KINAKABAHAN siyang pumasok sa Arevalo's, dahil huling pasok niya rito ay noong naghahanap pa lang siya ng trabaho at hindi pa sila nagkikita ni Jacob.Jacob na naman Raine.
She sighed at mabilis na pumasok sa meeting hall kung saan i-aannounce ang successor ng Arevalo's.
Sana lang wala si Jacob dahil sa pagkakaalam niya ay isa din ang mga SGC sa mga stockholder ng Arevalo's. Well, siguro naman ay si Jim ang makikita niya dahil ayaw niya pa talaga na makasalamuha ulit ang pagmumukha ni Jacob. Hindi pa siya handa.
Pero, diba nagkita na kayo sa airport?
She let out a deep sigh. Bakit ngayong nasa Pilipinas na siya eh palaging si Jacob nalang ang iniisip niya?
Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng meeting hall at sumalubong sa kanyang ang paningin ng mga taong naroroon na tiyak niyang mga investors at stockholders ng Arevalo's. And to her surprise, nandoon ang taong ayaw niyang makita— si Jacob.
Mas domoble ang kaba niya nang mapatingin si Jacob sa kanya katabi ng kapatid nitong si Jim na noo'y napatingin din sa kanya.
Naglakad siyang lumapit sa isang bakanteng upuan katabi ng Dada niya.
"So, ladies and gentlemen." pagsisimula ng kanyang Dada nang makaupo na siya.
"I have sincerely appreciated the association I have had with each of you over the past several years. After much thought and careful consideration, I have decided to retire.
As you know, ang nag-iisang anak ko lang ang pwedeng humalili sa akin, and I have great confidence in my daughter. At her young age, nagmamay-ari na siya ng hotels and restaurant sa US. So, tiwala akong kayang hawakan ng anak ko ang Arevalo's. I urge you to continue working with my daughter.
Effective today, mag-retiro na ako. Yes, today. Please meet my daughter Raine Zynah Arevalo— my successor." dagdag ng Dada niya.
Kinakabahan siyang tumayo at nag-bow sa harapan ng mga investors, at stockholders.
Napansin niyang napatanga si Jim at Jacob sa kanya. Parang tinambol ang puso niya sa kaba nang tumitig si Jacob sa kanya.
Mabilis niyang ibinaling ang paningin sa ibang naroroon upang maibsan ang kabang nararamdaman. Hindi niya alam kung bakit simula nung dumating siyang Pilipinas ay puro kaba nalang ang nararamdaman niya. Siguro, epekto lang ito ng pagkakape niya.
"Wait lang, kinakabahan ako.."biro niya kaya napatawa ang mga naroon na hindi niya pa kilala kung sino.
"Well, as you all know ladies and gentlemen I am......"
"Mommy! Lolo!"
Napalingong siya nang mula sa pintuan iniluwa ang mga kambal niya kasama ni Jayhan.
Jayhan shrugged his shoulders nang mabilis na lumapit ang mga anak niya sa kanya.
She sighed.
"Mommy's working, why are you here?" bulong niya kay Jassy. Kasi si Jarren naman ay tahimik lang at palaging nakataas ang kilay na hindi niya alam kung kanino nagmana.
"Hello everyone! I just wanna see my mom kaya we're here.." si Jassy sa mga investors. Tuwang-tuwa naman ang mga investors sa mga anak niya.
Napatampal siya ng kanyang noo nang pati ang kanyang Dada ay napatawa sa inakto ni Jass.
"Alam na namin kung sino ang next successor!" biro ng isa sa mga investors.
"Wait mom. I saw some--- Wait, are you my real Dad?" turo ni Jass kay Jacob.
BINABASA MO ANG
She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )
General FictionThey're childhood bestfriends, pero nagkahiwalay nang manirahan ang mga Samonte sa Amerika. Raine Zynah is very pretty during their childhood, pero habang nagdadalaga ay biglang nagbago ang anyo niya. She's not that old Raine anymore. She became ver...