Kabanata 20

191 9 3
                                    

KINABUKASAN ay late na siyang pumasok sa opisina dahil sa request na lunch ni Jacob sa kanya.

Pagkapasok niyang opisina ay naabutan niya si Jacob na busy sa mga binabasang mga papeles. Agad niyang nilagay sa mesa ang pagkain na hinihingi sa kanya ni Jacob.

Tuwang-tuwa naman ito nang makita ang mga pagkain na dala niya. Todo effort pa siya sa pagluto ng mga pagkain na dala, dahil nag-alala siya na baka hindi magugustuhan ni Jacob ang mga niluto niyang ulam para dito.

Lahat ng niluto niya ay ang alam niyang paboritong ulam nila noong kabataan pa nila.

Pagkatapos niyang ilapag ang mga pagkain ay inilagay niya naman ang bag niya sa upuan at lumabas para magtimpla ng kape para kay Jacob.

Pagkapasok niya ay nakita niyang nakatitig si Jacob sa kanya nung palapit siya rito para ibigay ang kape nito.

"How do you know?"

"Ano?"

"Paano mo nalaman na gusto ko ng pagkain na ganito?"

"Yun lang naman ang alam ko na pagkain na pwede mong magustuhan. My instinct tells.."sabi niya at mabilis na naglakad papuntang desk niya.

Noon naman ay may kumatok na agad ding pinapasok ni Jacob.

Nagulat siya nang makita kung sino ang pumasok.

"Alicia.."si Jacob na halata ding na-sorpresa sa pagbisita nito.

Napansin niyang nilingon siya nito kaya nagbaba siya ng tingin.

"Sabay din  ba tayong mag-lunch mamaya? Ito na yung food na niluto ko for you. Sana magustuhan mo.."malambing na saad ng pinsan niya sa binata. Napailing siya habang nakikinig sa usapan ng dalawa.

"Anong niluto mo?"

"Uhmm, caldereta at beef steak lang yan. Parang yun naman kasi ang paborito mo noon diba? Pasensya na ha, kasi nakalimutan ko talaga."

Lihim siyang napangisi sabay iling. Mukhang pinanindigan na talaga ng pinsan niya ang pagsisinungaling.

She excused herself para bigyan ng time ang dalawa.

Naglakad na siya palabas ng opisina nang biglang sumigaw si Jacob.

"Raine Zynah!"

Automatic na napahinto siya pero hindi nilingon si Jacob.

"I'm here Jake. H-hindi mo naman kailangang sumigaw."

Akmang bubuksan na niya ang pintuan nang sumigaw ulit si Jacob.

"Stop there!"

"J-jake, h-hayaan mo siyang lumabas. Nandito naman na ako e. It's me Raine."natatarantang saad ng kanyang pinsan.

Humarap siya sa mga ito at hindi na lumabas. Mukhang alam na ni Jacob kung sino siya.

"Liar!"sabi nito habang galit na nakatingin sa kanyang pinsan.

"H-huh? Hindi ako nagsisinungaling Jake. I-it's me. I'm here o-okay?"

"You're not Raine, Alicia! Stop your lies! Ni hindi mo nga alam kung ano ang paborito kong pagkain noon e. At saka hindi ka allergy sa manok. Monet here is Raine at hindi ikaw!"Jacob exclaimed.

Nanatili lang siyang nakatayo doon at hindi nakapagsalita dahil feeling niya may bumara sa lalamunan niya.

"P-paano? S-sinabi niya ba sayong siya si Raine? Nag-nagsinungaling lang siya. A-ako si Raine, Jake. Maniwala ka sa akin."

She saw Jacob smirked.

"Tama na Alicia habang mabait pa ako sayo. Walang sinabi sa akin si Monet, dahil ako mismo, nararamdaman kong siya si Raine."

Nakita niyang mabilis na lumuhod si Alicia.

"I-i'm sorry. N-nagawa ko lang naman yun kasi, nagugustuhan na kita nung unang kita ko pa lang—"

"Get out!"

"Jac—"

"I said, get out Alicia!"

"Pero—"

Galit na pinukpok ni Jacob ang mesa kaya takot na napatayo si Alicia at patakbong lumabas sa opisina ni Jacob.

Parang biglang nawala ang tinik sa lalamunan niya at nagmamadaling binuksan ang pintuan pero mabilis siyang nahawakan ni Jacob.

"Bakit?"tanong nito sa kanya.

Hindi siya nakapagsalita.

"B-bakit wala kang sinabi? Bakit hindi ka man lang nag-reply sa mga email ko sayo?"

She gulped at hindi nakuhang magsalita pa dahil mabilis siyang niyakap ni Jacob.

Her heart thumpers. Feeling niya may mga kabayo sa loob ng dibdib niya dahil sa sobrang bilis ng tibok nito.

"I miss you Raine.."anas ni Jacob at mas hinigpitan pa nito ang yakap sa kanya.

Halos lalabas na ang puso niya sa dibdib niya kung hindi pa siya binitawan ng binata.

Jacob cupped her face at niyakap siya ulit.

Pero itinulak niya ito. Nagtataka itong napatingin sa kanya.

"Teka lang naman muna! Pagpahingahin mo muna ako, pwede?"inis na saad niya.

She heard him chuckled.

Sumimangot siya at inayos ang nagusot na uniform.

"So, ano nga? Bakit wala kang sinabi sa akin?"

"Bakit? Nagtanong ka?"

"That our supposed to be meet up, bakit hindi ka nagpakita?"

She hissed.

"Paano ako magpapakita sayo kung para na akong balyena aber? Tapos ikaw si Christian Grey, at pwede na ring si Massimo. Samantalang ako, si Betty La Fea na mataba?"she pouted.

"Silly. Ano naman kung tumaba ka, eh ikaw parin naman yan?"

"Ako nga, pero ang pangit ko na. Baka inasahan mong mas gumanda pa ako.."

"Baliw. You're physiques isn't important to me, as long as ikaw yan—ang bestfriend ko.."

She pouted.

"Paano mo nalaman na ako 'to?"

"Your allergy na halos pumatay sayo. Yung mga pagkain na gusto nating dalawa. Yung pagtulong mo sa akin sa elevator. Ikaw at ang pamilya ko lang ang nakakaalam na may panic attacks ako."

She sighed.

"Akala ko kung mapapaano ka na noon sa elevator e. Kaya takot na takot akong hinanap ang gamot mo noon."

"And thank you for that. And sorry.."

"Sorry para saan?"

"Sa hospital, sa lahat ng nga masasakit na mga salita na nasabi ko. Basta sorry for everything.."

"Tss! Okay lang. You're forgiven."

"Thanks Raine. So, ano, sabay tayong mag-lunch mamaya?"

"Huh? Ah kasi, Jayhan invited me again for lunch e."

Nakita niyang napawi ang ngiti sa mga labi nito.

"P-pero, pwede ko namang sabihin sa kanya na next time nalang kami mag-lunch.."

Nakita niyang nagliwanag ulit ang mukha ni Jacob.

"Yes! Thank you. I miss you.."sabi nito at masayang umupo sa swivel chair nito.

Napailing siyang umupo na rin sa swivel chair niya habang namumula ang mukha.

Hindi parin nawala ang kabog ng dibdib niya. Parang may mga paru-paro na nagliliparan sa sikmura niya nang maalala ang pagyakap sa kanya ni Jacob kanina.

She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon