"Good morning Bulging!"bati niya kay Jacob nang makasabayan niya ito sa elevator kinabukasan.She heard him hissed kaya natutuwa siya— natutuwa siyang asarin ito.
"Sir Jake, masarap ba humalik si Jecca?"tanong niya pa rito nang hindi man siya nito nakuhang pansinin. Buti nalang at walang ibang tao sa loob ng elevator. May pagkakataon siyang asarin ito, bayad sa pakikipagharutan nito sa iba.
Tiningnan siya nito ng masama pero ngumiti lang siya ng nakakaloko.
"Kung ako yung hahalik sayo sir, siguraduhin kong magko-convulsion ka.."
Biglang napaubo si Jacob sa sinabi niya.
"Hoy, Monet magtrabaho ka muna! Baka sumablay ka na naman. Naalala ko pa ang sinigang na niluto mo!"
"Eh, nagtrabaho naman talaga ako sir Jake. Kayo nga ni Jecca, eh oras ng trabaho ay nagtutukaan kayo. Sa susunod sir, huwag mo namang ipakita sa akin na nakikipaghalikan ka sa kanya."saad niya sabay simangot.
Napatikhim ito.
"At bakit hindi? Kailangan ko pa ba ang permiso mo sa lahat ng gagawin ko?"
"Siyempre sir Jake, kasi I like you po. You're my first love.."aniya subalit kalauna'y nanlaki din ang mga mata nang ma-realize ang sinabi.
What you've just said Raine Zynah?
Napatawa ito.
"W-what? You like me?"
"B-bakit sir, bawal bang magustuhan ka?"kahit gusto niya ng maglupasay sa kahihiyan ay nakuha parin niyang magsalita.
Raine Zynah, yung bunganga mo talaga kahit kailan eh walang preno!
"Nakita mo ba ang katawan mo sa salamin? Well, hindi naman sa dini-discriminate kita ha. But please, lumugar ka. There's no problem if you like me, just don't flirt with me. Mas gusto ko ang mahinhing babae.."saad nito at kasabay din ng pagbukas ng elevator, kaya mabilis itong naglakad palabas at naiwan siyang natulala.
Hindi siya nakapagsalita. She gulped hard at pilit na nilalabanan ang kung anong bumara sa kanyang dibdib.
She sighed deep bago sumunod na lumabas ng elevator.
Nagmamadali siyang pumasok sa opisina dahil kailangan pa niyang maglinis sa opisina ni Jim.
Nang makarating ng opisina ay mabilis niyang hinubad ang suot na blazer at nagsimula ng maglinis.
Pagkatapos niyang maglinis ay inayos naman niya ang mga schedules at appointments ni Jim ngayong araw.
She's sitting on her swivel chair nang may mahulog na isang puting card. Nang tingnan niya ito, ito yung binigay sa kanya ng taxi driver, ang JAYHAN'S FITNESS.
Zynah, panahon na siguro para magbawas ka ng timbang.
She decided.. magbabawas na siya ng timbang. Ang tanong, kailan? Eh, hindi yata niya kayang hindi kumain e. Hayy.
Pagkarating ni Jim ay agad siyang pumuntang pantry at pinagtempla ito ng kape.
Pagkatapos niyang magtempla ng kape ay dinala niya ito sa opisina ni Jim.
"Anong oras ang appointment ko kay Mr. Cheng, Monet.."
"Lunch time sir. By 1pm may meeting ka sa CEO ng SanSan Ventures. By 3pm sa Director ng Royalty Hotel. At dinner meeting sa General Manager ng JYX Hotel."
"Oh! Sobrang puno ng schedule ko. Pwedeng ikaw nalang ang sumama kay Jacob sa site?"
"Site po?"
"Yeah.."sagit nito sabay hilot ng kanyang sentido.
Ngayon niya lang nalaman na marami palang negosyo ang mga among Samonte. Hindi lang Hotels, kundi pati mga furnitures, at nagsu-supply din sila ng mga construction materials sa iba't-ibang panig ng bansa. At nalaman niyang isang Architect and at the same time Civil Engineer si Jacob.
"Pero sir, may secretary naman po siya diba?"
Kahit gustong-gusto niyang samahan si Jacob, pero hindi siya masyadong magpapahalata. Mahirap na, baka insultuhin na naman siya ni Jacob.
Mabilis nitong dinampot ang telepono sa mesa nito at di nagtagal ay kausap na nito sa kabilang linya si Jacob.
"Monet will accompany you— No, dalhin mo nalang ang blueprint tapos ipakita mo sa engineer na magtatrabaho nun. Okay— Yes, tawagan mo nalang ako kapag nandun na kayo, marami pa akong appointments kaya hindi ako makakasama.."wika nito at ibinaba na ang telepono.
"Monet, magdala ka ng extrang damit pagpunta niyo roon, baka two days bago kayo makauwi.."
"Ano? Kami lang ni sir Jake? Wala ba kaming ibang mga kasama?"
"Oo kayo lang dalawa. Bakit? Ayaw mo?"
"Ah, ehh siyempre gusto.."
"So, ano pang inaarte mo? I'm giving you a chance na makasama ang kapatid ko. Aalis kayo mamayang ala una."
"Pero bakit parang ang tagal naman ng two days sir, ano bang gagawin namin doon?"
"May pag-uusapan pa sila ng engineer doon, at may kailangan pa siyang i-monitor sa site.."
"Kailangan ko pa bang sumama?"
"Ehh kung ayaw mo,.di huwag.."saad nito at dinampot ulit ang telepono. Pero mabilis niya itong pinigilan.
"Sandali..sandali lang naman sir. Wala naman akong sinabi na ayaw ko e.."
He smirked kaya asar niya itong inirapan at lumabas na ng opisina.
Alas dose y media pa lang ay pinauwi na siya ni Jim para maghanda ng mga dadalhin niya.
Parang magbakasyon lang ang peg Zynah..
Pero hindi naman kasi pamamasyal ang puntahan nila doon, kundi trabaho.
Sana lang magiging maayos ang lakad na 'to. Bakit ka kasi nagtapat ng feelings mo sa kanya Zynah ha! Gaga ka talaga!
Ala una nang dinaanan siya ni Jacob sa condo unit ni Jim.
She's wearing denim short na malaki at malaki ring white shirt na pinaresan niya ng flat shoes. May dala siyang maliit din na bag na nilagyan niya ng kunting mga damit.
Pagkalabas niyang unit, ay nakita niya si Jacob na matiyagang naghihintay sa kanya habang nakaupo ito sa hood ng sasakyan.
Nang makita siya nito ay agad itong naglakad palapit sa kanya sabay kuha ng kanyang maliit na bag.
Her heart thumpers lalo na nang makita niyang pinagbuksan siya ni Jacob ng pintuan sa may passenger seat.
Napaka-gentle dog este gentleman naman ng lalab ko.
Kinikilig siya sa simpleng gesture lang ni Jacob pero hindi siya nagpahalata, kahit halos tumambling na siya sa sobrang kilig niya.
Ayaw ni Jacob na nilalandi niya ito kaya dapat kalma lang siya. Lumugar siya dapat ayun kay Jacob.
"Hop in!"saad nito.
She nodded. "Thank you.."aniya pagkapasok niya sa loob ng sasakyan.
Hindi nagsalita si Jacob at mabilis nitong pinaandar ang sasakyan paalis.
BINABASA MO ANG
She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )
General FictionThey're childhood bestfriends, pero nagkahiwalay nang manirahan ang mga Samonte sa Amerika. Raine Zynah is very pretty during their childhood, pero habang nagdadalaga ay biglang nagbago ang anyo niya. She's not that old Raine anymore. She became ver...