Kabanata 44

136 10 4
                                    


Seven years later..

"Daddy, can't you come with us?" tanong ng six years old na si Vayghne Jassy kay Jayhan.

Siya naman ay abala sa pag-impake ng kanilang dadalhin pabalik ng Pilipinas. Samantalang si Von Jarren naman ay relax na relax lang habang nakaupo at nanonood ng cartoons.

"Sorry baby, but Daddy can't come. Marami pang aasikasuhin si Daddy dito e. Susunod nalang ako, okay? Si Mommy Raine nalang muna ang kasama niyo ha?" saad ni Jayhan.

Jass pouted. "Okay, pero sumunod ka kaagad ha? Promise?"

"I promise baby!"

It's been seven years simula nang umalis siyang Pilipinas kasama ni Jayhan. Iisang flat lang ang tinitirhan nila ni Jayhan, kasi daw para tipid. Mahal kasi ang rent ng isang apartment sa New York, kaya imbes na magkanya-kanya silang flat ay nagsama nalang sila.

Si Jayhan ang kasa-kasama niya sa panahon na nasa sinapupunan pa lang niya ang kambal hanggang sa nanganak siya. Tanging si Jayhan lang ang todo effort na nag-alaga sa kanya nang walang hinihinging kapalit aside sa kagustuhan nitong maging ninong  sa kanyang mga anak.

Yes, Jayhan was Jassy and Jarren's godfather. Pinunan ni Jayhan ang presensya ng isang ama sa mga anak niya. Para ng tunay na mag-ama kung titingnan ng ibang tao ang mga anak niya at si Jayhan. They're very close, kaya sinong mag-aakala na mag-ninong lang ang mga ito?

Hindi naman sana siya uuwing Pilipinas kung hindi lang sana sa tawag ng kanyang Dada. Her Dad called na may importante daw na gatherings ang pamilya nila at kailangang nandoon siya at ang kanyang mga anak.

Parang ayaw nga niya, pero naisip niya na panahon na siguro para makita naman ng kanyang Dada ang mga apo nito, personally. Tanging sa Skype videocalls lang kasi nito nakikita ang mga apo at nakakausap.

Ayaw niya kasing gumawa pa ng ibang social media accounts maliban sa Skype, dahil ayaw na niyang maki-balita pa sa mga taong pilit niyang ibinaon sa limot. Kahit nga emails niya ay kinalimutan na niya pati mga passwords.

Actually, kinakabahan siya ngayong uuwi na sila ng kanyang anak sa Pilipinas. Natatakot siyang magtagpo ulit ang landas nilang dalawa ni Vaughn Jacob, at baka magulo na naman ang buhay nila ng kanyang kambal, which is iniiwasan niya.

Her kids know the name of their real Dad naman, but hindi niya ito pinapakita ng mukha. Lalo na't yung mga anak niya ay parang carbon copy lang ni Jacob.

"Ready?" untag sa kanya ni Jayhan.

She sighed. "I don't know. Kinakabahan ako e." aniya at ipinagpatuloy ang pag-impake.

Alas nuebe ang flight nila kaya may panahon pa siya para mag-impake. Hindi kasi siya nakapag-impake kahapon dahil may inasikaso sila ni Jayhan sa kanilang restaurant business doon. Marami kasi siyang maiiwang paperworks kay Jayhan kaya naging busy siya kahapon.

"Relax. Uuwi lang naman kayo, at babalik pa naman tayo rito."saad nito.

Sumimangot siya. "Wala naman akong sinabing hindi na ako babalik rito. Natatakot lang ako, baka magtagpo ang landas namin ng pinsan ko at ng kanyang asawa, tapos makita nila ang kambal. Hindi ko alam kung anong gagawin ko."

"Don't worry, hindi ka naman na siguro nila makilala dahil you're too sexy now."

She hissed at isinara ang maleta.

Jayhan helped her para pumayat. Akala nga niya mamamatay na siya dahil sa grabeng diet. Only vegies at fish lang ang kinakain niya and worst walang cheat day. Once a week lang siya nagra-rice and the rest gulay at isda na.

Sa tingin nga niya, hindi siya pumayat sa exercise, kundi pumayat siya sa gutom. Nagmukha na nga siyang kambing dahil puro dahon nalang ang kinakain niya.

She weighs fifty five kilos now. Kung dati one hundred fifty five kilos ang timbang niya, ngayon fifty five nalang. At yung dati niyang mukha ay bumalik na— the Pretty Raine Zynah.

Pagkatapos niyang mag-impake ay nagbihis na siya. Kanina pa nakabihis ang kanyang mga anak at siya nalang ang hindi pa nagbihis.

She's wearing a red ruffled off-shoulder dress na pinaresan din niya ng red stiletto shoes. Pagkatapos ay kinuha na niya ang kanyang sling bag at lumabas ng kwarto.

"Wow! Pwede ng pakasalan!"puna ni Jayhan sa aura niya.

Sumimangot siya. "Maghanap ka na nga ng jowain mo! Ako nalang lagi ang pinagdidiskitahan mo."

Jayhan chuckled. "Kapag hindi ka ikinasal, hindi ako maghahanap ng girlfriend. Malay mo tayo pala talagang dalawa ang itinadhana."

"Hay naku Jayhan, hindi ko alam kung bakit ka nagpaka-martyr ng ganyan. Patay na ang puso ko, kaya hindi na ito titibok kahit kanino!"

"Naks! Humuhugot ang ale! Eh, hindi naman natin alam ang ikot ng mundo, malay nga natin diba?"

She faked a laugh at hindi na pinansin si Jayhan.

"Kung tayo nga ang itinadhana Jayhan, dapat noon pa. Seven years na tayong nagsama sa iisang bubong e. But we remained as friends pa rin."

Hindi nakaimik si Jayhan kaya nakokonsensya siya.

"Sorry. Eh kasi, huwag mo na ngang buksan ang topic na 'yan sabi e. I'm sorry— I really apologize. Just don't open that topic again, please."

Jayhan smiled at tumango. Pero kita niyang hindi abot sa mga mata nito ang ngiting iyon. Nakikita parin niya ang lungkot sa mga mata nito kaya nilapitan niya ito at niyakap.

"You know how greatful I am having you as a friend Jayhan. Pero, sorry talaga. Ayaw ko namang pilitin ang puso ko lalo na't alam kong masasaktan lang kita in the end. Mas doble ang sakit na maibibigay ko sayo 'nun."

Jayhan sighed at niyakap siya pabalik.

"You don't have to apologize. Sorry, kasi kahit alam kong bestfriend lang ang tingin mo sa akin ay ipinipilit ko parin ang sarili ko. I just couldn't help it, lalo na't palagi ko kayong nakakasama sa loob ng pitong taon."

Bumitaw siya sa pagkayakap kay Jayhan at tinitingnan ito sa mga mata. She saw a single drop of tears on Jayhan's eye.

"Hey, don't cry. I love you Jayhan, but you know the kind of love I can give you. I love you na. Please don't cry."

Suddenly, Jayhan's tears fell down. "Mami-miss ko lang kayo ng mga bata, but please— don't say you love me. Baka mas lalo lang akong aasa niyan."

"Sorry."

Jayhan nodded at niyakap siya. She hugged him back.

She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon