Kabanata 2

273 10 0
                                    


Siya si Raine Zynah Arevalo. In her twenty-ninth year of existence, hindi pa talaga niya naranasan ang magkaroon ng boyfriend. Bakit? Dahil wala pang poncio pilato na nagkakaroon ng interes sa kanya.

Sino ba naman kasing magkagusto sa katulad niyang balyena at maraming pimples sa mukha?

She worked as an agent sa isang kilalang agency ng bansa. Kita niyo? Sa laki niya agent pa ang naging trabaho niya? Pero noon yun, ngayon dakilang tambay na siya.

Naghahanap naman siya ng trabaho, pero sadyang wala lang talagang tumatanggap sa kanya kasi daw ang laki niya. Grabeng discrimination ang natatanggap niya tuwing mag-aapply siya ng trabaho.

She's living with her cousin slash bestfriend Alicia. Umalis kasi ito sa poder ng mga magulang nito dahil nag-asawang muli ang mama nito. Ayaw nitong mag-asawang muli ang mama niya kaya ang ginawa nito ay nagrebelde at sumama sa kanya na mangupahan sa isang dormitory na pagmamay-ari ng daddy niya.

Hindi naman sa kinonsente niya ito, pero ayaw din niyang bumalik pa ito sa poder ng mama nito dahil mukhang manyakis yung second husband nito. Maganda si Ali, maputi, at halos kamukha niya pa si Mon Chae Woon.

Samantalang siya? Napapagkamalan na nga siyang si Betty La Fea, mangarap pa ba siyang may kamukha siyang maganda? Siyempre hindi na!

"Oh, bakit nakabusangot ka diyan?"bungad sa kanya ng pinsan niyang kagagaling lang sa banyo.

"Tss!"

"Hay naku, dapat masaya ka kasi nagkita na kayo ng crush slash bestfriend mo.."saad pa ng pinsan niya habang pinapatuyo ang buhok gamit ang hawak na tuwalya.

"Taena! Paano ako sasaya aber? He didn't recognize me kaya!"she tsk-ed at asar na sumalampak ng upo sa sofa na nandoon.

"Hoy! Bruha dahan-dahan ka naman baka masira na ang sofa natin diyan, umaalog-alog na yung paa e." nakangising saad ng pinsan niya.

Sumimangot siya at mas lalo pang naglikot sa pag-upo nang biglang natumba ang sofa kasama siya.

Fvck!

Mabilis siyang bumangon at sinipa ang sofa.

"See! Sabi ko na sayo e. Tsk!" saad ng maganda niyang pinsan at tinulungan siyang tumayo dahil nahihirapan siyang tumayo. Dagdag pa ang laki ng tiyan niya kaya nahihirapan talaga siya.

"Ano na ang gagawin ko Ali?"

"Ewan ko sayo. Magkikita na kayo kanina e, umaarte ka tapos ngayon, mag-eemote ka? Bigti na dzai!"

"Hindi nga niya ako nakilala e, at hindi niya ako matatandaan.."

"Paano ka matatandaan kung hindi ka nagpapakita? Paano ka makikilala kung hindi ka naman nagpakilala." inis na wika ng pinsan niya dahil sa kaartehan niya.

Her cousin was right. Hindi talaga siya makilala ni Jacob kasi hindi naman siya nagpakita at nagpakilala rito.

Kinabukasan, maagang pumasok ang pinsan niya sa trabaho kaya mag-isa nalang siya sa dorm. Aalis din naman siya maya-maya kasi maghahanap ulit siya ng trabaho.

Tiningnan niya muna ang email niya, at hindi nga siya nagkakamali, nag-chat na naman sa kanya si Jacob.

She heaved a sigh at isinara ang laptop bago pumasok sa banyo at naligo. She did bother to reply Jacob's email.

Alas nuebe na nang umalis siyang dorm para maghanap ng trabaho.

Pero lahat yata ng kamalasan ng araw na yun ay nasalo niya dahil lahat ng mga hiring ay WITH PLEASANT PERSONALITY ang hanap. Personality lang ang meron siya pero hindi pleasant. Kaya hindi na niya sinubukang mag-apply pa kasi alam naman niyang hindi siya tatanggapin.

Pero kahit grabe ang discrimination na natatanggap niya, hindi naging dahilan yun para sumuko siya. Lahat yun ay idinaan nalang niya sa ngiti. Bakit ba? Pakialam niya sa kanila. Tao din naman siya ah, at may karapatan parin siyang mabuhay.

Kahit sobrang init ng panahon ay todo parin siya sa paghahanap ng trabaho. Kahit halos mapaso na ang balat niya dahil sa wala siyang dalang payong ay hindi parin siya tumigil.

Hanggang sa napadaan siya sa isang napakalaking mansion at nakitang naghahanap ito ng pansamantalang cook.

Cook? Hindi na masama! aniya sa sarili niya. Marunong naman siyang magluto. Naisip niya na kapag papasok siyang cook, hindi malayong ma-promote siya bilang chef.

Napangiti siya sa isiping yun. Pero naalala niya ang pinsan niya. Paano niya sasabihin dito ang tungkol sa plano niyang pag-apply bilang isang pansamantalang cook?

Kinuha niya ang cellphone niya at tinipa ang numero ng kanyang pinsan at tinawagan.

"Oh? Nakahanap ka na ba ng work?"kaagad na bungad nito pagkasagot ng tawag niya.

"Yes.."

"Whoa. Really? That's new, lagi ka kasing hindi natatanggap."pang-aasar ng pinsan niya.

"Wow ha! Pati ba ikaw, nilalait mo na rin ako?"sigaw niya rito.

"Of course not! Ako ang unang matutuwa kapag magkakaroon ka na ng work.."natatawang saad nito sa kabilang linya.

"Eh, bakit hindi ka natutuwa ngayon?"

"Bakit? Totoo ba talaga?"

"Mataba lang ako pero hindi ako sinungaling Ali.."

"Oo na. Tsk! So ano, kailan ka magsisimula sa trabaho mo? Ano nga ulit yung trabaho mo?"

"Cook, plano ko pa lang mag-apply ngayon."wika niya rito. She heared Ali cursed kaya natawa siya.

Alam niyang naaasar ito nang sinabi niyang mag-aapply pa lang siya.

"Mag-aapply ka pa lang?"

"Oo e, nag-alala kasi ako sayo.."

"Bakit ka naman mag-aalala sa akin aber?"

"Siyempre cook ang aapplyan ko, for sure stay-in ako rito. Paano ka?"

"Ayos lang ako Zy, you can visit me anytime naman e. Tsk! Mag-apply ka na, baka maunahan ka pa ng iba."

"Sigurado ka na ayos ka lang?"

"Nah, ako pa ba? Just enjoy your new job.."

"Yeah, I will! Pansamantalang cook lang naman ang hanap nila kaya sandali lang ako rito. I'll visit you nalang tuwing off ko.."

"Sure. O'sya, may gagawin pa ako, usap tayo mamaya.."

Kaagad naman niyang binaba ang tawag at nag-doorbell na sa mansion.

May nagbukas din naman kaagad na isang security guard at pinapasok siya sa loob ng malaking bahay.

Sobrang lawak ng bakuran nito pagkapasok niya. Namangha siya sa laki nito. She has a decent home too, pero hindi ganito kalaki na halos nagiging duwende na siya sa laki ng bahay.

Noon nama'y may bumaba na isang may edad na babae sa isang escalator na sa tantiya niya ay nasa kuwarenta ang edad.

Wow! Sosyal ha! Ngayon lang ako nakakita ng mansion na may escalator. Pag ako yumaman, elevator ang ipalagay ko. Muehehe.

"Good afternoon ho.."bati niya pagkaharap ng may edad na babae sa kanya.

Nakangiti naman itong gumanti ng bati sa kanya.

"So, ikaw yung mag-aapply ng pansamantalang cook?"tanong nito.

She nodded.

"Don't worry iha, hindi naman mahirap ang magiging trabaho mo, nagbakasyon kasi ang cook namin kaya pansamantala muna kaming naghahanap ng kapalit. About sa salary mo, I'll give you minimum rate. Pwede kang mag-off during Sundays. Pero from Mondays to Saturdays, stay-in ka rito. Ayos lang ba sayo iha?"

"Naku! Ayos lang po ma'am, magandang offer na ho yan.." nakangiting saad niya sa magiging amo niya.

"Ano pala ang pangalan mo iha?"tanong nito sa kanya.

Magsasalita na sana niya nang may biglang pumasok.

"Hi Ma!"bati nito sa babaeng kaharap niya. Paglingon niya,ay ganun nalang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita ang papalapit na lalaki sa kinaroroonan nila.

Vaughn Jacob?

She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon