"ANAK, isang linggo ka palang dito, tapos babalik ka na kaagad ng Maynila?"
"Kailangan Dad e. Kailangan kong maghanap ulit ng trabaho.."
"Sinabi ko naman kasi sayo na sa Arevalo's ka na magtrabaho para hindi ka na mahihirapan."
"Tss, alam mong ayaw ko doon Da,"
Wala nang nagawa ang kanyang ama maliban sa pagbuntong-hininga.
Pagkatapos niyang magpaalam sa ama ay sumakay na siya sa kanyang minsan-lang-nagagamit na sasakyan—ang Mazda Mx-5 sports car niya.
She decided, babalik siyang Manila hindi lang para magtrabaho, kundi para pumasok sa lungga ng asawa ng tito Arthur niyang si Ybeth. Wala na ang kanyang tito Arthur dahil namatay ito sa isang aksidente. Si Alicia nalang at ang mommy nito ang magkasama, katulad nila ng kanyang Dada Samuel.
Pero nag-asawa ulit si Ybeth hindi pa man umabot ng isang taon simula nang mamatay ang ama ni Alicia.
At ngayong si Ybeth ang nasa posisyon ng kanyang tito Arthur sa kompanya, hindi niya alam kung anong kababalaghang ginawa nito lalo na at nag-asawa itong muli.
Mukha palang ng second husband nito ay wala na siyang tiwala.
Hindi naman masama ang ugali ng mommy ni Alicia—noon. Yes, noon. Dahil simula nang mamatay ang tito Arthur niya, ay lumabas bigla ang tunay na ugali nito.
Pagkarating niyang Maynila ay dumerecho na siya sa apartment nila dati ni Alicia.
Well, that's her apartment naman talaga at sabit lang si Alicia. Binili niya ang apartment na iyon na lingid sa kaalaman ni Alicia. She has money of course, hindi lang halata kasi wala naman siyang matinong trabaho.
Pagkarating niyang apartment ay ipinarada niya muna ang sasakyan at mabilis na bumaba.
Pagkababa ng sasakyan ay agad siyang naglakad papasok sa apartment. Wala naman siguro si Alicia ngayon dahil ikakasal na ito kay Jacob.
Subalit, naaabutan niya si Alicia na kampanteng nakaupo sa sofa habang naka-de-kwatrong nanonood ng k-drama sa isang korean channel sa loob ng kanyang apartment.
"Get out of here!"matapang na saad niya.
"Why would I do that? Ikaw ang lumabas rito. Ako na ang magbabayad sa upa rito kaya lumabas ka na!"
She smirked. "Really? This apartment is mine kaya lumabas ka na rito."mahinahon ngunit matigas parin ang pagkasabi niya.
"Bakit, may pangalan mo ba na sayo ang apartment na ito Zynah?"
"Name? Of course, kasi sa akin naman talaga ang apartment na ito!"aniya at mabilis na kinuha sa kwarto niya ang papeles at titulo ng apartment na nakapangalan sa kanya.
Nang makuha niya ang mga papeles ay mabilis siyang lumabas ng kwarto at ipinakita ito kay Alicia.
Napamaang ito nang makita ang mga papel na hawak niya.
"See, this apartment is mine at sampid ka lang dito Alicia."she smirked.
Hindi nakapagsalita si Alicia.
"Ah, nakalimutan ko palang mahilig kang mang-agaw. Pero, hindi ko hahayaang pati ang apartment ko ay aagawin mo sa akin. Lumabas ka at hakutin mo lahat ng mga gamit mo rito. Siguraduhin mong pagbalik ko ay wala ka na rito at ang mga gamit mo, bago pa kita ipahiya sa mga kapit-bahay ko!"dagdag niya at hinablot rito ang mga papeles.
Pagkalabas niyang apartment ay nag-inhale, exhale pa siya dahil parang may bumara na kung ano sa dibdib niya.
She's not evil, pero ang ginawa niya kay Alicia, feeling niya she's the meanest person on earth. OA man pakinggan pero ganoon talaga ang nararamdaman niya.
Aalis muna siya at puntahan niya ang dating boss na si James Rupert, para may panahon pa si Alicia na mag-alsa-balutan.
Pagkarating niyang SGC na pagmamay-ari ng mga Samonte ay dumerecho na siya sa opisina ni Jim.
Nabalitaan niyang naging malala ang sakit ng asawa nitong si Cassandra. Hindi niya alam na sa ganoong edad ay pwede ng magkaroon ng dementia ang isang tao.
Okay lang sana kung Alzheimer's disease lang, pero dementia? Naku! Sa mga napapanood na kdrama niya lang napanood ang ganoon, tapos matatanda na ang nagkakaroon ng ganoong sakit.
Pagkarating niyang opisina ni Jim ay inayos niya muna ang suot niya pati ang buhok bago kumatok.
"Come in!"narinig niyang saad nito.
Agad naman siyang pumasok at naabutan ang mukha ng boss niyang mukhang walang tulog.
"Kuya Jim, napano yang mata mo? Lumaban ka ba ng bugbogan at may black eye ka?"tanong niya rito na natatawa.
Sinamaan siya nito ng tingin.
"Hoy Raine Zynah, ikaw kaya ang bugbugin ko!"
She gulped.
"P—paanong..."
"Paano? Siyempre sinabi sa amin ni Jacob. Bakit wala kang sinabi ha? Bakit hinayaan mong gawin sayo iyon ng pinsan mo? Bakit?"tanong nito na umakting pa na parang si Nora Aunor.
"Ang OA niyo kuya esti sir Jim. Yun na yun. Hayaan mo na."
"Ganoon lang?"
"Oo, ganoon lang."
"Baliw ka ba?"
"Natural, hindi! H-I-N-D-I ako baliw kuya esti sir Jim!"
"Kung ganun, bakit mo nalang hahayaan yung pinsan mo na agawin sayo si Jacob?"
Hindi siya sumagot. Kasi, hindi pa niya alam kung ano ang gagawin. Saka, hindi rin naman alam ng mga ito na may relasyon sila ni Jacob.
"Hayaan mo Monet, tutulungan ka namin."
Ngumiti siya.
"Bigyan mo ako ng trabaho kuya esti sir Jim.."
"Cut the sir thing, kuya nalang ang itawag mo sa akin tutal may gusto ka naman sa kapatid ko at mas gusto kita para sa kapatid ko kesa doon sa pinsan mo. Pero, ano bang trabaho ang gusto mo? Secretary lang ang available e. Saka kay Jacob ka magtrabaho hindi sa akin."
"Huwag nalang ho sir Jim.."simangot niya.
"Bakit? Apektado ka parin ba sa engagement ni Jake at nung pinsan mo? Eh, kasalanan mo naman iyon e."
Sumimbakol ang mukha niya.
"Affected? Sinong affected? Hindi ah! Bakit naman ako maaapektuhan eh wala na akong feelings doon sa kapatid mo. Nawala na! As in walang-wala na!"
"Ilong mo, lumalaki ang butas. Deny pa more!"
"Wala na nga e!"
"Okay sige, sinabi mo e. Pero pumasok ka bukas at patunayan mo sa akin na hindi ka na apektado kay Jacob. Sabi mo diba? Hindi ka na affected!"
"Kuya!"
"Ano, may reklamo ka? Eh sa iyon lang ang maibigay kong trabaho sayo. Isa pa, patunayan mo sa akin ang sinabi mong hindi ka affected!"sabi nito at itinuon na ang paningin sa hawak na papeles.
Anong gagawin mo Raine Zynah?
BINABASA MO ANG
She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )
Ficción GeneralThey're childhood bestfriends, pero nagkahiwalay nang manirahan ang mga Samonte sa Amerika. Raine Zynah is very pretty during their childhood, pero habang nagdadalaga ay biglang nagbago ang anyo niya. She's not that old Raine anymore. She became ver...