"JACOB!"
Napalingon siya sa tumawag sa kanya. It was Alicia.
Hindi niya alam kung bakit umabot sa ganito ang relasyon nila ni Raine. To think na ang tunay na Raine ay ang talagang mahal niya, pero ang ending—sa nagpapanggap na Raine siya magpapakasal.
Papasok na siya sa trabaho ngunit nawala ang mood niya dahil nakabuntot na naman si Alicia sa kanya.
"Will you please stop pestering me Alicia?"
"No! I won't stop pestering you, not unless kakausapin mo ako.."
He sighed in defeat.
"Ano pa bang gusto mong pag-usapan natin?"
"About our wedding!"
"Alam mong walang mangyayaring kasalan Alicia.."mahinahong saad niya at tinalikuran ang dalaga.
"Stop there Jacob!"
Asar siyang lumingon rito.
"What? May sasabihin ka pa ba?"
"K-kapag hindi ka magpapakasal sa akin, sisirain ko ang buhay ni Raine!"
He smirked.
"Lumang tugtogin na yan Alicia. Pwedeng panibago naman?"
"Magpapakamatay ako!"
"Edi magpakamatay ka! Puntahan pa kita sa lamay mo. Rest in Peace!"aniya at sumakay na sa kotse niya.
"Jacob!"
Actually, he left no choice kundi tanggapin ang engagement nila ni Alicia. Bakit? Iyon ay hindi niya muna sasabihin. Basta ang alam niya, ginawa niya ito para kay Raine.
Pinaandar na niya ang sasakyan ngunit humarang si Alicia. Balak niya sana itong bungguin nalang para tapos ang problema niya, ngunit ayaw naman niyang madumihan ang kamay niya sa mga taong walang kwenta.
Napabuntong-hininga siyang ihininto ang sasakyan.
"Sasama ako sayo.."nakangusong saad ni Alicia at dumerecho na sa pagsakay sa passenger seat.
He's almost late kaya hindi na siya nakipagtalo pa. Kailangan pa niyang kausapin ang kapatid tungkol kay Raine. He fired her, kaya dapat lang na kay Jim ulit ito magtrabaho.
Ayaw lang niyang makita ni Alicia o ng pamilya nito na kinakausap pa niya si Raine, dahil magiging walang kwenta lang ang pagtulong niya rito.
Pagdating niyang opisina ay agad din siyang nagpunta sa opisina ni Jim habang nakabuntot si Alicia sa kanya.
Medyo napupuno na siya at kunti nalang ay sasabog na siya.
Pasakay na siya ng elevator nang makita niya si Raine kasama ni Jayhan at ng kanyang kuya Jim na masayang nag-uusap.
Napatingin si Raine sa may banda niya kaya napalunok siya. He misses her so badly, ngunit hanggang tingin nalang muna siya.
"Jacob, wait for me.."maarteng wika ni Alicia.
Alam niyang nakita iyon ni Raine dahil agad itong nag-iwas ng tingin at kunwari ay masayang nakipag-usap kay Jayhan at sa kanyang kapatid. Pero alam niyang pilit ang mga ngiting iyon.
"Tch! Kaya ka pala huminto kasi nakita mo na naman ang matabang yan!"
"She's your cousin Alicia, for Pete's sake!"
Ngayon niya lang nalaman ang totoong ugali ni Alicia. Akala niya nung una mabait ito, dahil naging maganda naman ang pakikitungo nito kay Raine dati. Yes, dati. Kasi ngayon, parang bigla itong tinubuan ng sungay.
BINABASA MO ANG
She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )
General FictionThey're childhood bestfriends, pero nagkahiwalay nang manirahan ang mga Samonte sa Amerika. Raine Zynah is very pretty during their childhood, pero habang nagdadalaga ay biglang nagbago ang anyo niya. She's not that old Raine anymore. She became ver...