Kabanata 13

139 11 0
                                    


Nagmamadali siyang pumasok sa opisina nang makatanggap ng tawag galing kay Jim.

Kinakabahan siyang humarap sa bossing niya nang makitang seryoso itong nakatingin sa kanya.

"Bakit mo iniwan si Jacob doon?"tanong nito sa kanya.

"Eh kasi, wala naman akong ginagawa roon.."

"Diba, sabi ko chance mo na yun para makasama mo siya.."

"Tss! Chance my foot! Di bale nalang sir Jim. Isa pa, malaki na ang kapatid niyo, hindi na niya kailangan ng yaya.."simangot niya.

"Umamin ka nga sa akin Monet, anong meron sa inyo ng kapatid ko? May nangyari ba sa mga past lives niyo?"

"Tss! Anong akala mo sa akin sir Jim, bunga ng reincarnation?"

"Kung ganun sabihin mo sa akin.."

"May gusto ako sa kapatid niyo. Satisfied?"aniya at akmang tatalikuran na ang boss niya.

"Really?"he chuckled.

"I know sir. Hindi mo na kailangang tumawa pa. Alam ko namang hindi ako bagay sa kapatid niyo kasi pangit ako, mataba pa.."nakangiting saad niya pero hindi abot ang ngiti sa kanyang mga mata.

"Monet.."

She just smiled and waved him bago lumabas sa opisina nito at bumalik na sa sarili niyang opisina.

Pagkabalik niyang desk niya ay kinuha niya ang kanyang cellphone at may tinawagan.

"Open pa ba yung offer mo?"agad na tanong niya nang sagutin nito ang tawag niya.

"Of course. During W, T, F lang ang schedule ko for you. Why? Have you decided?"

"Yeah. I'll go there nalang by Wednesday. Anong oras ka pwede?"

"Anytime.."

"Okay.. pero ano— libre parin ba?"

Narinig niya itong tumawa sa kabilang linya.

"Yes Betty, libre lang.."natatawang saad nito bago ibinaba ang tawag.

Nakangiting ibinalik niya ang cellphone sa kanyang bag at maya-maya'y napabuntong-hininga.

Zynah, kaya mo at kakayanin mo, okay?

WEDNESDAY, pagkatapos ng trabaho niya ay nagpalit kaagad siya ng damit at dumerecho na sa JAYHAN'S FITNESS.

Pagkapasok niyang gym ay kita kaagad niya ang mga gym equipments na naroon. Marami-rami ding tao sa loob na kanya-kanya ng exercises. May nag-treadmill, may nag-biking, may nag-body lifting at iba pa.

"Betty!"

Napalingon siya sa tumawag sa kanya at napasimangot nang nakangiti itong lumapit sa kanya.

"Ginabi ka.."saad nito.

"Alam mo na, may trabaho ako. Ngayon lang ako nakalabas ng office.."

"I see. Halika, sumunod ka sa akin."saad nito kaya mabilis siyang sumunod rito.

Dinala siya nito sa pinaka-opisina nito.

"Bago tayo magsimula sa mga gagawin mong exercises Betty, gusto ko munang ipaalam sayo na kailangan din natin ng diet plan.."

"Diet plan?"

Jayhan nodded.

"Yeah. Diet plan, para malaman mo kung ano lang ang pwede mong kainin sa araw na yun.."

"Hindi na ba ako pwedeng kumain ng karne?"

"Pwede, but.."

"But?"

She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon