UMIIYAK siyang lumabas ng SGC building. Hindi na niya pinapansin ang mga tao na nakatingin sa kanya. Wala siyang pakialam kung naghalo na ang mga luha at sipon niya. Sobrang sakit ng nararamdaman niya e, bakit ba?Mabilis niyang nilakad ang kinaroroonan ng kanyang sasakyan nang may makabunggo siya. Hilam sa luha ang kanyang mga mata kaya hindi niya napansin na may nakakasalubong siya.
"Sorr-"
"R-Raine?"
Mabilis niyang pinahid ang kanyang mga luha at hinarap ang taong nakabungguan niya.
"Oh! Ikaw pala Jayhan! Sorry, hindi kita nakita."
"Hmm, paano mo ako makikita kung puno ng luha 'yang mga mata mo? Any problem?"
"Anong ginagawa mo rito?"tanong niya at hindi sinagot ang tanong nito.
"Well, I have a meeting with the Samonte's. Pero, ano nga muna ang problema mo?"tanong pa nito
Bigla nalang siyang pumalahaw ng iyak, kaya si Jayhan naman ay natatarantang hinawakan siya sa magkabilang balikat.
"Hey! What's wrong? C'mon let's talk.." saad nito at dinala siya kung saan habang nakahawak ang mga kamay nito sa mga bisig niya.
Nakarating sila sa isang sasakyan na sa tingin niya ay pagmamay-ari ni Jayhan. Ngayon lang kasi niya nakita ang ginamit nitong sasakyan.
Agad siyang pinapasok ni Jayhan sa loob ng kotse. Pagkapasok niya ay napabuntong-hininga itong humarap sa kanya.
"Now, tell me what's your problem. Hindi ka iiyak ng ganyan kung hindi mabigat ang problema mo!"
"I- I'm pregnant Jayhan..."
"What? I mean, if you're pregnant, eh bakit para kang pinagsakluban ng langit at lupa? Bakit ka umiiyak ng ganyan?"
She cried again. Feeling niya namamaga na pati mga labi niya kakaiyak.
"It's Jacob.."mahina ngunit tama na para marinig ni Jayhan.
"Ang tatay?"
She nodded.
"Yun naman pala e, so bakit ka umiiyak? Kung ang taong mahal mo naman pala ang tatay niyang dinadala mo.."
"Yun na nga ang problema Jayhan e. I love him, pero nahuhulog na siya kay Alicia at ayaw niyang panagutan ang anak niya sa akin."
"Anak ng- Bakit ka naman pumayag na hindi niya pananagutan 'yang ginawa niya sayo?"
"He's in doubt that you are the father of my child. Isa pa Jayhan, wala akong laban e. Anak lang ang meron sa akin, pero kasal siya kay Alicia. Si Alicia parin ang asawa niya at matatawag lang akong mistress niya."
Jayhan heaved a sigh.
"Anong gagawin mo ngayon?"tanong pa nito sa kanya.
"Bubuhayin ko ang anak ko na hindi siya kasama."
Napabuntong-hininga ulit si Jayhan habang nakamasid sa kanya na pinupunasan ang mga luha niya.
"Well, I am willing to stand as a father of your child you know. Let's get married.."walang gatol na saad ni Jayhan na nagpapalaki ng kanyang mata.
"Sorry Jayhan, pero ayaw kong gawin kang panakip-butas lang. You deserved someone better at hindi ako 'yon. I know your feelings, pero ayaw kong samantalahin yun dahil lang sa sitwasyon kong ito. Alam naman 'to ng Dada ko. Maybe, aalis nalang akong bansa- para makalimutan ko ang nangyari ngayon sa akin. Sorry talaga."
"Sus, ano ka ba? Okay lang. Alam ko namang wala talaga akong pag-asa diyan sa puso mo. Ang gusto ko lang naman ay maging masaya ka, para magiging masaya na rin ako. Pero, paano ako sasaya kung problemado ka naman? Kung gusto mong mangibang-bansa, let me accompany you. I'll be assigned in New York next week, bakit hindi nalang tayo magsabay, hmm?"
She sighed habang patuloy parin sa pagtulo ang mga luha niya.
Sa totoo lang, hindi niya alam kung paano buhayin ang dalawang anak niya na mag-isa. Yes, suportado siya ng kanyang ama financially, pero alam niya kasi na habang lumalaki ang mga bata ay maghahanap ito ng presensya ng kanilang ama.
"Sasama ako sayo Jayhan!" maya-maya'y saad niya rito.
Napangiti ito sa naging desisyon niya.
"Pero, natatakot ako Jayhan.." aniya.
"Ano na naman ang ikinakatakot mo? Kasama mo naman ako doon, 'di kita pababayaan, okay?"
"Hindi naman 'yan ang ikinakatakot ko e. Naisip ko kasi, paano kung habang lumalaki 'yong mga anak ko, eh maghanap sila ng presensya ng kanilang ama?"
"I told you, willing akong maging ama ng mga anak mo!"
She hissed at pinahid ang huling butil ng kanyang mga luha.
Yes, huling butil. Dahil, nangako siya sa sarili niyang hindi na siya iiyak!
She also promised to herself na huli na ang pakikiusap niyang iyon kay Jacob. Kung ayaw nitong tanggapin na ito ang ama ng kanyang dinadala, ay hindi na siya mamimilit pa. Minsan na niyang ibinaba ang kanyang pride alang-alang sa magiging anak nila, pero pinagdududahan pa siya na iba ang ama ng kanyang dinadala.
Tama na ang minsan niyang pakikiusap, nunca na maghabol pa siya.
Pero, ang sakit lang kasing isipin na ganun lang kadali nitong itapon ang relasyon nila. Para bang nakakalimutan nitong siya ang bestfriend nito. Na siya ang unang minahal nito.
Pero, tama nga ang sinabi ng iba, na mas mabuti na yung nasa huli ka, at least alam mong wala ng darating pang iba. Kesa ang nauna ka nga, pero alam mong may darating pa.
She sighed deep bago pinakiusapan si Jayhan na ipasyal siya nito para makapag-isip.
Pero, dinala siya nito sa isang mall.
"Anong gagawin natin dito?" agad na tanong niya nang mapansin na nasa may parking area na sila ng isang mall.
"Sabi mo, mamamasyal tayo."
"Pero, bakit dito?"
"Huwag ka ng maraming tanong, tara na nga!"sabi nito at nauna ng lumabas ng sasakyan.
Nawiwirduhan man ay lumabas na rin siya ng sasakyan at sumunod dito.
Napunta sila sa isang maternity section. Lahat ng nandun ay mga gamit ng mga buntis tulad ng; duster, breastfeeding bra, at marami pang iba.
Binilhan siya nito ng mga duster. Hindi lang basta-basta na klase ng mga duster dahil mamahalin ang mga ito. Tumaginting na dalawang libi kada isa.
Ayaw sana niyang tanggapin, ngunit namimilit ito kaya tinanggap nalang niya.
Hinila siya nito nang matapos itong magbayad ng mga pinamili. Ito na mismo ang nagdala ng mga paper bags.
Dinala naman siya nito sa mga damit ng mga baby.
"Teka, Jayhan! Huwag mong sabihing bibili ka rin ng mga damit na pang-baby?"
"Why not? Bibili tayo ng marami para sa babies natin." saad nito at nagsimula ng pumili ng mga damit ng mga baby.
"Anong babies natin? Marami sa New York nito!"
"Yes, babies nat—"
"Sabi ko na e. Kunwari ka pang lumapit sa akin, para papanagutan sa akin ang dinadala mo na hindi naman pala talaga sa akin!"
Napalingon siya sa nagsalita, dahilan para hindi matuloy ni Jayhan ang gusto nitong sabihin.
"Jacob..."mahinang usal niya.
"Huh! Baby niyo, hindi baby natin Raine! Kaya sana, hindi mo na ako guluhin pa, dahil narinig ko na mismo sa inyong dalawa na si Jayhan ang ama at hindi ako!" saad ni Jacob at mabilis silang tinalikuran.
Biglang sumikip ang dibdib niya pero, pilit niyang pinigilan ang mga luha sa pag-agos.
Nangako siyang, hindi na iiyak ng dahil kay Jacob! Hinding-hindi na!
BINABASA MO ANG
She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )
General FictionThey're childhood bestfriends, pero nagkahiwalay nang manirahan ang mga Samonte sa Amerika. Raine Zynah is very pretty during their childhood, pero habang nagdadalaga ay biglang nagbago ang anyo niya. She's not that old Raine anymore. She became ver...