapit dito at yakap.
Ginantihan din siya ng yakap nito.
"Buti naman naisipan mong umuwi.."saad nito na halata sa boses ang pagtatampo.
"Sorry Dad, medyo busy ang life ko."
"But wait..."bumitaw siya sa yakap ng ama at bumaling niya kay Mr. Cheng.
"Mr. Cheng, hindi ka lang businessman, attorney ka din?"tanong niya rito.
Ngumiti ito sabay tango.
"Wow, sana all. Pero, anong business niyo ng ama ko?"sabi niya at umupo na rin sa sofa.
"That's—"
"Ah, wala yun anak. May kunting bagay lang kaming pinag-uusapan.."putol ng kanyang ama sa gustong sabihin ni Mr. Cheng.
"R-right. Magkaibigan at magkakilala kami ng ama mo iha. And we're talking about business kaya ayun."
She nodded. "I see.."
"O'siya kumpare, magpapaalam na ako. Mag-uusap nalang tayo sa opisina ko bukas?"patanong na saad ni Mr. Cheng sa kanyang ama.
"Sure attorney. Bisitahin nalang kita bukas sa opisina mo. Salamat sa oras.."nakangiting saad ng ama.
Ilang minuto ang nakalipas mula ng makaalis si Mr. Cheng ay hinarap niya ang kanyang ama.
"Da, anong business ang pinag-uusapan niyo ni Mr. Cheng? May problema ba?"
"Ah, kasi ano..."
"Maglilihim ka pa ba sa akin Da? Diba sabi mo, tayo ang magkakampi dahil wala na si Mommy?"
Narinig niyang napabuntong-hininga ang kanyang ama at malungkot itong tumingin sa kanya.
"Hindi mo naman kasi kailangang madamay pa sa problema ko anak.."
"Pero Dad.... Ang problema mo ay problema ko na rin."
Naging mas malalim ang pagbuntong-hininga ng kanyang ama.
"Yung asawa kasi ng tito Arthur mo at yung pangalawang asawa nito, pinagbibintangan akong nagnakaw ng pera sa company.."
"Ano? Bakit ka naman magnanakaw kung ikaw naman ang may mas mataas na shares sa Arevalo's?"
"Yun na nga e. Malaking halaga ang nawala sa company. Akala ng board ako ang nagnakaw ng perang iyon dahil mas malaki ang shares ko sa Arevalo's."
"Ang babaw naman ng taga board kung ganun. Paanong hindi malaki ang shares mo, eh anak ka ng may-ari ng Arevalo's. Legend kayo ni tito Arthur sa Arevalo's Dad. Paanong—"
"Hayaan mo na. Pagkatapos ng imbestigasyon ay malalaman din ang tunay na nagnakaw."
"Hays.. problema din pala ang maaabutan ko rito. Bihis lang ako.." maktol at paalam niya sa ama.
"Bilisan mo at ng makapag-meryenda ka.."
"Diet po ako. You see, pumayat na ako.."
"Oo nga, napansin kong mukhang pumayat ka ng ilang kilo anak. Nagpa-opera ka ba?"
"Opera? Sa ganda kong ito Dad, hindi ko na kailangang magpa-opera. Diet lang ang kailangan! Hmmp! Diyan ka na nga Samuel, bibihis lang ang prinsesa!"aniya sa ama at umakyat na sa kwarto niya sa taas.
Narinig pa niyang napatawa ang ama.
Pagkatapos niyang magbihis ay bumaba na siya para mag-meryenda. Pero wala naman siyang naabutang kakainin.
"Oh, nasaan na ang meryenda na sinasabi mo Da?"tanong niya sa ama na kumukuha ng tubig sa ref.
"Bumili ka ng bananacue doon kay Aling Tersing sa labas para may memeryendahin ka.."saad ng ama.
Sumimangot siya. "Pambihira!"asar niyang sabi at mabilis na lumabas ng bahay.
Pagkalabas niyang bahay ay dumerecho na siya sa may tindahan ni Aling Tersing kung saan maraming nagtitinda ng mga street foods sa labas.
Talamak ang mga tsismosa sa kalyeng iyon kaya sigurado siyang siya na naman ang gagawing headline sa chismisan ng mga ito.
"Raine!"bulalas ni Aling Tersing nang makita siya. Pero sumimangot lang siya.
"Apat na bananacue nga po Aling Tersing.."
"Pumayat ka ng konte ah, nagpa-lypho ka ano?"
"Wow, Aling Tersing! Lypho agad? Hindi ba pwedeng nag-diet lang ako at sinamahan ng patayang exercise?"
"Weh, bakit ako nag-exercise naman ako at nag-diet din, pero bakit hindi ako pumayat.."sabi nito at iniabot sa kanya ang biniling bananacue.
"Eh, ikaw ho ang kailangan ng operasyon, hindi ho ako. Isama mo na pagpa-opera ang bunganga mong tsismosa Aling Tersing ha.."biro niya at mabilis na binigay rito ang bayad.
Napasigaw pa siya sa gulat nang bigla siyang hampasin ni Aling Tersing sa hawak nitong news paper.
"Ikaw talagang bata ka! Hindi ka na makakabili sa akin!"
"Edi wala kang benta n'on sa akin Aling Tersing. Madalas ka pa namang no change sa akin. Singilin kaya kita diyan.."aniya sabay kindat rito.
Napatikhim nalang ang huli dahil sa kalokohan niya.
Hay! Na-miss ko rin pala ang pakikipaglokohan sa mga tsismosa!
BINABASA MO ANG
She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )
Ficção GeralThey're childhood bestfriends, pero nagkahiwalay nang manirahan ang mga Samonte sa Amerika. Raine Zynah is very pretty during their childhood, pero habang nagdadalaga ay biglang nagbago ang anyo niya. She's not that old Raine anymore. She became ver...