UNANG araw niya bilang isang personal secretary ni Jacob. Hindi niya alam na ganoon pala ang magiging trabaho niya, kung hindi pa niya nabasa ang contract na binigay sa kanya ni Jim.Personal secretary at kailangang kasama siya sa lahat ng lakad nito. Ang tanong, kaya ba niya i-handle ang sitwasyon sa oras na magkasama sila ni Jacob?
Hays Raine, mukhang mali na bumalik ka pa sa mga Samonte.
Mabilis siyang naglakad papasok ng building nang makitang limang minuto nalang at male-late na siya.
Pagkarating niya sa magiging office niya ay kinalma niya muna ang sarili niya.
Sa totoo lang, kinakabahan talaga siya. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon ni Jacob kapag nalaman nitong siya ang personal secretary nito.
"Oh, Miss Sandoval?"nakangiting saad ni Alana, isa sa mga planning team.
"Good morning.."bati niya rito.
"Ikaw ang secretary ulit ni sir Jacob?"
Tumango siya at nahihiyang ngumiti.
"Good luck Miss Sandoval.."sabi nito at pumunta na sa desk nito.
Ilang saglit lang ay dumating na si Jacob. Kahit kinakabahan ay kinumbinse niya ang sarili niya na piliting ngumiti.
Pero, yung ngiti niya kulang nalang ay tatae na siya.
Hindi siya nito nakita dahil dere-derecho itong pumasok sa opisina nito.
"Miss Sandoval, ito yung list of schedule ni sir Jacob. At ito naman ang mga papel na dapat niyang pirmahan."sabi ni Alana habang iniabot sa kanya ang mga folder.
Ngumiti siya at tinanggap ang binigay nito.
Ngumiti din ito bago tumalikod.
Nag-beep ang intercom na konektado sa opisina ni Jacob, kaya meaning ay kailangan nito ang presensya niya as his secretary.
Kinuha niya ang mga folder at inayos ang sarili bago naglakad palapit sa opisina ni Jacob. Ngumiti muna siya bago kumatok at pumasok.
Nangangatog man ang kanyang tuhod ay pilit niya paring kalmahin ang kanyang sarili.
Nakita niyang may tinitingnan ito sa tablet PC nito nang lumapit siya.
"Ito yung list of schedule mo today sir. At ito din yung mga papeles na dapat mong pirmahan galing sa AGC..."
Bigla itong nag-angat ng tingin at nagulat nang makita siya.
"R—Raine? Anong ginagawa mo rito?"
"Ako po yung hired personal secretary niyo sir. G–gusto niyo bang coffee or tea?"
Hindi ito sumagot at nanatili lang na nakatingin sa kanya.
Nag-iwas siya ng tingin.
"Sa pagkaalala ko, I already fired you.."
"Si sir Jim po ang nag-hire sa akin ulit, para maging personal secretary niyo po."
"P—personal secretary?"
Tumango siya.
"Sandali— I mean.."
Nakita niyang mabilis nitong kinuha ang cellphone at nag-dial.
"Lumabas ka na.."saad nito at tumalikod.
Nagmadali naman siyang naglakad palabas.
"I don't need a f*cking personal secretary kuya. Hindi ko kailangan ng kasa-kasama sa mga lakad ko! Fire her!"narinig niyang saad nito bago siya tuluyang nakalabas ng opisina nito.
BINABASA MO ANG
She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )
General FictionThey're childhood bestfriends, pero nagkahiwalay nang manirahan ang mga Samonte sa Amerika. Raine Zynah is very pretty during their childhood, pero habang nagdadalaga ay biglang nagbago ang anyo niya. She's not that old Raine anymore. She became ver...