ALAS kwatro na ng hapon silang nakarating ng Maynila kinabukasan. Ihinatid pa siya ni Jacob sa apartment niya bago ito nagpaalam sa kanya.
Bukas nalang daw siya pumasok dahil pagod daw siya.
Sino ba namang hindi mapapagod kung sa paglakad nga eh, halos hindi na siya makakalakad dahil limang beses lang naman siyang inaangkin ng binata bago pinakawalan.
Sabik sa kangkang ang hayop! Sakit at hapdi na nga ng keps ko ayaw pang tigilan!
At sana lang girl, hindi ka mabubuntis dahil malaki pa ang problema mo kay Alicia. Sagot naman ng kabilang isip niya.
Napabuntong-hininga siyang pumasok sa loob ng apartment niya.
Hindi lang pala si Alicia ang problema ko, pati nga pala si Dada. Ano bang gagawin ko?
Pagod niyang ibinagsak ang katawan niya sa kama at hindi na naisipang magbihis dahil sa sobrang pagod niya. Ni hindi niya na nakuhang kumain ng dinner dahil sa sobrang pagod at sakit ng kanyang buong katawan.
KINABUKASAN..
Sobrang ingay ng loob ng opisina ng planning team pagkapasok niya.
"Anong ganap at sobrang ingay niyo?"tanong niya sa team leader na si Giana (pronounce as Yana).
"Miss Sandoval, alam mo bang ngayon ang kasal ni sir Jacob at nung linta niyang girlfriend?"
"What?"
"Yeah, sobrang bilis ng pangyayari. Habang wala kasi kayo ni sir Jacob dito, dahil diba nga ummattend kayo ng business meeting?"
"Oh?"sabi niya at umupo na sa desk niya sa loob ng office ng planning team.
"Nagpupunta dito yung si jowa at ibinalita sa buong SGC na kailangang magpakasal na sila ni sir Jake kasi mukhang may umaaligid daw sa nobyo niya at balak pa raw yatang maging kabit ni sir Jake.."
"Ano? Bakit? Pumayag ba kaagad ang parents ni sir Jacob?"
"Nung una, tumutol si sir James at sir Axl. Pero wala silang nagawa nang pati na ang mga parents ni linta ay nagwala, at gusto na nitong ipakasal sa madaling panahon si sir Jacob at yung babaeng yun."
"Pero, bakit sobrang bilis naman yata? Kahapon lang naman kami dumating tapos ngayon, kasal na? Paano naman ang mga susuotin nila?"
"Sus dzai, yung babae pa ang nag-prepare ng mga susuotin ng groom, groomsmen, bridesmaid, maid of honors, ring bearer,flower girls. Ganyan ka-ready yung babaeng yun. Pero, alam mo ba ang narinig ko?"
"Paano ko malalaman kung hindi mo sasabihin?"simangot niya.
"Grabe ka naman, pa-thrill lang sana e."
"Tss, dami mo pang sinasabi. Bilis na, sabihin mo na."
"Eh, narinig kong sabi ni sir Jim, na matitigil daw ang kasal kapag malalaman ng parents nila ang katotohanan. Ano bang katotohanan? Baka may alam ka, ikaw ang madalas kasama ni sir Jake e."
Napabuntong-hininga siya.
"Saan ba ang venue ng kasal?"tanong niya kay Giana.
"Bakit? Hindi mo alam?"
"Itatanong ko ba kung alam ko at informed ako?"inis niyang saad.
"Tss! Relax. Sa Botanical Garden nila.."
Mabilis niyang kinuha ang kanyang bag at agad na tumayo.
Kailangan niyang pumunta sa venue ng kasal ng mga ito para sabihin sa mga parents ni Jacob ang katotohanan.
BINABASA MO ANG
She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )
General FictionThey're childhood bestfriends, pero nagkahiwalay nang manirahan ang mga Samonte sa Amerika. Raine Zynah is very pretty during their childhood, pero habang nagdadalaga ay biglang nagbago ang anyo niya. She's not that old Raine anymore. She became ver...