Kabanata 52

89 8 2
                                    

PAGKATAPOS nilang magbati ay umuwi na sila. Tumatawag na rin kasi ang Dada niya na hinahanap na sila ng kambal.

They're very excited to know na okay na sila talaga ng Daddy ng mga ito. Kaya naman panay na daw ang hanap ng mga ito sa kanila.

Si Jassy lang talaga ang super excited kasi humihingi na kaagad ito ng baby sister.

Pero sa nararamdaman niya ngayon, hindi niya alam kung mapagbigyan pa niya ang kahilingan ng anak.

Okay lang kung si Jarren, kasi mukhang wala namang pakialam sa mundo ang batang 'yun at lagi lang nakataas ang kilay.

Pabalik na sila ng Manila nang may tumawag kay Jacob.

"Yes! Okay.. ah sige. Tatawag nalang ako kapag malapit na ako. Bye!"saad nito sa kausap.

Automatic na tumaas ang kanyang kilay. Mukhang babae kasi ang kausap nito. Gayunpaman, hindi na siya nagsalita pa. Nonsense naman kung tatanungin pa niya ito kung sino ang kausap. She's not interested anymore, which is hindi niya alam kung bakit.

IPINALIBOT niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng SGC. She still remember the time when she's here working as a secretary of Jim and Jacob.

Dito siya dinala ni Jacob pagkarating nilang Manila. May kakausapin daw itong importanteng tao. Pero hindi niya alam kung bakit pa siya isinama nito.

Nakikita pa niya ang dating mga empleyado na naging katrabaho niya dati. At parang hindi siya nakita ng mga ito at hindi nakikilala. Siguro dahil malaki na ang changes niya, physically.

She's roaming around SGC nang makita niya si Jacob na may kausap na maganda at seksing babae. Nakita pa niyang nagtatawanan ang mga ito, na para bang may nakakatawa silang pinag-uusapan.

Biglang kumulo ang dugo niya na hindi niya maintindihan. But she remained calm. Ayaw niyang mag-eskandalo, baka mamaya eh maling akala lang pala siya.

Ngunit, talagang naiinis siya nang makita si Jacob at yung babae na nagtatawanan. Lalo na't may narinig siyang bulong-bulongan ng mga empleyado.

Bakit naman ako kailangang mag-eskandalo? Diba dapat wala na akong pakialam? Bwisit! Masakit bigla sa mata ang nakikita ko!

She sighed.

"Ang gwapo talaga ng boss ko." anang ng isang boses sa may tabi niya.

Nang lumingon siya, akala niya nag-iisa lang siya sa pwesto niya, kundi marami pala sila habang nakamasid kay Jacob at doon sa babaeng kausap nito.

"Oo nga, buti ka pa palagi mong nakakasama si Boss!"saad nung isa.

Biglang nagpanting ang tainga niya sa narinig pero kinalma niya parin ang kanyang sarili.

"Malamang, secretary ako e. Kaya, walang-sawa kong napagmamasdan ang kagwapuhan at kakisigan niya."natatawang saad nung isa.

Pakiramdam niya sasabog na ang puso niya sa inis, ngunit biglang lumapit si Jacob sa kinaroroonan nila.

Halos mamamatay na sa kilig ang mga katabi niya nang nakangiti pa itong lumalapit sa kanila kasama noong babaeng kausap  kanina.

"Hi wife!"anang ni Jacob sabay yakap at halik sa kanya sa pisngi.

Nilingon niya ang kababaihan na katabi at nagulat ang mga ito nang marinig na tinatawag siyang asawa ni Jacob.

She raised her brows!

"Fire your secretary!"may kalakasang saad niya.

"Huh?"nagtatakang tanong nito sa kanya.

She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon