Kabanata 33

157 6 1
                                    


"ARAYKUPO!" reklamo niya nang mula sa kabayo ay bumagsak siya pababa dahil nahulog lang naman siya.

Wala naman palang business meeting o kahit anong business deal na gagawin si Jacob dahil ang sinabi nitong business deal ay ang ayusin pala ang relasyon nila.

Kaya daw ito nagsinungaling kay Alicia dahil gusto nitong ma-solo siya. At alam daw nitong susundan siya ni Alicia kaoag sinabi nito kung nasaan sila.

"Okay ka lang Babe?" may pag-alalang tanong nito sa kanya at mabilis siya nitong dinaluhan.

Babe na naman ang tawag nito sa kanya kasi daw baka mapagkamalan niya itong si Jayhan.

Nasa isang farm sila ng mga kabayo na pagmamay-ari ng pinsan nito.

Pilit siyang pinasakay nito sa kabayo kahit ayaw niya kasi daw magkakarera sila, kaya dapat daw mag-practice muna siya. At ito ngayon ang nangyari sa kanya.

"Sa tingin mo okay ako? Bwisit ka! Sinabi ng hindi ako sasakay e.."

"Eh, akala ko marunong kang sumakay ng kabayo e."

"Akala mo lang yun! Kalabaw lang kasi ang meron sa amin!"and then she hissed.

Napatawa itong tinulungan siyang makatayo.

"Sorry.."sabi nito sabay pagpag ng damit niya.

Sumimangot siya at naglakad papuntang bench na naroon. Ibinalik naman nito ang sinakyan niyang kabayo sa kulungan nito.

Guys, baka inisip niyong kabit ako ni Jacob, pero feeling ko ganun na nga. Engaged na siya kay Alicia e.

Bumuntong-hininga siya sabay ngiti nang makita niya ang binata na papalapit sa kanya hila ang sinasakyan nitong kabayo kanina.

"Let's go?"

"Huh? Saan?"

"Mamamasyal?"

"Saan? Sa gubat?"

"Hmm, sort of.."

"Eh, baka may mga ahas doon."

"Huwag kang mag-alala. Hindi naman  nanunuklaw ang ahas sa gubat. Baka gusto mong cobra?" makahulugang saad nito sabay kindat sa kanya.

Hindi na niya pinansin ang sinabi ni Jacob at mabilis siyang tumayo.

"Tara na!"sabi niya at nagpatiuna ng naglakad.

"Sandali lang! Sasakay tayong kabayo." sabi nito na nagpalingon sa kanya.

"Paano? Eh, iisa lang ang kabayo natin. Saka, hindi ako marunong sumakay niyan."

"Don't worry.."sabi nito.

Subalit, ganun nalang ang tili niya nang bigla siyang binuhat ni Jacob at pinasakay sa kabayo.

Pagkatapos ay ito naman ang sumakay sa bandang likuran niya.

Sa kdrama ko lang po napapanood ang ganito. Akala ko nakakakilig ang posisyon na ganun, pero hindi pala. Kasi, nagmukhang butiki si Jacob na kumakapit sa likuran ko e. At ako ay isang napakalaking pader sa harapan niya! Huwaaaa! Imagine niyo? Huhuhu.

May napansin siyang tumutusok na matigas sa bandang pwetan niya.

"Ano yang tumutusok sa pwetan ko?"inosenteng tanong niya kuno.

Narinig niyang napatikhim si Jacob sa tanong niya.

"Alin? Meron ba?"kunwari'y hindi alam nito.

She hissed.

She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon