Vaughn JacobVaugh Jacob
"Iha.."
"H-ho?" napamura siya nang makitang nakatitig sa kanya ang mommy ni Jacob.
"I asked your name.."nakangiting saad nito.
Tiningnan niya muna ang paligid kung wala na ba ni anino ni Jacob sa paligid! Haysss! Buti nalang umakyat kaagad ito sa kung saan umakyat ang binata. Sa laki ba naman kasi ng bahay ng mga ito e.
"Ah, Raine Zynah po ma'am, pero Monet nalang ho ang itawag niyo sa akin.."kinakabahang wika niya.
"Ang layo naman ng Monet sa totoong pangalan mo iha."
Shit! Paano ba niya sasabihin dito na gawa-gawa niya lang ang Monet na pangalan niya?
"Ah, yan po ang una kong pangalan, nagpabinyag kasi ako uli ng Raine Zynah ma'am kaya ayun. Monet po talaga ang pangalan ko."mabilis ang pagsasalita niya dahil takot baka maabutan sila ni Jacob.
Fvck! What you've just said Zynah? Baliw na ba talaga? What a lame excuses!
"Ah, eh kung yan ang gusto mo na itawag ko sayo, sige Monet.."nakangiting saad ng ina ni Jacob.
Napakanta tuloy siya ng banal na aso, santong kabayo sa sarili dahil sa kaba.
"About sa lulutuin mo, just be yourself iha. Pero kung nandito yung tatlong anak ko lutuan mo sila ng pork sinigang na may hipon, yun kasi ang paborito nilang tatlo."saad ng ina ni Jacob.
Tumango siya na hindi na nagsalita pa. Balita niya nag-asawa na daw yung Jim. Laging nababanggit ni Jacob noon yung tungkol sa kuya niya. Yung Axl na lang talaga angbhindi niya pa nakita..
Noon nama'y bumaba si Poseidon, esti si Jacob na naka-sando lang at naka boxer short.
Ganun nalang ang paglunok niya ng laway niya nang makita kung gaano ka-gwapo at macho si Jacob.
Bakit ba siya naka-boxer lang? Hayss! Ang sarap ng harap! Charoot!
Bigla niyang sinapok ang sarili niya kaya nagtakang napatingin sa kanya ang binata.
"Oh! I have seen you yesterday. Ikaw yun diba? Yung kumain ng isang gallon na icecream?" tanong nito at derechong nakatingin sa kanya.
Bigla siyang inihit ng ubo.
Bwisit! Bakit niya pa pinaalala ang isang gallon ng icecream?
"H-huh? Ice cream??"parang tangang tanong niya rito.
"Teka, magkakakilala kayong dalawa?"nagtatakang tanong ng ina ni Jacob habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.
"No!"sabay nilang sambit.
"I mean, not literally na magkakilala kami Ma, I just saw her eating one gallon of ice cream nang katagpuin ko sana noon si Raine.."
"Raine?"nagtatakang tanong ng ina nito.
Mas linakasan pa niya ang ubo niya dahil sa takot na baka malaman nito na siya ang Raine na tinutukoy ni Jacob.
"Ayos ka lang iha?"
"H-ho? Ah.. opo, inatake lang po ng T.B este kaba."wika niya.
Tumango naman ito sa naging sagot niya
Maya-maya'y umakyat din naman kaagad si Jacob sa heaven. Tawagin nalang niyang heaven kung saan man ito aakyat kasi dadaan pa talaga sa escalator bago makarating sa paroroonan. Chus!
BINABASA MO ANG
She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )
Narrativa generaleThey're childhood bestfriends, pero nagkahiwalay nang manirahan ang mga Samonte sa Amerika. Raine Zynah is very pretty during their childhood, pero habang nagdadalaga ay biglang nagbago ang anyo niya. She's not that old Raine anymore. She became ver...