Maaga pa lang ay gumising na si Zynah para maghanda ng almusal ng mga Samonte.
Palabas na siya ng kwarto niya nang makasalubong ang ina ni Jacob. Halos mapatalon siya sa kaba dahil akala niya kung sino, dahil naka all-white night gown ito.
Akala ko si Sadaku! Jusko!
"Monet, buti naman nagising ka na, gusto ko sanang sabihin sayo na sa bahay ka muna ng bagong kasal na anak ko. Wala kasing kasama si Cassandra doon kaya kung pwede dun ka muna mamayang tanghali.."saad nito.
"Naku! Ayos lang po ma'am. Wala hong problem basta kayo po.."wika niya.
Mamanugangin mo pa ako, mama! Charr!
"Salamat iha.."saad nito at pumunta na itong escalator paakyat sa taas.
Pag ako talaga yumaman, elevator ipalagay ko sa bahay. Jusko! Hiyang-hiya ang SM sa bahay na 'to.
Magtatanghali na kaya kaagad siyang nagbihis para sa lipat-bahay na gagawin niya.
Iba talaga pag maganda, from cook to housemaid lang ang peg.
Nagsusuot palang siya ng bra nang biglang may pumasok sa kwarto nilang mga housemaid. Mabilis pa sa alas kwatro ang pagsuot niya ng blouse, naisip niya baka may makakita ng iniingatan niyang bra. Wala naman kasi siyang dibdib.
Akala niya isa lang sa mga kasambahay ng mga Samonte ang pumasok, pero ganun nalang ang nganga niya nang makitang si Jacob ang pumasok.
"Baka mapasukan ng langaw yang bibig mo!"saad nito.
Mabilis naman niyang isinara ang bibig, at kampanteng umupo sa double deck na higaan.
"Are you lost baby boy?" tanong niya na nakangisi.
Pinanlalakihan siya ng mga mata ni Jacob. Nagtataka yata kung ano ang pinagsasabi niya.
"Anong sinasabi mo?"asar na tanong nito sa kanya.
"Kunwari ikaw si Massimo. Kaya tinatanong kita ng 'are you lost baby boy' kasi ano ba ang ginagawa mo ditong maids room? Are you lost? Charing!"natatawang saad niya na may halong pang-aasar dito.
Akmang hahampasin siya ng dala nitong long sleeved na damit. Kaya napaurong siya.
"Teka! Teka lang naman. Hampas agad e. Don't worry, pangalan lang ni Massimo ang sayo. Pero ang katawan at mukha? Sorry, mas hot si Massimo ko. Hehe."
She heared him tsk-ed.
"Ganyan ba talaga mag-isip ang tulad mo?"
"Bakit? May problema ka sa tulad ko?"
"Tss! Grabe ang imaginations mo. Dinadamay mo pa si Massimo! Plantsahin mo 'to!"saad nito sabay bagsak ng damit sa harapan niya.
Hayss! Akala ko kung ano na, kailangan niya pala ako para magplantsa. Akala ko nag-ala Massimo na siya e. Hehehe. Wooohoo! Are you lost baby boy?
Well, para sa ikasaya ng kalooban niya, plinantsa niya ang long sleeve ni Jacob. Pakanta-kanta pa siya habang nagpaplantsa.
Pagkatapos niyang plantsahin ang damit ni Jacob ay nag-ayos na siya para sa lipat-bahay mission niya.
Inuna niya ang buhok niya bago ang mukha niya. Maya-maya'y pumasok ulit si Jacob para kunin ang damit na plinantsa niya.
Pailing-iling itong nakatingin sa kanya. Paano kasi, todo lagay siya ng sunblock cream sa mukha niyang puno ng pimples.
Pagkatapos niyang maglagay ng sunblock ay siya naman ang paglabas ni Jacob sa kwarto nilang mga kasambahay.
Dala ang mga gamit niya ay lumabas na siya ng kwarto at sumakay ng escalator paakyat sa taas para hanapin ang kwarto ng mommy ni Jake para magpaalam ng umalis.
It was four bedrooms upstairs. Hindi niya alam kung saan ang kwarto ng mag-asawang Samonte kaya nag-jack en poy siya sa sarili niya. Pinili niya ang pinakadulong kwarto kasi mukhang mas elegante itong tingnan.
Kumatok siya pero walang sumasagot. Kumatok uli siya, at may narinig siyang sumigaw ng 'come in' kaya deredretso siya sa pagpasok ng kwarto, para magulat sa makita.
Si Jacob na gulat na humarap sa kanya ay nahubad ang tuwalyang nakapulupot sa bewang nito. Mas domoble pa ang laki ng mata niya nang makita ang kahubdan nito. Totally nude!
Mabilis naman itong nagtapis ulit ng tuwalya.
"Are you lost baby girl?"si Jacob.
"Massimo isda you?"
"Anong sinasabi mong isda you, isda you riyan? Sabi ko anong ginagawa mo rito at bigla ka nalang pumasok sa kwarto nang may kwarto?"
"Huh? Akala ko tinanong mo ako ng 'are you lost baby girl e."aniya na hindi parin maka-move on sa nakita.
"Tss! Stop imagining things na malabong mangyari. Don't hurt yourself, you know. Labas!"
"Sandali. May itatanong lang ako.."
Tiningnan siya nito ng masama at halatang hinihintay ang itatanong niya rito.
"Ahm ano, itatanong ko lang sana kung ilang inches yang harapan mo? May ilalaki pa ba yan? Naku! Baka aabot ng tiyan yan sa haba at hanglaki pa ng....."hindi niya natapos ang sasabihin dahil binato siya nito ng libro.
Sapo-sapo niya ang kabilang pisngi niya at mabilis na lumabas ng kwarto ni Jacob.
Fvcking shit! Natabingi yata ang mukha ko dun ah!
Sakto namang pagkalabas niya ng kwarto ni Jacob ay lumabas din yung mommy ni Jacob sa kwarto ng mga ito.
"Ah mama, esti ma'am. Aalis na po ako, saan po ba ang bahay ni sir James?"
"Sa condo unit sila ng asawa niya. Sandali at isusulat ko ang address."saad nito at bumalik sa kwarto.
Naghihintay siya ng mga dalawang minuto bago ito lumabas ng kwarto at inabot sa kanya ang papel kung saan nakasulat ang adress ng tinitirhan ng pagsisilbihan niyang mag-asawa.
Akala ko, sobrang haba ng address e, dalawang minuto ang itinagal.
Pakending-kending siyang sumakay sa escalator pababa. Yung feel na feel niya talaga ang pagsakay ng escalator. May pa-flip hair pa siya, yung tipong nag-malling lang.
Noon nama'y sumakay din si Jacob pero naglalakad lang ito pababa.
"Hoy sir Jacob, ayaw mong ma-feel ang pagbaba ng escalator? Try mo kaya. Masarap sa pakiramdam."saad niya pero hindi siya pinansin nito.
Pagkababa niya, ay nagpaalam din muna siya sa mga housemaids na naroon para kahit papaano, maituturing na ginagalang niya rin ang mga ito.
Sakay sa bike niya ay dumerecho na siya sa address na ibinigay ng mommy ng ni Jacob. Pinagtitinginan siya ng mga tao habang sakay sa kanyang bike.
Pangiti-ngiti din siya feeling niya kasi, siya ang pinagtitinginan ng mga ito.
Bakit ba? Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda na nagba-bike?
Hindi pa man siya nakaliko papasok ng condo building kung saan siya dapat pupunta ay narinig niyang nag-krrrk ang bike na sinasakyan niya. Kaya bumaba siya at ganun nalang ang pagkadismaya niya nang makitang flat ito.
"Feeling payat kasi, feel na feel pa ang pagsakay sa bike, hindi inisip na ma-flat ang bike sa laki niya.."narinig niyang saad ng isang lalaki kaya asar niyang nilingon ito.
"Wow kuya ha! Kakaiba ka kung bumulong, sobrang lakas e. Bakit mo prinoblema ang pagka-flat ng bike ko? Yang ilong mo nga na flat na parang dinaanan ng bulldozer, ay hindi ko nga prinoblema, ito pa kayang bike ko?"aniya at asar na binitbit ang bike paalis.
Tss! Ang malas ko ngayong araw!
BINABASA MO ANG
She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )
General FictionThey're childhood bestfriends, pero nagkahiwalay nang manirahan ang mga Samonte sa Amerika. Raine Zynah is very pretty during their childhood, pero habang nagdadalaga ay biglang nagbago ang anyo niya. She's not that old Raine anymore. She became ver...