Kabanata 45

134 8 3
                                    


Ladies and gentlemen, we landed Ninoy Aquino International Airport. Local time is four thirty five in the afternoon, and the temperature is 27°C.

For your safety and comfort, please remain with your seat belt fastened until the Captain turns off the Fasten Seat Belt sign. This will indicate that we have parked at the gate and that it is safe for you to move about.

Please check around your seat for any personal belongings you may have brought on board with you and please use caution when opening the overhead bins, as heavy articles may have shifted around during the flight.

If you require deplaning assistance, please remain in your seat until all other passengers have deplaned. One of our crew members will then be pleased to assist you.

On behalf of BlaBla Airlines and the entire crew, I'd like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice day!

Natapos nalang ang announcement ng flight attendant ay hindi pa siya gumalaw sa kinauupuan niya.

"Mommy, lets go! I wanna see Lolo Sam!" untag ni Jass sa kanya.

Hindi niya alam pero sobrang kaba ang nararamdaman niya ngayon.

Finally, nandito na silang Pilipinas. Makikita na niya ang ama niya at makikita na rin ng kanyang mga anak ang kanilang Lolo. Pero, pakiramdam niya ay bigla siyang nagka-rayuma. Dahil hindi siya nakakatayo at biglang sumakit ang mga tuhod niya.

"Mommy, are you alright?" tanong ni Jarren sa kanya.

She nodded at pilit na tumayo. Pero bumalik din kaagad sa pag-upo nang mangatog ang tuhod niya.

God! Hindi ka naman siguro kakainin ng Pilipinas Raine Zynah! You're brave enough para harapin kung ano man ang sitwasyon na sasalubong sayo ngayon!

Ilang beses muna siyang nag-inhale exhale bago tumayo habang hawak ang mga anak sa magkabilang kamay.

Pagkatapos niyang makuha ang kanilang mga bagahe ay dumerecho kaagad sila sa arrivals area, kung saan ay nakikita kaagad niya ang Dada niya na malapad ang ngiting sumalubong sa kanila.

"Welcome home 'Nak!" saad ng kanyang Dada.

"Thanks 'Da!"aniya sabay yakap sa ama.

"Ito na ba ang mga apo ko?" tanong ng kanyang ama nang makita ang dalawang anak na hawak niya.

She nodded.

"Kids, it's Lolo Sam.."aniya.

"Lolo Sam? Yehey!" si Jass na kaagad na nagmano at yakap sa kanyang lolo.

"Hi, Lolo Sam!" kampanteng saad ni Jarren at saka nagmano.

Napatawa siya dahil umakto na naman itong parang matanda. Nagpaka-astig na naman ang lalaking anak niya.

Nakapamulsa pa ito at parang matanda lang na nakatayo.

Pagkatapos nilang magbeso ng ama ay kaagad din silang nag-biyahe papuntang bahay nila.

"Ano bang gathering ng pamilya 'Da at kailangan ko pang um-attend?"

"You're the only heir of the Arevalo's anak. Bukas ang announcement ng paghalili mo sa akin, kaya kailangang-"

"What? Heiress? Teka, naguguluhan ako 'Da. Ganyan ba tayo ka-rich at may pa-heiress-heiress pa kayong nalalaman?"

"Sort of anak. In fact, we're wealthier than Samonte's. Kaya gustong-gustong makuha ng tita Ybeth mo ang Arevalo's dahil alam niya ang tinatagong yaman ng ating pamilya."

"My God! In my existence ditong Earth, bakit ngayon ko lang nalaman 'to?"

"Sorry! Dapat kasi sana makasal ka sa isa sa mga Samonte's bago ibigay sayo ang Arevalo's. But, since na hindi naman nangyaring naikasal ka sa mga Samonte's ay medyo natagalan ang announcement."

"Arevalo din naman si Alicia, at siya ang naikasal sa mga Samonte-bakit hindi nalang siya ang humalili sayo Da? I'm not really interested with our wealth. Sakit lang sa ulo 'yan. I want to earn on my own. I want to become successful on my own."

"Iyon na nga 'nak e. Alicia is not also interested."

"Whoa! Himala na hindi siya interesado sa yaman ng pamilya natin 'Da."may pang-uuyam na saad niya.

Her Dada sighed. "Kung hihingi ng tawad sayo si Alicia 'nak, do forgive her. She's innocent. Everything was planned by your aunt."

"Ano? Anong ibig mong sabihin?"

"After the announcement 'nak. Huwag muna ngayon dahil kararating mo lang. Ayaw kong masira ang mood mo."

She tsk-ed at hindi na nagsalita pa.

Habang nasa biyahe ay panaka-nakang sinusulyapan niya ang mga anak.

She sighed. Naisip niya ang posibleng mangyari kapag nakaharap na niya ang ama ng mga ito pati ni Alicia. At yun ang ikinatakot niya.

Sigurado kasi siyang magkikita at magkikita parin sila ni Alicia at ni Vaughn Jacob, lalo na't i-aannounce na ang paghalili niya sa ama.

She's a heiress, really? As in, hinding-hindi talaga siya makakapaniwala na may tinatagong yaman pala ang pamilya nila. They live simply lang kasi. Akala niya simpleng company lang ang Arevalo's. Mayaman pala ang angkan nila na wala man lang siyang knows.

Imagine, pumasok siyang temporary cook to housemaid to secretary? Tapos, malalaman niyang they're wealthier than Samonte's? Nasaan ang hustisya? Pero, sanay din naman siya sa hirap, kaya okay lang yun.

Magdi-dinner na silang nakarating ng bahay. Inaantok na nga ang mga anak niya nang makarating sila dahil todo hikab na ang mga ito at sumalampak kaagad sa sofa. But Jarren remained calm.

"Sleepy already?"tanong niya.

Jarren shook his head, but Jass nodded.

She chuckled.

"Let's eat muna bago mag-sleep, hmm?"aniya.

"But mom, I wanna sleep na. I'm so tired, urghhh!"it's Jass.

"Uy, ang arte-arte ha! May pa-urgghh ka pang nalalaman."aniya but deep inside ay natatawa siya sa anak.

"Sorry. I really wanted to sleep na Mom."Jass pouted.

"Nah, don't believe her Mom. She'll just gonna watch TikTok, and do with her Instagram chuchu." Jarren mocked her twin sister.

"Ang sabihin mo brother, you're just being envious!" sabi ni Jass sabay taas ng kilay. Ang taray!

"Huh! Envious your face!"sagot naman ni Jarren.

"Stop it already, kids! Wash up na!"aniya.

"Bakit? Matutulog na ba ang mga 'yan?"tanong ng kanyang Dada sa kanya na kagagaling lang ng kusina.

"Yes, Lolo Sam! I'm sleepy na."si Jass.

Jarren hissed.

"Eh, inaantok na raw si Jassy. Si Jarren hindi pa naman daw siya inaantok."aniya.

"Wash up muna mga apo. Pagkatapos niyong magbihis, go downstairs para kumain. Then, you sleep na afterwards. May lakad tayo bukas at mamamasyal tayo all over the Philippines."

"Really?" Si Jass.

Her Dad nodded.

Oo nga, bukas na pala ang announcement. Imbes na mag-relax siya ngayong nakauwi na siyang Pilipinas, eh mukhang stress pa ang makukuha niya sa pag-uwi.

She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon