Kabanata 54

181 9 3
                                    


Wedding Day

"Wahahaha! Wahahaha!" tawa ng dalawang kapatid niya sa kanya nang makita ang hitsura niya.

Asar niyang binato ng cushion pillow si Jim at Axl nang halos puputok na ang mga mukha nito katatawa!

"Hindi ko talaga inisip kuya Jake na ganito ang magiging kasal mo with ate Raine!" tawang-tawa na saad ni Axl.

"Hahaha, kung gaano kaganda yung preparation mo nung first wedding mo with Alicia, ay kabaliktaran naman ngayon. Hindi ka na gwapo kundi isa ka ng girlalo Vaughn Jacob!" tawang wika din ni Jim habang inaasar siya.

"Bye! Mauna na muna ako at ihahanda ko pa ang camera ko para sa wedding ng maganda kong kapatid! Hahaha!" dagdag pa ni Jim.

Asar niya itong tiningnan kaya naman ay nagmamadali itong lumabas sa kwarto niya.

"Huwaa! Bakit ako ang magsusuot nito? Anong akala sa akin ng mapapangasawa ko?"aniya kay Axl nang makalabas na si Jim.

"Tanong mo sa pagong kuya. Baka gumanti lang si ate Raine sayo! Hahaha! Naka-wedding gown ang pupo! Hahahaha!"

"Isa pa at matatamaan ka na talaga sa akin Axl! Mga walang-hiya kayo! Pinaglalaruan niyo ako!" padabog niyang saad at isinuot ang leather shoes niya.

"Hahaha, bakit kami pa ang may kasalanan? Remember, si ate Raine ang may pakana nito. Pero, sandali lang kuya,  bakit leather shoes ang isinuot mo? Diba dapat naka-stiletto heels ka? Para match sa wedding gown mo, hahahaha!"

Asar niyang hinubad ang kanyang leather shoes at mabilis na ibinato kay Axl. Sapol ito sa mukha!

"Damn! Why did you hit me?"asar na tanong ni Axl

"Tanong mo sa pagong Axl!" he hissed.

"Tss! Hahahaha! Hindi ko talaga na-imagine kuya. Sapakin mo nga ako, baka panaginip lang 'to e."

Nakangising-aso siyang lumapit kay Axl at akmang sasapakin na niya ito nang umatras ito.

"Sandali! Masakit kang manapak e. Oo na, hindi na 'to pananginip."

Sinamaan niya ito nang tingin, ngunit tumawa lang ito.

Nakabihis na ito at ang kanyang mga grooms men pati na rin ang kanyan kuya Jim. Nakabihis na rin ang kanyang mga parents at ang kanyang pamangkin na si Jeco pati ang hipag niyang si Cassandra. Tanging siya nalang ang hindi pa nagbibihis.

Paano ba naman kasi, siya ang pasusuotin ng wedding gown. Like wtf?

Okay lang sana kung mag-heels siya, kakayanin yata niya. Pero wedding gown with make up and heels? The F! Hindi yata niya kakayanin.

Pero alangan namang aatras siya. Ito ang araw na pinaghandaan niya talaga ng todo-- ang maikasal sa babaeng mahal niya.

"Hihintayin nalang kita sa labas kuya. At bilisan mo, nandoon na daw ang bride sa simbahan at hinihintay na ang kanyang groom na maganda. Wahaha!"

Akmang babatuhin na naman niya ito ng stiletto subalit mabilis itong nakalabas ng kanyang kwarto.

Haish! Pambihirang buhay naman 'to oh!

Asar niyang sinapak ang kanyang sarili at sinumulan ng isuot ang stiletto. Kanina pa siya inayusan ng make up artist na kinuha nila. At nagmukha na siyang baklang nilumot! Bwisit!

At hindi lang 'yun, imbes na siya dapat ang maghihintay ng kanyang bride, ay siya ngayon ang hinihintay ng kanyang bride at siya ang maglalakad sa aisle.

May kumatok sa pintuan niya kaya paika-ika niya itong binuksan. Ikaw ba naman ang first time magsuot ng high heels. As he opened his door, nanlaki ang mga mata niya ang mommy niya.

She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon