GRABE siya kung maka-crave ng pagkain ngayon. It's been six months simula ng kung anu-ano nalang ang kinain niya dahil sa stress kay Jacob.Lately kasi, ang hilig niyang kumain ng matatamis kaya siya tumaba ulit, but this time parang mas gusto naman niyang kainin ay mga maaasim.
Anim na buwan na rin na hindi siya dinadalaw ng mens. Pero, normal na kasi yun sa kanya kasi may PCOS siya. Minsan tatlong buwan bago siya dalawin ng menstruation, minsan naman limang buwan, kaya hindi na palaisipan sa kanya kung hindi man siya dalawin ng buwanang regla.
Pero kahit gustong-gusto niyang kumain ay hindi niya magawa ngayon. Feeling niya namatay na pati ang taste buds niya.
Pagkarating niyang apartment ay todo iyak siya dahil sa nangyari sa kanilang dalawa ni Jacob na hindi niya inaasahang mangyari.
Akala niya kasi, kapag nakilala na siya ni Jacob na siya ang kababata nito ay magiging okay ang lahat sa kanilang dalawa. Na kapag naging sila na talaga ay magiging maayos na ang lahat. Ngunit, nagkakamali siya!
Ang hindi niya inaasahan ay ang pagbabago ni Jacob ng pakikitungo sa kanya simula lang noong nagsama ito at si Alicia sa iisang bubong bilang mag-asawa.
Umiiyak siyang nagpalit ng damit upang magulat nang biglang may sumipa sa bandang puson niya na hindi niya alam kung ano at bakit.
For the first time, ngayon lang nangyari ang ganito sa kanya. Pero ang klase ng sipa nito ay hindi naman masakit, medyo nakikiliti pa nga siya e.
Pero sa takot niya ay naisipan niyang magpa-check up na baka kung ano na itong nararamdaman niya.
Kahit pagod at gusto niya nalang sanang umiyak ng umiyak ay hindi niya magawa dahil nababahala na rin siya sa kalusugan niya.
Baka dahil sa katabaan niya kaya may sumisipa sa may bandang puson niya.
Agad siyang nagpalit ng panlakad na damit. Pagkatapos niyang magbihis ay agad din siyang umalis sakay ng kanyang sasakyan papuntang hospital.
Pagkarating niyang hospital ay agad din siyang kumuha ng number at saka pumila.
Mga iilang minuto din siyang naghintay bago tinawag ang kanyang number.
"Anong ipapa-check up mo ma'am?"tanong kaagad ng doctor sa kanya pagkaupo niyang monoblock chair.
"May sumipa kasi sa bandang puson ko Doc na hindi ko matukoy kung ano. Hindi kaya 'to dahil sa katabaan ko?"
"Sumisipa? Hindi ka ba buntis?"
"B-buntis? Naku, hindi po Doc.."medyo kinakabahang tawa niya.
"Kailan ka ba huling dinatnan ng monthly period mo?"
"It's been six months po Doc nung huli akong madatnan. Pero normal naman sa akin 'yon kasi po may PCOS po ako. Minsan irregular ang menstruation ko at minsan hindi talaga ako dinadatnan. Kaya imposible po na mabuntis ako."
"Ma'am, kahit may PCOS po kayo, may possibility parin na mabuntis ka. Meron na din kasing mga case na ganyan na after regular contact ay nagiging regular na din ang mens kaya posibleng buntis ho kayo, lalo na at may sumisipa diyan sa bandang puson mo. But, let's check para maka-sigurado. Sandali at kukuha tayo ng PT."sabi ng doctor sa kanya at saka may inutusang nurse na kukuha ng pregnancy test kit.
Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating ang nurse na may dalang pregnancy test kit.
"Here, test yourself.."sabi nito at ibinigay sa kanya ang PT.
"Nasa left side ang banyo. Patakan mo lang ng dalawang drops ng urine mo at hintayin mo ang result. Kapag dalawang linya ang lumabas, ibig sabihin ay buntis ka. Kapag isang linya naman ang lumabas, that means you're not pregnant.."dagdag ng doctor.
BINABASA MO ANG
She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )
General FictionThey're childhood bestfriends, pero nagkahiwalay nang manirahan ang mga Samonte sa Amerika. Raine Zynah is very pretty during their childhood, pero habang nagdadalaga ay biglang nagbago ang anyo niya. She's not that old Raine anymore. She became ver...