Halos lumuwa na ang mga mata niya katatawa sa sarili nang makita niyang sinasapak ng kanyang ina si Jim dahil sa ginawa nitong pagdadala ng kabit.Pero natigil ang pagtawa niya nang malaman niya mula sa kabit ni Jim na peke lang ang naging kasal ng kanyang mga bagong amo.
So tama nga ang hinala ko?
Sobrang naiinis siya nang hindi man lang ipinagtanggol ni Jim si Cassandra mula sa mga magulang nito.
At ang mas hindi niya akalain ay ang biglaang paghihiwalay ng dalawa na hindi man lang ipinagtanggol ni Jim ang asawa.
Nang makaalis ang mommy ng kanyang amo ay padabog niyang kinuha ang mga labahang damit at isinilid sa dalang basket.
Sinamaan niya ito ng tingin nang makita niyang tumingin ito sa kanya.
"Hay, totoo nga pala talaga na malas sa love yung balat niya sa batok niya.." pagpaparinig niya rito.
"Anong sinasabi mo Monet?"tanong pa nito.
"Si ate Cassandra po sir, sabi ko kasi swerte sa love yung hugis-pusong balat niya sa batok niya. Alam mo yun, yung parang puso talaga tapos pulang-pula..ang ganda lang kasi tignan.."
Nakita niyang bigla itong napaisip..
"May number ka ba ni Cassandra, Monet?"maya-maya'y tanong nito.
"Naku sir, wala! Tss! Nung nandito hindi mo pinahalagahan, tapos ngayon hihingi ka ng number niya? Manigas ka sir! Sayang lang yung pagmamahal ni ate Cass sayo! Hayy naku!"maarteng saad niya at pumunta na sa laundry.
Ngunit kalaunay hindi tinawag ulit siya ng among lalaki.
"Monet, bigyan mo na kasi ako ng number!"
"Ayoko nga! Bakit sir, mahal mo na ba? Kasi kung oo bibigyan kita!"sigaw niya sa may laundry.
Hindi ito kumibo.
"See, hindi ka nakakibo diyan sir. Huwag mo ng kulitin si ate Cass sir Jim, kasi kutang-kota ka na sa pananakit sa kanya. Mahal ka nun, pero hindi mo po pinahalagahan bagkos, naging duwag ka. Maski nga kampihan mo lang siya sana nung nagalit si madam Jeconiah, pero hinayaan mo lang siya na masampal ng mommy mo, na sa totoo lang, wala naman siyang kasalanan sayo, sa inyo. Pero siya ang sumalo sa galit ng parents mo na dapat para sayo.."mahabang litanya niya at lumabas pa talaga siya sa laundry area para humarap sa among lalaki.
"Hoy! Monet, sino bang boss sa atin dito?"naiinis nitong sita sa kanya.
"Siyempre, ikaw po. Pero, kay ate Cassandra ako kampi. Hmmp! Bye!"mataray niyang saad at bumalik ng laundry.
"Hindi kita swelduhan ng sampong buwan Monet, bigyan mo na ako ng number!"
"Ayoko! Manigas ka diyan! Isama mong manigas ang malandi at maarteng Noreen mo sir! Wohooo! Sana masagasaan yung girlfriend mong pinaglihi sa linta at tikbalang! Magpakain ako sa buong barangay namin kapag namatay yung Noreen!"
"Bunganga mo! Wala kang sweldo!"
"Keber! Lalayas ako! Lalo na pag dinala mo uli dito yung linta na yun! Naku! Maging masaya pa siguro ako kung si ate Cassandra ang ibalik mo dito! Pag yung Noreen ang dalhin mo, lalayas ako! Kahit walang sweldo! Pwe!"
"Ano bang pinakain ni Cassandra sayo at kung sagot-sagutin mo ako parang hindi ako amo!"
"Siling labuyo ang pinapakain ni ate Cassandra sa akin sir, kaya bawat salitang lalabas sa bunganga ko ngayon ay maanghang! Sabihin mo lang kung may reklamo ka dahil lalayas ako dito at babalik ako sa mansion niyo. Pero, ihanda mo lang ang sarili mo dahil magkikita parin tayo.."aniya at kinindatan ang among lalaki bago bumalik sa paglalaba.
BINABASA MO ANG
She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )
General FictionThey're childhood bestfriends, pero nagkahiwalay nang manirahan ang mga Samonte sa Amerika. Raine Zynah is very pretty during their childhood, pero habang nagdadalaga ay biglang nagbago ang anyo niya. She's not that old Raine anymore. She became ver...