Kabanata 17

170 12 3
                                    

Takot na takot ang mukha ni Jim nang hawakan nito si Cassandra na walang malay.

Binatukan niya ito, kaya ganun nalang ang panlalaki ng mga mata nito sa kanya.

"Problema mo?"

"Tsss! Pambihira naman kuya, dalhin niyo kaya muna si ate Cassandra sa hospital bago ka mataranta riyan. Bobo lang ang peg, ganern?"asar niyang saad rito.

Sa totoo lang, kanina pa din humahapdi ang balikat niya. Na kung hindi pa niya tinalian ay baka naubusan na rin siya ng dugo.

Gusto na rin niyang pumunta na sa hospital para mapagamot na rin niya ang sarili.

Gabing-gabi na nang makarating silang hospital. She's sad, dahil wala man lang nag-care sa kanya.

Mag-isa niyang pina-check up ang sarili nang makarating silang hospital  dahil si Jim ay natataranta pa dahil hindi pa nagka-malay si Cassandra.

Delikado ang kalagayan ni Cassandra dahil natamaan ito bandang hita at tiyan.

Umaasa siyang naging maayos lang ang lagay ni Cassandra at walang complications dahil hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may masamang mangyari sa amo.

Inoperahan din ang tama niya ng baril, medyo malalim din at dalawa ang naging tama niya sa kanyang balikat.

Nang matapos niyang pina-operahan ang sariling sugat ay lumabas na siya sa operating room para tignan siCassandra sa operating room na pinagdalhan nito.

"Monet.."narinig niyang tawag sa kanya ng isang pamilyar na boses. At hindi na siya magtanong kung kanino yun.

She look at him na walang kaemo-emosyon. Napansin niyang galit itong nakatingin sa kanya na ipinagtataka niya.

"If something bad happens to ate Cassandra, it would be all your fault!"singhal nito sa kanya.

How come? I mean paano ko naging mali?

"Teka, bakit ako ang sisisihin mo?"

"Nagtanong ka pa? Kung hindi dahil sayo hindi mangyayari yun kay ate Cassandra, safe sana siya ngayon!"

"Teka lang sir Jacob ha. Why would you put the blame on me, if all I did was trying to save ate Cassandra?"

"Save? Narinig mo ba ang sarili mo Monet? Nasa bingit ng kamatayan ngayon ang hipag ko nang dahil sayo!"

"Ah eh, kung gusto niyo palang sagipin si ate Cassandra, dapat on the spot kayong nagpunta roon. Ako na nga 'tong tumulong para mailigtas yung hipag mo, ako pa ang mali ngayon. Gusto ko lang naman siyang iligtas e, dahil hinang-hina na siya dahil hindi kami pinapakain, ni hindi pinapainom roon. Kasalanan ko ba kung late na kayong dumating? Kasalanan ko bang, ibinuhis ko ang buhay ko para lang iligtas ang  amo ko? Ginawa ko naman ang lahat ah, bakit kulang pa at kasalanan ko pa?"mahabang wika niya.

"And what? Safe sana siya?"she smirked.

"Paano ka nakakasigurong safe nga siya roon sir Jacob, kung yung pinagdalhan sa amin doon ay gusto kaming patayin na dalawa?"dagdag na saad niya at mabilis na tinalikuran si Jacob.

Her tears fell na kahit anong pigil niya ay hindi parin ito nagpaawat sa pag-agos.

Ang sakit lang kasi, siya nga pa ang tumulong, siya pa ngayon ang naging masama. She even risked her life just to save Cassandra.

Mabilis siyang lumabas sa hospital na hilam ang mga mata sa luha.

She has nowhere to go. Alicia betrayed her kaya wala siyang balak na bumalik pang apartment. Ayaw naman niyang umuwi muna sa unit ni Jim dahil makikita lang niya si Jacob doon.

Ayaw din naman niyang umuwing bahay nila dahil magtatalo lang sila ng kanyang ama.

She sighed at nanghihinang pumara ng taxi at nagpahatid sa fitness center na pagmamay-ari ni Jayhan.

"Betty!"masayang bungad nito sa kanya nang makita siyang pumasok sa loob ng gym.

Pero hindi pa man ito nakalapit sa kanya ay bumagsak na siya sa sahig.

Nagising siya sa isang maliit na silid. Ipinalibot niya ang paningin niya at napansin niyang nasa gym parin siya.

Nakita niyang pumasok si Jayhan na may dala na sa tingin niya ay pagkain.

"How are you feeling?"tanong nito at inilapag ang dala sa may bedside table na naroon.

"I'm fine. Salamat ha."nakangiting saad niya rito.

"Walang anuman Betty. Ano bang nangyari? I heard you were being kidnapped."

Tumango siya.

"Pero, ito naman na ako ngayon, buhay parin.."nakangiting saad niya.

She heard him tsk-ed.

"Yeah right! That's why you're trembling in fever."simangot nito.

She chuckles.

"Sobrang thank you talaga Jayhan. Hindi ko alam kung paano kita mababayaran for everything you did to me.."

"Oo na, kainin mo muna itong lugaw para makainom ka ng gamot."

She nodded at inabot mula rito ang bowl ng lugaw.

Pagkatapos niyang kumain ay inabot naman nito sa kanya ang gamot na mabilis din niyang ininom.

"Hindi mo alam kung paano mo ako bayaran Betty?"

"H-huh?"

"D-date me.."nahihiyang sambit nito

"What?"bulalas niya.

"That's the only way para makabayad ka sa akin."

"Hindi pwedeng pera nalang?"

She heard him hissed.

"I don't need your money Betty. Tss! Mas marami akong pera kesa sayo!"asar na saad nito.

She sighed at seryosong tumingin rito.

"I am inlove with someone else Jayhan. Masisikmura mo bang makipag-date sa akin, gayong alam mong inlove ako sa iba?"

"Alam ba niyang inlove ka sa kanya?"

Umiling siya.

"Yun naman pala e. Why don't you give us a chance?"

"Teka, seryoso ka talaga?"

"I'm serious Betty.."

"Pero, hindi ko kayang makipag-date sayo kung iba naman ang nilalaman ng puso ko Jayhan. Ayokong paasahin ka. Hindi naman ako ganun kasama para pagsamantalahan ko ang feelings mo para sa akin. Ayokong gawin kang rebound.."

"I'll make you forget him.."kulit nito sa kanya.

"And I don't know kung makakalimutan ko nga siya Jayhan. He's my first love, and maybe would be my last.."

Nakita niyang napayuko si Jayhan.

"Friendly date, ayaw mo parin?"maya-maya'y nag-angat ito ng tingin at nakangiting nagtanong sa kanya. Pero alam niya at kita niya na hindi abot sa mga mata nito ang ngiting iyon.

"Okay, friendly date. Deal."sabi niya at nakipagkamay kay Jayhan.

"I like you Betty, pero since ayaw mo naman, okay na ang friendly date. Deal."nakangiting saad nito sabay yakap sa kanya na tinugon rin niya.

She's Fatty Pretty - Vaughn Jacob Samonte ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon