IT'S been a minute mula nang lumabas si Jayhan at Monet para sa lunch date ng mga ito.
Pero hindi niya maintindihan ang sarili niya kung bakit siya naiinis sa katotohanang may lunch date nga si Monet at Jayhan.
Someone knocked.
"Pasok.."tamad na saad niya.
"Kuya Jake!"
"Jacob!"
Hyper na wika ng dalawa niyang kapatid.
"Anong ginagawa niyo rito na dalawa?"
"Siyempre, lunch time na kaya kakain tayo sa labas."si Jim.
"Ayos lang kayong dalawa? Kumain kayo kung gusto niyo, huwag niyo akong iniistorbo. Marami pa akong gagawing trabaho."
"Wala kaming cash.."sabay na saad ng dalawa.
He scowled.
"Ano bang ginagawa mo dito Axl?"tanong niya sa bunso nila.
"Mang-iistorbo, why?"sabi nito at naka-de-kwatro na umupo sa mini sofa na naroon.
"Wala ka bang trabaho?"
"Meron pero hindi naman gaanong importante kaya I'm here."
"Tumayo ka na Jake. Nagugutom na ako."
He hissed.
"Punyeta kayong mga ulupong kayo." asar na saad niya bago tumayo.
Dahil sa kakulitan ng mga kapatid niya ay wala na siyang nagawa kundi ang kumain kasama ng mga ito.
Hindi rin naman kalayuan ang restaurant dahil nasa harapan lang ito ng building nila.
Pagkarating nilang restaurant ay agad na nag-order si Axl ng pagkain nila habang sila ni Jim naman ay naghahanap ng pwede nilang maupuan.
"Look who's here.."nakangiting wika ni Jim habang may tinitingnan ito bandang likuran niya.
And there he saw Monet and Jayhan na masayang naglalambingan.
"Kaya pala wala ng gusto sayo si Monet, kasi may iba na.."out of the blue na sabi ni Jim.
Asar niya itong binatukan kaya galit itong napatingin sa kanya.
"Inaano ba kita Jacob?"
Nginisihan niya ito na may halong pang-aasar.
"Baka ayaw mong kumain kuya?"
"Bakit, ano bang mali sa sinabi ko? Totoo naman na may gusto si Monet sayo diba?"
"Ano? May gusto si Monet sayo kuya Jake? The temporary cook?"gulat na wika ni Axl na ngayon ay palapit sa kanila dala ang kanilang pagkain.
"Yes Axl.." Jim nodded.
"I found Raine, and I courted her.."sabi niya at nagsimula ng kumain.
"Talaga? So, how's ate Raine?"
"Still beautiful.."walang ganang tugon niya.
"Oh, bakit mukhang hindi ka masaya?"puna ni Jim sa kanya.
"Tignan niyo ha, kung gusto niya talaga ako hindi siya dapat nakikipag-lunch date sa lalaking yan! Dapat faithful siya sa—" hindi niya natapos ang kanyang sasabihin nang biglang magtawanan ang dalawa niyang kapatid.
"Wahahaha Kuya Jake, huling-huli ka e. Huling-huli ka na nagseselos! So, sino talagang gusto mo, si ate Raine o si ate Monet?" natatawa paring saad ni Axl.
He heard Jim's chuckles kaya asar siyang tumayo at hindi na tinapos ang pagkain.
"Bahala kayong magbayad na dalawa!"inis niyang sabi at mabilis na naglakad palabas ng restaurant.
"Hoy Jacob! Wala kaming cash, tangina!"
Pero hindi na niya nilingon ang dalawang kapatid.
His phone rang at nang tiningnan niya ang caller, nakita niyang si Raine ito.
Raine explained everything to him kung bakit naging si Alicia siya ngayon. Ito daw kasi ang madalas itawag sa kanya ng kanyang lola kasi kamukha daw nito ang kambal na kapatid ng kanyang lola na nagngangalang Alicia. Kaya ayun daw, nakasanayan na siyang tawaging Alicia.
"Raine—ngayon na? Okay.."aniya at nagmadaling bumalik sa opisina at kinuha ang susi ng kanyang sasakyan.
Raine invited him for lunch.
Sinundo niya ito sa pinagtrabahuan nito at ganun nalang ang tuwa nito nang makita siya.
Patakbo itong lumapit sa kanya kaya sinalubong niya ito ng yakap.
"Let's go?"sabi niya.
Nakangiti itong tumango sa kanya sabay kapit sa mga bisig niya.
Dinala niya ito sa isang mamahaling restaurant pero umayaw ito at gusto nitong sa food chain nalang sila kakain.
"Pero diba al—"
"Bilis na Jake, huwag ka ng magdaldal diyan. Gutom na ako.."nakangiting saad nito sabay hila sa kanya papasok sa isang food chain restaurant.
Kaya wala na siyang nagawa pa at nagpahila nalang dito.
Nakita niyang nag-order ito ng isang bucket ng fried chicken na ipinagtataka niya.
She's allergic with these food, bakit ang dami ng inorder niyang chicken?
Pagkaupo nito ay kumain kaagad ito ng manok.
"Raine—"
"Eat, hindi ka ba nagugutom? Kain na kasi ilang minutes nalang at babalik na ulit ako sa trabaho."nakangiting saad nito sabay subo.
Nag-alangan siyang ngumiti at sumubo na rin habang nag-alalang nakatingin kay Raine. Baka atakihin na naman ito ng allergies.
"You know what Jake, this is my favorite since childhood. Kahit isang bucket ng fried chicken kayang-kaya kong ubusin.."masayang saad nito.
Napaangat siya ng tingin dito.
Menudo ang favorite naming pagkain ah.
"Really?"
"Yes Jake. Kaya mas gusto ko sa food chain restaurant kesa mga cozy restaurant.."
"Pero diba allergy ka sa manok?"tanong niya rito.
Bigla nitong nabitawan ang hawak na kutsara at nasamid sa kinain nitong manok.
Mabilis naman niya itong binigyan ng tubig.
"Ah, a-ano. Gumaling na ang allergies ko."
He nodded. But he is not convinced. Naalala niya si Monet. She has the exact symptoms of Raine pero mabilis din niyang ipinilig ang ulo.
Pagkatapos nilang kumain ay ihinatid na niya ito pabalik sa trabaho nito.
"Bye Jake.."
"Bye. Ahm, siya nga pala Raine, pwede mo ba akong lutuan ng lunch bukas, yung paborito nating kaining ulam noon.."
"H-huh? Ah-eh nakalimutan ko na kasi kung ano yun Jake. You know, matagal ng panahon yun. Saka, nag-iiba na rin ang tastes natin, diba?"
"Right. Uhmm kahit ano nalang ang lutuin mo, tas sabay ulit tayong kumain bukas. See you.."aniya at nagpaalam na.
Pagkabalik niyang opisina ay naabutan niya si Monet na nag-aayos ng mga gamit niya sa mesa.
"Monet.."tawag niya rito. Nag-angat naman ito ng tingin sa kanya pero hindi nagsalita.
"Pwedeng lutuan mo ako ng lunch bukas?"
"Ano? Bakit po? Secretary ang trabaho ko sir, hindi po cook."
"That's my request. Kahit late ka ng dumating bukas, basta lutuan mo ako ng lunch."aniya at umupo na sa desk niya.
"Ano bang gusto mong lutuin ko?"
"Kahit ano sa tingin mo na magugustuhan ko.."sabi niya at umupo na sa swivel chair niya.
Narinig pa niyang napabuntong-hininga si Monet ngunit hindi na nakipagtalo pa sa kanya.
BINABASA MO ANG
She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )
General FictionThey're childhood bestfriends, pero nagkahiwalay nang manirahan ang mga Samonte sa Amerika. Raine Zynah is very pretty during their childhood, pero habang nagdadalaga ay biglang nagbago ang anyo niya. She's not that old Raine anymore. She became ver...