Kabanata 18

143 7 1
                                    


BACK to work na naman. Medyo masakit pa ang mga sugat niya, pero kailangan niyang magtrabaho para libangin ang sarili niya.

She admit, nasasaktan parin siya sa mga natatanggap na salita kay Jacob.

"Monet, come to my office.."ang boss niya na kararating lang at ngayon ay papasok na ito sa opisina nito.

Nakalabas na sa hospital si Cassandra kahit hindi pa ito masyadong magaling. Sa bahay nalang daw ito magpapagaling.

Napabuntong-hininga siya bago sumunod kay Jim sa opisina nito.

"Sir Jim.."

"Oh, pinuntahan ka ba ni Jacob kahapon sa unit?"

"Huh? Hindi po, bakit po?"

"Yung resita mo naiwan mo sa hospital. Pinapahatid ko yun sa kanya. Wala ba siyang binigay sayo?"

Umiling siya.

"Gago talagang batang yun. Pagpasensyahan mo na ang kapatid ko Monet. Anyway, salamat sa pagligtas mo kay Cass."nakangiting saad nito sa kanya.

She smiled back.

"Okay lang po. Kahit naman siguro sino ay ganun din ang gagawin.."

"I'm glad and thankful. Pero, sigurado ka bang aalis ka ng condo?"

"Yes po. Secretary niyo naman na po ako kaya mag-rent nalang ako ng apartment."

She heard him sighed.

"Right. Pero welcome ka anytime sa condo. And oh, I almost forgot. Ikaw muna ang substitute secretary ni Jacob."

Gulat siyang napatingin rito.

"W-what?"

He nodded.

"Pero sir, hindi naman yata pwedeng itapon mo lang ako ng itapon dun sa kapatid mo! Hindi naman ako basura e."

He laughed.

"Eh diba yun ang gusto mo?"

"Oo, noon. Pero hindi na po ngayon.."

"That's an order Monet.."mahinahong saad ni Jim sa kanya.

"Then, I will resign!"

"Monet!"

"If you insist sir Jim, mag-resign nalang po ako.."

"Anong resign? Hindi ka mag-resign. Kasuhan kita ng breach of contract!"

"Wala naman tayong pinirmahang kontrata sir Jim. Isa pa, hindi naman ito ang trabaho ko diba?"

"Ah, eh. Just this time okay. Huwag mo nalang pansinin si Jacob. Si Cassandra ang ipapalit ko sayo na maging secretary ko. Kaya, please Monet, pumayag ka na.."

She sighed.

"After this, ayokong ibugaw mo na naman ako sa kapatid niyo sir Jim.."

"Oo na, last na 'to. Pero di ba, you like Jacob?"

She hissed at mabilis na tinalikuran ang boss niya.

So, dahil nga siya ang secretary ngayon ni Jacob, nagmadali siyang nagligpit ng kanyang mga gamit para sa paglipat niya ng opisina.

Hindi niya maintindihan kung ano ba talaga ang trabaho niya. Parang wala naman kasing permanente siyang trabaho simula nang gawin siyang secretary ni Jim.

Pagkababa niya ng kinaroroonan ng opisina ni Jacob ay agad siyang nag-ayos ng mga gamit niya sa desk niya. Hindi na siya nag-atubiling katukin pa si Jacob para ipaalam dito na nandoon na siya.

She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon