Kabanata 10

144 9 0
                                    

Alas kwatro na nang makarating silang site na sinasabi ni Jim. It's somewhere in Tagaytay kaya susulitin niya ang two days na pananatili rito.

Mabilis na bumaba ng kotse si Jacob kaya nagmamadali siyang sumunod rito nang makita niyang papasok ito sa ginagawang bagong building. Hindi niya alam kung anong building ito pero hindi na siya nag-usisa pa kay Jacob.

Pagkapasok nila ay binigyan siya ng hard hat ni Jacob, proteksyon daw sa mga falling debris.

Ang peste niyang puso ay halos lumabas na sa dibdib niya nang ito pa mismo ang nagsuot nito sa kanya.

Nakita niyang busy ang mga tao na kanya-kanyang gumagawa ng trabaho. From laborers, foreman at iba pa. Hindi niya alam kung anong tawag sa mga skilled persons ng construction e.

"Engineer Cheng!"tawag nito sa kung sino.

Engineer Cheng? Anak ni Mr. Cheng? Chus!

Nakita niyang napalingon ang isa sa mga nandun at nakangiti itong tumingin sa banda nila.

"Engineer Samonte!"saad nito at mabilis na lumapit sa kanila.

"Kumusta dito, wala bang naging problema?"tanong ni Jacob habang nakipag-kamay rito.

"So far, wala naman. Maayos naman ang lahat. Dala mo ba ang blueprint?"

Nakita niyang tinapunan siya ng tingin ni Engineer Cheng habang kausap nito si Jacob.

"Oh, betty?"saad nito na mukha pang nasorpresa nang makita siya.

Betty? Teka..

Tiningnan niya ito.

"Ice cream parlor?"

"Ikaw nga Betty?"

Halos magkasabay nilang bulalas sa isa't-isa.

"Magkakilala kayo?"

"Hmm hindi naman. Nakita ko lang siya dati sa isang icecream parlor na bumili ng isang gallon ng icecream.."saad nito at natutuwa pa nung maalala nito ang katakawan niya.

She hissed.

"I see. Nakita ko din siya sa park noon habang mabilis niyang inubos ang isang gallon na ice cream.."saad naman ni Jacob.

She hissed.

"May masama? Humingi ba ako ng pera noon sa inyo para ipambili ng ice cream? Tss!"aniya at asar na tumalikod. Narinig pa niya ang mahinang pagtawa ni Jacob kaya naiinis siya.

Naiinis siya sa sarili niya dahil hindi niya akalain na sobrang nakakahiya pala ang ginagawa niya.

She's just eating a gallon of icecream in public, at sobrang nakakahiya pala yun!

Sino ba naman kasing matinong kakain ng isang gallon ng icecream na hindi man lang namamaga ang lalamunan? Siya lang ang matinong yun!

She sighed at bumalik sa kinaroroonan ng sasakyan ni Jacob. Doon nalang siya maghintay kaysa gagawin naman siyang clown ng dalawang yun.

Magdidilim na nang makita niyang sabay na lumabas ang dalawa sa building na ginawa.

Pati ang mga trabahante ay masayang nagpapaalam sa mga ito.

Nakita pa niyang masayang nag-uusap ang dalawa at saka kumatok si Jacob sa passenger seat.

Agad naman niyang binuksan ang pintuan.

"Lumipat ka sa likod.."saad nito.

Kahit ayaw niya ay mabilis parin siyang lumabas ng passenger at lumipat sa bandang likuran ng kotse.

Pagkalipat niya ay nakita niyang pinasakay ni Jacob si Engineer Cheng sa passenger.

She's a bit sulk pero hindi na nag-reklamo pa. She has no right para magtampo.

"So, saan niyo gustong mag-dinner na dalawa–my treat.."si Engineer Cheng.

"Naku Jayhan, baka mamumulubi ka kapag ilibre mo pati si Monet.."biro ni Jacob.

Teka, Jayhan?

"JAYHAN'S fitness?" Bulalas niya at hindi na pinansin ang pang-aasar ni Jacob sa kanya.

"Yeah? Paano mo nalaman ang gym ko Betty?"

"Stop calling me Betty will you? Tss! Binigyan ako ng tatay mo raw siya ng calling card mo!"aniya.

"Really? Paano naman kayo nagkakilala ng tatay ko?"

"Sumakay ako sa taxi niya.."

"Ah..nagti-trip na naman ang cool kong ama.."bulong nito and suddenly chuckled.

Nag-uusap na naman ang dalawa at naging out of place na naman siya kaya hindi na rin siya nagsalita pa at pinabayaan ang dalawa na magdaldalan.

She's thinking. Kung si Jayhan ay Cheng ang apelyido, kaanu-ano kaya nito ang ka-meeting ni Jim? Baka ito yung taxi driver na naman. Pero baka magka-apelyido lang.

Bago pa magpunta sa ibang dimension ang isip niya ay naisipan niya nalang ang matulog. Tutal, hindi naman siya nakaka-relate sa pinag-uusapan ng dalawa.

Naaalimpungatan niyang may yumugyog sa kanya, at nakita niya kaagad si Jacob.

"Ano, kakain ka ba o hindi?"

"Hindi na, baka mamumulubi pa kayo e."saad niya.

He hissed. "Biniro ka lang, labas na!"

Mabilis naman siyang lumabas. Kapag pagkain ay wala siyang hinihindian. Nakangiti siyang lumabas ng kotse.

Pagkalabas niyang kotse ay nakita niyang pumasok sa loob ng chicken restaurant si Jacob.

Napahinto siya at nawala ang ngiti sa mga labi.

"Ano pang hinihintay mo diyan, pasko? Bilisan mo na!"

Nadismaya man ay sumunod parin siya kay Jacob sa loob.

Naabutan niya si Jayhan na kampanteng nakaupo habang hinihintay sila ni Jacob.

"Wait here, ako na ang mag-oorder.."sabi ni Jacob.

Umupo siya ng matamlay.

Pagdating ng inorder na pagkain ni Jacob ay masaya itong binigay sa kanya at pinggan na may kanin saka binigyan rin si Jayhan.

Dumating naman kaagad ang isang box ng fried chicken at chicken barbecue.

Nagsimula ng kumain ang dalawa pero siya ay hindi man lang ginalaw ang pagkain.

Nagtatakang napatingin si Jayhan sa kanya.

"Betty, kumain ka na. Binibiro ka lanh kanina.."

Plastik siyang ngumiti.

"Sige kain lang kayo."saad niya.

"Arte-arte. Kumain ka na nga.."saad ni Jacob.

Umiling siya, kasi hindi talaga siya kumakain ng manok.

"Betty kain na."

"Hoy Monet, kumain ka na kung ayaw mong magutom hanggang bukas. Anong hinahanap mo, steak? Walang steak dito kasi chicken restaurant ito.."

Medyo nasaktan siya sa sinabi ni Jacob kaya kumuha siya ng isang tuhog ng chicken barbecue at kumagat ng maliit at dahan-dahang nginuya ito.

Hindi pa man niya nalunok ito ay nangangati na ang buong katawan niya. Pero hindi siya nagpapahalata baka sabihin na naman ni Jacpb na nag-iinarte siya.

"Hoy Betty, bakit namumula ka?"puna ni Jayhan sa kanya, kaya biglang nag-angat din ng tingin si Jacob sa kanya.

Magsasalita na sana siya pero bigla siyang nahirapang huminga.

"A-all-erg-gy a-ako.."yun lang ang tanging nabanggit niya.

"Fvck!"narinig pa niyang mura ni Jacob bago siya nawalan ng malay.

She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon